Matagal bago ako Naka move-on sa mga bagay na nangyayari. Hindi naman kase ako manhid para hindi maramdaman ang sakit at lungkot ng nakaraan.
Isang umaga nagising nalang ako sa matinding sikat ng araw kaya napilitan akong bumangon. Midjo malaki narin ang tiyan ko kaya dahan-dahan ako sapag-kilos. Ilang segundo lang ng tumunog ang doorbell. Wala naman akong inaasahan na panauhin kaya napakunot noo nalang ako ng lumakad papuntang pintuan.
Nang mabuksan ko ito......
"H-Hi! "
"M-mark?" Gulat ako ng makita siya.
Nabigla naman ako ng agad niya akong niyakap. " I miss you..." Bulong niya sakin habang nakayakap parin.
"N-nakikita mo na ako?" Tanong ko ng kumawala na ito sapag-kakayakap.
"Yes!... Nakikita na kita at subrang ganda mo.." Nakangiti nitong sabi saka marahang hinawakan ang aking mukha.
"Wait!! Paalalahanan lang kita na hindi ako si Mayla Berguin at ako na ngayon si Jemarie Cuevas... Sana'y malinaw nayun sayo."
Tumawa siya bago nagsalita. "Alam kona lahat.."
"P-paano??"
"Siguro naman nabalitaan mo na nakulong si Mayla dahil sa druga. Sa araw nayun nalaman ko na pumunta pala ito ng Korea kasama ang ibang lalaki. Syempre nagtaka rin ako kung sino yung Mayla na nakasama ko ng matagal kaya tinanong ko na ang totoong Mayla bago siya dinampot ng mga pulis at pinaliwanag naman niya lahat kaya malinaw na sakin..."
"H-Hindi ka ba galit dahil sa pag papanggap ko?" Paniniguro ko sa kanya.
"Hindi.. dahil iniisip ko rin na kung hindi dahil sayo ay iwan ko lang kung anong posibleng mangyari sakin nung panahong hindi ako sinipot ni Mayla sa Wedding day namin. Subrang thankful ako sayu dahil nanatili ka parin ng matagal sakin matapos ang kasal. Maliban nalang yung dumating na si Mayla."
"Paano mo naman nalaman na hindi na pala ako yung babaeng kasama mo sa bahay. ?" Patuloy kung tanong sa kanya.
"Iba na kase ang tuno ng pananalita niya.. pati yung amoy tsaka nanibago ako kase...ako naman talaga yung unang naglalambing diba?"
Napatawa nalang ako sa sinabi nito. "Duh..! Pasok kana nga..!" Saka ko binuksan ng malaki ang pinto.
Napansin kung sandali nitong inikot ang paningin sa buong bahay at ng napansing ako lang mag-isa ay muli niya akong niyakap ng mahigpit.
"Hoy! Ano bang ginagawa mo??" Mabilis kung tanong sa kanya.
"Hindi kaba nasanay sa mga yakap ko sayu noon?" Saka ngumiti.
"Hindi kaba na-awkward sakin? Kase diba... ngayon molang talaga ako nasilayan. "
"Ngayon nga lang pero minahal na kita noon kahit nakatago ka sa ibang pagkatao at kahit hindi man kita nakikita noon, nararamdaman naman kita."
Hindi ko mapigilang ngumiti sa sinabi nito at naramdaman ko nalang ang subrang saya.."Talaga?" Paniniguro ko.
"Yeap!! And i'll promise dito na ako sa tabi mo at sa coming baby natin." Saka niya hinaplos ang malaki kung tiyan. " I love you to both of you.." Dagdag pa nito sabay halik sa noo at sa malaki kung tiyan.
"I love you too Mark..."
********
Muli kaming nagsama ni Mark sa iisang tahanan na wala ng pagpapanggap at walang tinatago sa isa't isa. Kalaunan ay nanganak rin ako ng isang sanggol na lalaki.
Masaya kami sa panibagong buhay. Katunayan ay muli rin kaming nagbabalak magpakasal para sa lubos naming kasiyahan.
"Babe...?" Mahinang sambit ni Mark habang sinasayaw ang anak.
"Yes?" Sagot ko habang pinapanood sila.
"You were the Great pretender.." Pabiro nitong sabi saka humalakhak.
Nang makakita ako ng unan sa kama ay agad ko itong ibinato sa kanya. "Nabaliw ka naman sakin.."
Matapos ay sabay na kaming nagtawanan.
Sa huli, naniniwala rin ako na gaano man kahirap ang sitwasyon, marami mang pagsubok ang darating, pagmamahal parin ang mananaig sa huli at walang sinuman man ang makakasira sa itinadhana na.