Chapter 50

1042 Words

"Ma, Pa. A-ano pong ginagawa niyo rito?" gulat na tanong ni Joymi nang mapagbuksan ng pinto ang mga magulang. Wala man lang kasing pasabi ang mga ito na bibisitahin pala sila. At isa pa, Alas siyete na rin kasi ng gabi, at halos kadarating niya nga lang din galing sa opisina. Alanganing oras na kaya talagang nagulantang siya. Kadalasan naman kasi noon ay tanghali o 'di naman kaya ay hapon dumarating ang mga ito. At higit sa lahat, nagsasabi ang mga ito bago dumating, pero ngayon ay wala. "Ito kasing mama mo. Miss na miss na ang mga bata. Gabi na kami nakapag byahe dahil nga mainit sa umaga at may inasikaso rin naman ako kanina. At isa pa, alam kasi naming nasa eskuwelahan ang mga bata kanina kaya ngayon na lamang kami pumarito. Ang sabi ko nga rito sa mama mo ay sa weekends na kami pumun

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD