At sa wakas ay dumating na nga rin ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang kanilang company outing o ang kanilang team building na ginaganap taon-taon kasabay na rin ng kanilang year-end party. It's a three days and one night paid vacation kaya naman sayang-saya talaga ang mga empleyado ng Julian's bakeshop sa araw na iyon. Madaling araw pa lang ay umalis na sila para maagang makarating sa kanilang destinasyon. At ang napiling lugar ng mga nag-organize which is ang hr department ay sa Vista Venice Resort located at Morong, Bataan. Originally ay sa Cebu dapat iyon gaganapin kaya lang ay biglang nagbago ang isip ng mga nasa top management. "Gosh! Sa wakas! Akala ko talaga hindi na matutuloy itong outing na ito sa dami ng ganap sa office," bulalas ni Lyka habang may malawak na ngiti sa mga

