Paglabas ni Franz sa rest room ay nakasalubong niya si Maxinne. Galing din ito sa banyo. Mugto ang mga mata ng dalaga at mukhang matamlay. Isang tipid na ngiti nga lang ang ibinigay nito sakaniya ng magtama ang paningin nila pagkatapos ay naglakad na palayo. "Sandali," pigil niya rito kaya huminto ito ngunit hindi na siya nilingon pa. Sa tingin niya ay ayaw nitong humarap dahil ayaw nitong ipakita sakaniya ang namumugtong mata. "A-Are you okay?" alanganing tanong niya dahil obvious naman ang sagot sa tanong niya.He felt really guilty dahil mukhang sobrang naapektuhan ito sa naging pag-uusap nila ng ama kaya naman hindi maatim ng konsensya niyang balewalain ito. "Nagsisinungaling ako kung sasabihin ko na okay lang ako." Her voice cracked. Napangiwi tuloy si Franz. "I-Im sorry." "Why a

