Hindi makapaniwala si Joymi na handa palang makipagtalo si Franz para sa Amanda na iyon. Iyon kasi ang naging dating sa kaniya nang depensahan nito ang dalaga against Maxinne. Mukhang tama nga ang sinabi sa kaniya ni Lovely noon. Hindi nga basta-basta lang ang ugnayan ng dalawa. Nang lingunin siya ni Franz ay hindi niya inalis ang tingin rito. Tinitigan niya itong mabuti at ng mata sa mata para masigurong mararamdaman nitong hindi siya natutuwa sa nangyayari. Wala na siyang pakealam kung isipin man nitong nagsisimula na naman siyang maging unreasonable. Sa palagay niya rin naman ay wala naman sigurong babae na nasa tamang katinuan ang matutuwang makita ang asawa nilang pinagtatanggol ang isang babae sa harap ng maraming tao. Maya-maya nga lang ay tuluyan niya ng inirapan ito. Napatingin

