Chapter 13 ***2 years later***

2038 Words
Time really flies so fast. Today is their fifth year wedding anniversary. Hindi na nga rin namalayan ni Joymi na ang tagal na pala nilang naroon sa Taguig. Ang dating sanggol na bitbit niya nang pumunta sila roon ay magli-limang taon na at ang bunso niya naman ay dalawang taon na. Linggo ngayon at balak nga sana niyang yayaing lumabas ang asawa kasama ang mga anak siyempre para kahit naman minsan lang ay maka-bonding nila ito. Maagang bumangon si Joymi para makapagluto ng agahan habang natutulog pa ang mag-ama niya. Alas singko pa lamang ay gising na siya. Ganoon na talaga ang oras ng gising niya at nakasanayan niya na nga iyon. Tapos na niya ang lahat ng gawaing bahay bandang alas otso ng umaga. Umupo muna si Joymi sandali sa may sala para magpahinga. Mukhang napasarap ang tulog ng asawa at mga anak niya ngayon kaya wala pa siyang naririnig na ingay mula sa mga ito. Saktong aakyat siya para silipin ang mga ito ng makita si Franz na pababa dala ang laptop at iba pang mga papel habang nakasuot ng salamin. Bigla ay nawala tuloy ang ngiti sa mga labi ni Joymi. "Marami ka bang gagawin today?" lakas loob niyang tanong kahit alam niya naman ang maririnig na sagot mula rito. Umaasa lang siya na baka kahit papaano ay maalala nito kung anong meron ngayong araw. "Yes, hanggang ngayon kasi ay nangangapa pa rin ako at tambak talaga ang naiwang trabaho ni Ma'am Verna kaya kailangan kong maghabol," sagot naman nito at saka inilapag ang mga gamit sa mesa sa sala. "Ganoon ba?" sambit niya sa malungkot na tinig. "Hindi ba masyado na iyan? Madalas ka na ngang gabihin tapos hanggang linggo ay magta-trabaho ka pa. Siguro ay maiintindihan naman ng boss mo kung ipapaliwanag mo ang sitwasyon. Hindi ka naman robot. Kailangan mo ring magpahinga. Baka mamaya ay ma-over fatigue ka na dahil kaka-overtime mo, madalas ka ring nalilipasan ng gutom." Mariing umiling ang asawa. "Umiinom naman ako ng vitamins para kahit papaano ay ma-ensure na hindi bumagsak ang immune system ko. At saka gustuhin ko mang magreklamo ay hindi pwede." "Bakit naman?" "Mahabang kwento. Huwag mo na lang alalahanin dahil baka pati ikaw ma-stress." "Ah, sige," dismayadong sagot na lamang niya. "Hindi ka ba kakain muna? Ipaghahanda na kita ng agahan. Para naman may lakas kang magtrabaho," sambit pa niya ng makitang nagsimula na itong buksan ang laptop. Tila nag-isip pa muna nga ito at pinakiramdaman ang sarili kung nagugutom ba bago tumugon. "Sige, kakain na muna ako. Ikaw ba kumain ka na?" "Sasabayan ko na lang si Aeri mamaya. Alam mo naman iyon, ayaw kumain ng walang kasabay." "Sige, ako na lang ang bahala sa kakainin ko. Umakyat ka na sa taas dahil baka magising na rin si Eros niyan. Siguradong hahanapin ka agad no'n." "Sige," tipid na sagot na lamang niya at saka dumiretso sa silid at humiga sa tabi ng mga anak. ___ Si Franz na ngayon ang Accounting Manager sa Julian's Bakeshop. Mula ng ma-promote ito isang buwan pa lamang ang nakakaraan ay mas lalo pa itong naging busy. Biglaan kasi ang pag-alis ng dating Manager na si Verna due to health condition at backlog pa ang Financial Statement na iniwan nito. Marami rin siyang nakitang mali sa ilang reports na gawa nito at mga maling entry kaya hindi balanse ang balance sheet kaya naman doble-dobleng trabaho ang naiwan sakanya. Gustuhin man niyang magreklamo ay hindi niya magawa. Malakas kasi ang kapit ng dating manager dahil kamag-anak ito ng Vice president for production kaya syempre, ang pagkakamali nito ay paniguradong ibabato rin pabalik sakaniya since siya ang assistant. Kapag nalalagay kasi sa alanganin si Verna noon ay to the rescue agad ang VP para suportahan ito so wala siyang magawa kung hindi ayusin iyon at tapusin nalang para on time pa rin maipasa ang report at isa pa, pagkakataon niya na rin iyon para mas lalo pang ma-impress sakaniya ang COO kaya kahit na hirap na hirap siya dahil halos buong taon ang inaayos niyang reports since affected talaga ang mga previous reports