"Mukhang malalim ang iniisip mo, Boss, ah. Baka malunod ka?" biro ni Gabriel kay Franz habang naglalakad sila sa may lobby papunta sa cafeteria. "Kamusta si Joy?" "Bakit mo sakin tatanungin kung kamusta na ang asawa mo? Hibang ka ba?" tatawa-tawang sagot naman nito kaya tinignan niya ito ng masama. Pero hindi naman natinag ang kaibigan. Patuloy pa rin ito sa pagtawa. "I mean, kamusta siya today? Mukha ba siyang may problema or what?" tanong ni Franz. Tapos na kasi ang Audit Department sa concern nila sa Accounting Department kaya bumalik na sila sa designated office nila.? "Hindi ko talaga napansin. Hindi naman kasi sila directly reporting sa akin all the time. Since normal duty naman nila everyday ang pag-submit ng daily monitoring of sales and inventories ay sa supervisor dumisiretso

