Tulad ng mga nagdaang araw, hinintay ni Franz si Joymi sa may parking lot para nga sabay silang umuwi. He even sent her a message na hihintayin niya ito ngunit hindi ito nag-reply. Napatingin siya sa suot na relo. Alas sais y medya na pala. Ibig sabihin ay mag-iisang oras na rin siyang naroon. Pumanhik siyang muli sa third floor para silipin kung naroon pa ba sa opisina ang asawa. At nang makarating siya roon ay napangiwi siya. Tama nga ang hinala niya. Wala na roon si Joymi. Wala na ngang taong naiwan sa Accounting Department Office. Laglag ang balikat na bumalik siya sa parking lot at mabigat ang loob na umalis sa building ng Julian's. Samantala, naroon sa sala si Joymi kasama ang dalawang anak na gumagawa ng assignment nang dumating si Franz. "Daddy!" sabay na sambit naman ng mga anak