and need ng maraming adjustment para lang maging accurate at balanse ay kinakaya niya na lang. Ngayong promoted na siya as manager ay balak niya na nga sanang kumuha ng housing loan para naman mailipat na sa mas maayos na lugar ang asawa at mga anak niya. Hindi rin kasi ganoon kaluwang ang apartment na tinutuluyan nila. Gusto niya syempreng bigyan ng mas komportableng tirahan ang pamilya niya. At syempre para na rin naman mas maluwag ang pwedeng paglaruan at takbuhan ng mga anak niya. Para na rin masubukan din nilang maglaro sa may hardin. Sakto nga at alam niyang mahilig din sa halaman ang asawa. He wanted to surprise them kaya naman saka na lang niya sasabihin kapag nakahanap na siya ng bahay na bibilhin. ____ Hindi pa man umiinit ang kamang hinihigaan ni Joymi nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Napakunot-noo pa nga siya nang makita kung sino ang tumatawag. Hindi kasi normal na magising si Kaira ng umaga, madalas ay hapon na itong gumising at mambulabog sa tuwing linggo. "Yes? Ang aga mong gumising, ah. Anong nakain mo?" biro niya ngunit sa halip na sagot ay sunod-sunod na hikbi ang narinig niya mula sa kabilang linya. "Anong nangyari, Kai? Bakit ka umiiyak?" nagaalalang tanong niya. Halos mahilo pa nga siya dahil sa biglang pagbangon. "Si Jolenz... May babae siya," sambit nito sa pagitan ng paghikbi. "Ano?! Sigurado ka ba r'yan? Paanong nangyari iyon? Akala ko ba nagbabagong buhay na iyan? " hindi makapaniwalang sambit niya. Parang kailan nga lang nang tuwang-tuwa itong nagku-kuwento dahil sa wakas ay umabot na ito ng six months sa trabaho. "Kitang-kita mismo ng dalawang mata ko nang halikan ng hayop na iyon ang babae niya," bakas ang gigil sa tono nito kahit na patuloy pa rin sa paghikbi. Saglit na natigilan tuloy si Joymi. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Wala siyang maapuhap na salita dahil nabigla talaga siya. Hindi niya akalaing magagawa pa nitong magloko samantalang anim na taon ng magkasintahan ang mga ito. At kung nabigla siya, mas lalo na lang kaya ang kaibigan. She can't imagine how hurt and shocked she is right now. "Alam na ba niyang nakita mo siya? Nagkausap na ba kayo? Nasaan siya ngayon?" sunod-sunod na tanong niya. "Hindi niya pa alam. Hindi siya umuwi kagabi dahil ang sabi niya ay nagkasalubong at nagkayayaan daw sila ng dati niyang classmate at napainom kaya sabi ko ro'n na siya magpalipas ng gabi kaysa magmaneho ng lasing." Muling humagulhol ito at ilang beses pa ngang suminghot-singhot bago nagpatuloy. "Pero mukhang hindi umayon sakaniya ang tadhana dahil akalain mo iyon, sa dinami-rami ng lugar, nagkataon pang sa iisang building umuupa ng apartment iyong officemate ko at iyong babae niya. At ang dalawang tinamaan ng lintik, sa labas pa lang ay naghahalikan na. My officemate took a video and send it to me." "Sigurado ka namang siya iyon?" "Yes. Ang kapal ng pagmumukha niya samantalang 'yong suot niyang damit ay ako pa ang bumili. I even asked my officemate to check kung nandoon ba ang kotse para mas makasigurado and Yes, kotse ko lang naman ang ginagamit ng hayop na iyon papunta sa kabit niya. Pagpasok talaga niya sa pinto mamaya ay babasagin ko kaagad ang pagmumukha niyang mas matigas pa sa semento." "Kumalma ka lang muna r'yan, okay? Subukan niyong pag-usapan ng maayos," suhestiyon niya. Bigla kasi siyang kinabahan para sa kaibigan. Syempre ay lalaki ito, ano naman ang laban doon ni Kaira kung sakali? Baka siya pa ang mabugbog nito. "Kaya naman pala bigla siyang nagbago. Parating atat na umalis at madalas gabihin dahil may kinakalantari na ka-trabaho niya," gigil pa ring sambit nito. