Napansin ni Joymi na malayo ang distansya sakaniya ni Franz nang makapasok na sila sa lobby ng Julian's. Marahil ay iniisip nitong nag-aalala siyang baka may makakita sakanila kaya hindi na ito dumidikit. "Hi, Joy! Good morning," malawak ang ngiting bati ni Troy nang madatnan siya nito sa may tapat ng elevator na naghihintay na bumukas iyon. "Good morning, Sir." She smiled back. "Anyway, there is another cup-sleeve event na gaganapin sa cafe na pinuntahan din natin before. Gusto mo bang pumunta ulit? Marami silang mga official merch na freebies. Actually nagpa-reserve na nga ako ng slot para sa ating dalawa kaya sayang naman kung hindi tayo pupunta." Pasimpleng nilingon niya si Franz. Hindi ito nakatingin sakaniya pero sigurado siyang narinig nito ang sinabi ni Troy dahil hindi naman

