Habang tulak-tulak ang cart na may lamang groceries sa supermarket ay hindi maalis ni Joymi ang tingin kay Franz na ngayon ay buhat si Eros at hawak naman sa kabilang kamay si Aeriya. Kitang-kitang niya rin sa mata ng mga bata kung gaano sila kasaya dahil ito nga naman ang unang beses na nagawa nila iyon kung tutuusin. This is the first time na lumabas sila ng buo as a family. Maging siya nga ay hindi alam kung anong mararamdaman. Tila may kamay na humahaplos sa puso niya habang tinitingnan ang mga ito. Her heart is so full and she is very overwhelmed to the point na hindi niya namalayang naluha na pala siya. "Mommy, are you crying?" tanong ni Aeriya nang mapalingon ito sakaniya. Maya-maya pa nga ay humawak na rin ito sa kamay niya habang ang isang kamay naman nito ay nakahawak pa rin sa

