Habang nakapila sa canteen. Kinapa ni Joymi ang magkabilang bulsa ng suot niyang coat para kunin sana ang wallet at nanlaki ang mga mata niya ng mapagtanto na wala sa bulsa ang kaniyang cellphone. Sigurado siyang dala niya iyon bago pa man sila lumabas sa opisina kaya imposibleng naiwan niya iyon doon. "What's wrong, Joy?" tanong ni Mira na nasa likuran niya nang mapansin marahil na palinga-linga siya at tila may hinahanap. "Nawawala ang phone ko." "Baka naiwan mo sa office?" singit naman ni Lyka. Umiling si Joymi. "Nag-text ako kay mama kanina habang naglalakad tayo sa may hallway kaya sigurado akong bitbit ko iyon." "Ah!" sabay pang napapitlag sina Joymi at Lyka sa gulat dahil sa medyo napalakas ang boses ni Mira. Napalingon nga rin sa gawi nila ang mga empleyadong nandoon. "Hinaa

