"Akala ko ba wala kang gana kumain. Pero bakit simot na simot iyang tray mo?" tudyo ni Mira kay Joymi nang matapos siyang kumain. "Bigla ko kasing na-realized na kailangan ko ng energy para sa mga games and activites later. At saka sayang naman ang mga ito kung hindi ko kakainin. Ang dami kayang taong nagugutuman at hindi nakakakain ng tama kaya hindi tamang magsayang ng pagkain. Isa pa, hindi naman masama ang lasa nila. Masarap naman kahit papaano," kibit-balikat na sagot naman niya. "Finally nagsalita ka na rin ng mahaba. Kanina kasi ay puro ngiti ka lang, eh. At saka mukha kang lutang mula pa noong dumating tayo rito. Mabuti naman at mukhang nasa tamang katinuan ka na ngayon. I wonder if it is because of the food but I think you are already in a good mood mula pa noong bumalik ka gali

