Hindi nakatulog ng maayos si Joymi o mas tama sigurong sabihin na wala talaga siyang tulog. Bandang ala una ng madaling araw ay nagising si Eros kaya naman lumipat sila ng kwarto upang hindi maistorbo si Franz na halos kakatulog pa lang sa oras na iyon kahit na kung tutuusin ay day-off nito. Lutang ang pakiramdam niya ngayon dahil sa dami ng bumabagabag sa isip, lumipas lang ang araw kahapon nang hindi man lang siya binabati ni Franz. Mukhang nakalimutan na nga talaga nito ang aniversary nila dahil sa dami ng iniisip sa trabaho. Dagdag pa nga sa inaalala niya ang kaibigan na si Kaira dahil hindi na ulit tumawag ito. Nang i-chat niya ito ay sinabi lang nitong ayos na daw ang pakiramdam at gusto na lang munang magpahinga. Habang nagluluto ng sinangag ay bigla na lamang napapikit si Joymi

