Pagpatak pa lamang ng alas sais ng hapon ay agad ng kumilos si Joymi para iligpit ang mga gamit tutal naman ay tapos niya na ang mga reports na hinihingi ni Gabriel para sa araw na iyon. Ayaw niya rin kasing mag pang abot sila ni Franz dahil baka mamaya ay gumawa na naman ito ng eksena. Sa sobrang pagmamadali nga niya ay napapitlag pa siya sa gulat ng kalabitin siya ni Mira. "Bakit, Sis? May kailangan ka ba?" tanong ni Joymi at saka nilingon ito. "Ako, Sis wala pero..." sinadya nitong putulin ang sinasabi at saka lumingon sa may pintuan kaya napalingon din siya roon. At napamura na nga lang siya sa isip nang makita si Franz. Kinindatan pa nga siya nito nang magtama ang paningin nila kaya naman agad siyang tumingin sa paligid. Nakahinga lang nga siya ng maluwag nang makita na tanging si

