Alas sais pa lang ng umaga ay nasa dining area na si Franz kahit na nga alas otso pa naman ang call nila para sa activity nila today. Sinadya niyang maagang pumunta roon para abangan si Joymi. Tutal ay hindi rin naman siya nakatulog ng maayos so maaga na lang siyang bumangon. Kaya lang, mag iisang oras na siya roon pero hindi niya pa rin nakita ni anino ng asawa. "Bakit mo naman ako iniwan? May galit ka pa rin ba sa akin, Boss?" kakamot-kamot sa ulong sambit ni Gabriel nang umupo sa upuan na nasa harapan niya. Hindi niya na nga napansin ang paglapit nito kakalinga niya. "Nasaan sina Joy?" tanong niya. "Good morning din, Sir," sarkastikong sagot ng binata at saka tumawa. "Maaga silang gumising para subukan iyong wall climbing at zip line. Nabasa ko sa group chat kanina nang magyaya si Ly

