Pagdating nila ni Franz sa may dining area ay iniikot kaagad ni Joymi ang tingin sa paligid para hanapin sina Mira. At napansin nga niyang pinagtitinginan sila ng mga katrabaho nilang naroon. Hindi siya sigurado kung dahil ba nagtataka ang mga ito na magkasama silang dalawa o alam ng mga itong kay Franz ang suot niyang damit. But who cares about what those people think? Taas noo pa rin siyang naglakad palapit sa kinaroroonan nina Mira. Pero hindi niya inasahang susunod si Franz at umupo pa talaga sa tabi niya kaya naman tinaasan niya ito ng kilay. "Wala ng ibang space na available," tipid na sagot lang naman nito kaya hindi na siya nakipagtalo pa. Pagkatapos nilang kumain ay kaagad ding nagpaalam si Franz at nauna ng lumabas para hanapin ang mga staff nito. "Bakit parang ang tahimik ni

