Hindi na natuloy ang plano sanang paglabas nina Joymi at Franz. Hindi na nga rin muna siya sumabay rito sa pag-uwi dahil nga alam niyang may mga mata ng nakatutok at nakaabang sa mga kilos nila. "Daddy!" sabay na sambit nina Aeriya at Eros ng bumukas ang pinto at iluwa niyon ang asawa. Agad na sinalubong ng dalawa ito at malawak ang ngiting yumakap sa magkabilang paa nito. Agad namang yumuko si Franz para gawaran ng halik sa noo ang mga anak. "Good evening po," bati ni Franz nang madatnan siya nito sa sala ng apartment na tinutuluyan nila kasama ang papa niya. Nang maalis ang sapatos ay lumapit ito para magmano. "Magandang gabi rin saiyo, Anak. Akala ko ay gagabihin ka ngayon dahil hindi kayo nagsabay ni Joymi. Pero ilang minuto lang naman halos ang pagitan ng pag-uwi niyong dalawa," an

