Naghahanda pa lang ng agahan si Joymi nang pumasok si Franz sa kusina. Nang makita na hindi pa siya tapos magluto ay nagtimpla na lamang ito ng kape. Maaga kasi talagang umaalis ito sa tuwing mayroong meeting. "Kamusta na si Eros?" maya-maya ay dinig niyang sambit nito. "Normal na ang temperature niya. Ang iniinda niya na lang ay ang ubo at sipon," tugon ni Joymi nang hindi man lang ito nililingon. Nakatuon lang ang pansin sa nilulutong fried rice. "Susubukan ko na makauwi ng maaga mamaya o kung hindi man posible ay tatawag na lang ako para kausapin at kamustahin siya." Hindi na lang umimik si Joymi. Ayaw niya ng umasa sa mga salitang binibitawan ng asawa. Iyong simpleng pag sagot nga lang sa tawag niya ay hindi nito magawa. Magpapasalamat na lang siya kung magagawa talaga nito ang si