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng kaba. Paano kung may ibang babae na rin si Franz kaya tila nagbago ito? Baka kaya hindi na ito naglalambing katulad noon ay dahil hindi na siya nito mahal? Ipinilig niya ang ulo upang iwaksi ang nga katanungang iyon na bigla na lang sumagi sa isipan niya. No, he can't do that. Mahal kami ni Franz at siguradong ginagawa niya lang ang lahat ng ito to give us a good life. "Ano na ang balak mo ngayon?" maya-maya ay tanong niya. "Syempre palalayasin ko siya rito. Ako ang nagbabayad ng upa at lahat-lahat dito kaya wala siyang karapatan sa kahit na anong meron dito. Magsama sila ng kabit niya wala akong pake alam... I think he's here," maya-maya ay sambit nito. "Kumalma ka muna, Okay? Huwag mong daanin sa dahas dahil ikaw pa rin ang pwedeng maging dehado kasi babae ka. Mas malakas siya saiyo." "Don't worry, Sis. Kaya ko ang sarili ko." "Tawagan mo ako agad mamaya pagkatapos niyong mag-usap." "Thank you, Sis." Busy tone na nga ang sunod niyang narinig mula sa kabilang linya. Isang malalim ba buntong hininga pa ang pinakawalan niya matapos ibaba ang cellphone sa may bedside table. Nakadagdag pa nga ang problema ng kaibigan sa bigat na nararamdaman ngayon dahil mukhang nawala na rin sa isip ng asawa pati ang anniversary nila. Alam niyang masyado na siyang matanda para mag inarte pa dahil sa hindi man lang siya nabati nito pero hindi niya talaga maiwasang hindi magdamdam. Bigla nga rin siyang napaisip kung kailan nga ba ang huling beses na naglambing ito sakaniya? Mag-asawa nga sila pero halos hindi na nga sila nagkakausap dahil mas madalas ang mga pagkakataon na tulog na siya bago pa man dumating ito o di naman kaya ay agad itong makakatulog pagdating dahil na nga rin sa pagod kaya wala na talagang oras para makapagusap sila. Kung minsan nga, lalo na kapag may dinaramdam ang mga anak o di naman kaya ay active ang mga ito at malikot ay sa kabilang kwarto na lamang sila natutulog para lang hindi maistorbo si Franz sa oras ng pagpapahinga nito. Ginagawa niya naman ang lahat para maging isang mabuting ina at asawa kaya sana naman ay hindi siya maisipang ipagpalit nito. Napatingin siya sa dalawang anak na ngayon ay mahimbing pa ring natutulog. Ayaw niyang magkaroon ng hindi buong pamilya ang mga ito kaya sana ay hindi sila magkaroon ng problema. Hindi niya kakayaning makita ang mga anak niyang nasasaktan kapag nagkataon. Ngayon pa nga lang na alam niyang nalulungkot ang mga ito lalo na si Aeriya dahil madalang nitong makalaro ang ama ay nasasaktan na siya. Paano na lang kaya kung ipinagpalit sila nito sa ibang babae? Hindi niya yata kakayanin iyon. Hindi niya kakayaning makitang nasasaktan ang mga anak o maiinggit sa mga buo ang pamilya. She shook her head once again to clear all her negative thoughts. Bakit nga ba niya iniisip ang mga iyon? She trust Franz. She knows how much he value their relationship at alam niya ring mahal nito ang mga anak kahit na pa sa mga material ba bagay na lang nito iyon naipaparamdam dahil nga masyado itong abala. Ayos lang na makalimutan nito ang anniversary nila. Ang mahalaga ay never naman nitong nakakalimutan ang birthday ng mga bata at madalas din naman itong magdala ng pasalubong para sa mga bata. For as long as nararamdaman niya ang halaga ng mga bata rito ay hindi niya pagdududahan si Franz. Dahil kung siya ay gustong bigyan ng buo at masayang pamilya ang mga anak, paniguradong ganoon din si Franz. Ilang taon na lang naman ay maaari niya ng ipasok ang dalawang anak sa eskwelahan. Sa oras talaga na makapag trabaho siya at makatulong kay Franz sa pag-iipon ay kakausapin niya itong huwag ng magpakalunod sa trabaho. Siguro naman ay hindi siya nito pagbabawalang mag-trabaho. Una pa lang naman ay alam na nito kung gaano niya kagustong maranasan ang buhay opisina. Kaya umaasa siyang hindi iyon maging isa sa mga dahilan para mag-away sila tulad ng mga napapanood niya sa telenobela. Dapat na yata niyang bawasan ang panonood ng drama dahil nagsisimula na siyang mag-isip ng kung ano-ano. "At siguro naman kapag nakuha na ng Daddy ang position na gusto niya which is to be an Internal Auditor ay hindi na siya masyadong magiging busy sa pagpapa-impress. Maybe he will have time na to play with you na that time," she said bitterly as she kissed her son and daughter's forehead.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD