"Mommy?" Nagulat si Joymi nang bigla na lamang bumalikwas ng bangon si Aeriya kaya mabilis rin siyang tumayo. Bahagya pa nga siyang napapikit dahil nakaramdam siya ng hilo gawa ng biglaang pagbangon. "Yes, Anak? Bakit? Anong nangyari saiyo. May masakit ba? Nahihirapan ka bang huminga?" kinakabahang tanong niya ngunit sa halip na sumagot ay bigla na lamang siyang niyakap ng mahigpit nito. "Mommy, I had a bad dreams. Daddy and I is playing hide and seek pero noong nagtago siya, kahit anong gawin ko hindi ko na po siya makita everywhere in our house kaya po lumabas ako ng bahay and then I saw him. Pero noong nakita niya po ako, He run away. Hinabol ko po siya ng hinabol but he won't stop running. And then... And then... " Hindi nito matapos-tapos ang gustong sabihin at maya-maya nga lang ay

