Please, Understand Me

899 Words
"Papa, na diyan si Lola." Untag ng kanyang anak na lalaki na siyang pumukaw ng kanyang atensyon. "Sige susunod na ako sa loob." Sabi naman niya saka tumayo at inayos ang sarili. "Hija, kumusta na. Bakit tila nangangayayat ka!?" Tanong ng kanyang biyenan. "Ayos lang po ako Mama." Malumanay na sagit ni Nexie. "Hija sigurado ka ba?" May pag-aalala sa tinig nito. "Opo Mama." Pinilit niyang ngumiti upang hindi nito mapansin na medyo hindi maganda ang kanyang pakiramdam. "Lola!" Sigaw ng dalawang tinig. "Ang mga magaganda kong apo." Aniya ng Matandang babae. "Napadalaw po kayo Lola." Puna ni Nevy. "Na-miss ko kayo mga apo ko. Teka ang Kuya niyo nga pala?" Tanong nito. "Mukhang ipinagpatuloy niya po ang kanyang ginagawa Lola." Sagot naman ni Poet na nakayakap sa kanyang Lola. "Ma, tutungo lamang ako ng kusina." Paalam ni Nexie, tumango naman ang kanyang biyenan. Narating ni Nexie ang kusina at dumiretso siya sa ref upang kumuha ng tubig na maiinom. Eksaktong nagsasalin siya ng tubig ng tila pakiramdam niya'y babaliktad ang sikmura niya. Agad siyang napatakbo sa lababo at doon siya nagsuka. Ngunit wala namang lumalabas puro tubig lamang. She stop for a second thinking. "No, this couldn't be!" She murmured. "Hey! How are you now!?" Nexie gasped with her shocked. Naabutan niya ba ako sa ganoon eksena? Tanong ng kanyang kaisipan. "Ahm... I'm okay now, I'm just a little bit dizzy." She answered then get her water. "Mauna na ako." Paalam niya. "Nex, wait. We need to talk." He said while holding her arm. "Talk to your children first bago tayo mag-usap. Ipaliwanag mo nang maigi sa mga anak mo kung ano ang kanilang nakita. At siguraduhing mong hindi ng-hindi ka magsisinungaling sa kanila." Malumanay na saad niya saka binawi ang kanyang braso mula rito at lumabas ng kusina. Pagdating niya ng kwarto nilang mag-asawa Naabutan niya ang kanyang biyenan at tatlong anak na nunuod. Tinungo niya ang kanilang walk-in closet upang magbihis. Pagka bihis niya nag paalam siyang lalabas na muna. "Ma, lalabas na muna ako sandali. Poet, Nevy at Sand kayo na muna ang bahala sa Lola niyo." Bilin niya sa mga ito. "Roger that Mama." Sabay na sagot ng kanyang mga anak. "H'wag mo kaming alalahanin hija." Aniya ng kanyang biyenan. "Sige po 'Ma, mauna na po ako." Aniya saka lumabas ng kwarto. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Grove ng magkasalubong sila sa hagdanan. "Pupuntahan ko lang si Anna, babalik din ako bago mag-dinner." Tumango si Grove. Atsaka ipinagpatuloy ang pagbaba sa hagdan. Nasa huling bait ang na siya ng tawagin niya si Grove. "Make sure na makausap mo ang mga bata bago matapos ang araw na ito Grove." Pag-papaalala niya kay Grove. "Oo." Maikling sagot nito at napayuko. She sighed while walking onto the parking. Maya-maya pa'y tumunog ang kanyang phone. Kinuha niya ito sa bulsa ng bag niya upang sagutin. "Hello Nex, nakaalis na ng clinic si Khlay eh. Pauwi na daw siya ng bahay. Kaya dito ka na lamang dumiretso." Bungad ng tumawag sa kanya. "Sige, sige. I'll be on my way na." Aniya. "Okay ingat sa biyahe ah." "Yup. Sige na mamaya na tayo magkwentuhan pagdating ko riyan." Sagot naman niya saka pinata na ang tawag. Habang nasa daan siya samu't sari ang tumatakbo sa kanyang isipan ng mga oras na iyon. Nariyan may kaba siyang nadarama na hindi niya maipaliwanag kung bakit. Pagdating niya ng Barriet Residence ay ipi-n-ark na muna niya ang kanyang sasakyan sa labas ng gate. Saka siya bumaba ng sasakyan. "Finally you're here." Aniya ng magandang babae na sumalubong sa kanya at niyakap siya. "Mabuti nga't naisipan nitong lumipat dito, kung hindi mapapalayo talaga ako. Baka abutin ako ng bukas bago ako makauwi." Sagot naman niya. "Naku ikaw talaga, oh siya halika tumuloy ka na muna sa loob. Eksakto kadarating lamang ni Khlay galing clinic." Saad nito saka hinawakan siya sa kanyang kamay at hinila patungo sa malaking bahay. "Tita Nexie." Tawag ng tinig ng isang babae mula sa di kalayuan, napalingon siya sa gawi nito. Tumakbong papalapit sa kanila ang batang babae at niyakap siya nito. "Queen, ikaw na ba iyan?" Tanong niya ng pasadahan ito ng tingin. "Opo." Magalang na sagot nito. "Naku dalagang-dalaga ka na." Sabi niya saka pinisil ang pisngi nito. "Ang Tagal na din ng huli tayong nagkita, naku siguradong matutuwa sina ate Poet at Nevy na narito ka na, naku panigurado akong mas matutuwa ang kuya Sand mo." Pagkabanggit ko ng pangalan ni Sand tila ba nahiya ito at napayuko. "Naku dalaga na nga ang iyong anak Majesty." Bulong niya sa kaibigan. "Ay sinabi mo pa." Sagot naman nito. "Oh siya dumiretso na tayo sa loob." "Nexie, napadalaw ka." Bati ni Khlay ng makapasok sila. "May gusto lamang akong ikonsulta. Alam mo na." Binigyan niya ito ng alanganing ngiti. "Did you ever try the test?" Tanong nito kaagad. "Nope, nitong past few days ko lang napapansin. Pero binabalewala ko lamang." Sagot naman niya. "Ang mabuti pa sumama ka na sakin at ng makasigurado tayo." Aniya atsaka nagpatiuna. "Nexie, kung magiging positive ba ang resulta. Sasabihin mo ba kay Grove ito?" Tanong ni Majesty habang magka-agapay silang naglalakad patungo sa likod bahay ng mag-asawa. "Sa totoo lang Majesty, ayokong mag-assume na muna sa ngayon. Atsaka kung magiging positive man siguro'y hindi ko na muna maaring sabihin kay Grove lalo na't nasa hindi magandang kalagayan ang relasyon namin ngayon." "Alam na ba ng mga bata?" "Nadiskubre ng dalawang babae ko." Napasinghap si Majesty sa gulat at si Khlay nama'y napahinto sa paglalakad. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD