Lumipas ang araw na hindi nakapag usap sina Joymi at Franz matapos ang naging pagtatalo nila ng umuwi itong amoy alak dahil parati nga itong nagmamadaling umalis. At ngayon, tulad nga noong mga nakaraang linggo. Sa halip na nagpapahinga ay naroon na naman ito sa sala at tutok na tutok ang buong atensyon sa laptop na nasa harapan nito. Ang dalawang anak naman ay naroon din sa sala at naglalaro. Ilang beses niya na ngang narinig na pumalatak ang asawa dahil sa ingay na ginagawa ng mga anak. Alas tres na ng hapon kaya naman naisipan niyang maghanda ng meryendang pancit cantoon para sa mga ito. Matapos nga ang issue ng kapatid at kaibigan sa mga dating kasintahan ay mas pinag-igi pa ni Joymi ang pagiging isang may bahay. Iniiwasan niya ng komprontahin ang asawa para nga hindi sila mag away.

