Pagkatapos kumain ay agad ding bumalik si Joymi sa kwarto. Nagdahilan na lamang siya na masakit ang ulo nang magtanong ang ina kung bakit lukot ang mukha niya. Hindi niya rin naman kasi alam kung bakit nga ba siya badtrip. Siguro ay malapit na naman siyang datnan kaya umaatake na naman ang mood swings niya. Mood swings? O sadyang disappointed ka lang dahil panaginip lang pala ang nangyari kaya mainit ang ulo mo? kastigo naman ng kabilang bahagi ng utak kaya napailing na lamang siya. Kung dadalas pa ang pagtatalo ng isip niya ay baka sa mental hospital na ang bagsak niya in the future. Nakangiwing tinawagan niya na lang ang kaibigang si Kaira. Kailangan niya ng kausap bago pa man nga siya tuluyang masiraan ng bait. "Where are you?" bungad niya nang sagutin nito ang cellphone. "I'm on my

