Kahit kanina pa kumukulo ang tiyan ni Franz sa gutom ay hindi pa rin mapuknat-puknat ang ngiti sa kaniyang mga labi habang hinihintay na matapos maligo si Joymi. He really likes it when his wife is paying attention to him. At gusto niya ang pakiramdam na ipinagdadamot siya nito. Kaagad siyang napabangon nang bumukas ang pintuan ng banyo at iluwa nito ang asawa na abala pa sa pag pupunas ng basa nitong buhok. At awtomatikong napa taas nga ang kaniyang kilay nang makita ang suot ni Joymi. She's wearing a maong short paired with a cropped top shirt. Hindi naman sobrang bitin ang damit nito pero kapag iniangat nito ang kamay ay siguradong lilitaw ang pusod at tiyan nito. "Bakit ganiyan ang suot mo? Gusto mo ba talaga akong makapatay?" nakasimangot na tanong niya sa asawa. Pero sa halip n

