Wala na ang sinat ni Eros at normal na nga ang temperature nila. Kaya lang ay matamlay pa rin ito dahil nga sa baradong ilong at makating lalamunan. "Tayo na lang munang dalawa ang mag-play, ha? Si Ate Aeri mag-practice pang magsulat kasi next year papasok na kayo sa school," malumanay na sambit ni Joymi habang buhat ang anak. Nasa may sala silang mag-iina at kasalukuyang nanonood ng cartoons. Habang sila ni Eros ay nasa sofa. Si Aeriya naman ay nasa may mats at salitang nanonood habang pina-practice isulat ang pangalan. Pinaghihiwalay niya muna ang dalawang anak dahil nga medyo malala pa ang sipon ni Eros. Mas mahihirapan kasi siya sa oras na mahawa pa ang isa. "Mamaya na lang po ako play kapag dumating na si Daddy," sagot naman nito at saka bumaba mula sa pagkakabuhat niya at humiga na

