Matapos ang naging pag-uusap nina Joymi at Franz noong nakalipas na dalawang araw ay hindi na siya muli pang ginulo at kinulit nito. Maging si Gabriel ay hindi rin nagpasaring nitong mga nakalipas na araw. Hindi nga rin sa cafeteria nag lunch ang mga ito kaya hindi alam ni Joymi kung binibigyan ba siya nang time and space ng asawa para makapag isip o umiiwas na ito dahil nagbago na ang isip? Kahit sa iisang kama sila natutulog ay tahimik lang din ito at hindi umiimik hindi gaya nang unang beses siyang matulog sa tabi nito. She took a deep breath habang nakatingin sa likod ng nahihimbing na asawa. Kung puwede niya lang sanang kausapin ang mga magulang at paalisin ay ginawa na niya para makabalik na sila sa dati nilang set up at hindi na magkagulo gulo pa ang isip nila ngunit hindi naman ni

