bc

The Great Pretender

book_age16+
41
FOLLOW
1K
READ
drama
tragedy
twisted
like
intro-logo
Blurb

Nang pareho kaming nakaupo sa Couch agad siyang nagsalita. "Sasama na ako kay Jerome sa Korea...mamaya kami aalis.."

Matapos ko yung narinig ay tila hindi ako makapaniwala "Noooo... nababaliw Kana ba? Paano si Mark? Ikakasal na kayo ngayon!" Hindi ko na napigilan at nasigawan ko siya dahil sa hindi tama nitong desisyon.

Hinawakan niya ang aking kamay.."Iniisip ko rin naman yan pero...i realize na hindi pa ako handa.."

"Hindi ka handa pero pumayag ka naman sa kasal na inalok niya!! Hindi ka handa pero sasama ka naman dyan sa iba mong lalaki!!" Saka ko inilayo ang kamay sa kanya. Pakiramdam ko kase wala na siyang tamang nagawa.

"L-Late na kase nung nalaman kung mas mahal ko si Jerome... please tulungan mo nalang ako..."

Napataas ang isa kung kilay ng marinig ang sinabi niya. "Ano naman ang maitutulong ko abiiir?"

Matagal siya bago nakapagsalita, na parang nagdadalawang isip sa sasabihin..

"Mayla paano nga!??" Pag-uulit ko.

"M-magpanggap ka na ako..." Tila nahihiya ito dahil sa expression ng mukha.

Gush... mababaliw ako kung lahat ng kaibigan ko ay katulad niya kung mag-isip. " Baliw Kana!" Sigaw ko sa kanya.

"Jemarie... Please...kung hindi ka papayag ay mapapahiya ang buong angkan ni Mark sa mga bisitang nandun. Alam kung hinihintay na nila ako ngayon at nakaayos na ang lahat!" Pangungumbinsi niya.

"My God Mayla.!!anung sasabihin ni Mark pag nakita niya na iba ang bride niya? Lalo na ng mga angkan niya..?" Seryuso ang pagkakatitig ko sa mukha nito.

"Hey! Nakalimotan mo? Bulag ang dalawang mata ni Mark mula nung aksidenti itong natabuyan ng asido! At never pa akong nakita ng mga angkan nun dahil puro nasa malalayong lugar nakatira ang angkan nun! And besides, halos magkasing boses lang naman tayo kaya malabong mahalata ka ni Mark." Pagtatama niya na sandali pang natawa.

chap-preview
Free preview
Episode 1
*The Great Pretender* Araw ng Sabado ngayon. Maaga akong naligo at nag-ayos ng sarili dahil invited ako sa kasal ng bestfriend kong si Mayla. Habang pinapanood ko ang sarili sa salamin, narinig ko ang pagtunog ng telepono kaya nagmamadali akong tumakbo sa kung saan ko ito inilagay. "Hello..?" "Jemarie...." Halatang Umiiyak ito. "Yes Mayla... May problema ba?" Hindi ito kumibo kaya alam ko na agad na meron nga itong problema. "Mayla... this is your wedding day! Dapat masaya ka.." Dagdag ko. "Kailangan kita ngayon dito... please bilisan mo..." Pagmamakaawa nito. "Ok darating agad ako!" Matapos ang sandaling yun ay agad akong pumunta sa bahay ng bestfriend ko. Hindi rin naman ako mapakali habang iniisip kung ano ang problema nito lalo pa't araw ngayon ng kanilang kasal. Nang binuksan niya ang gate ng kanyang bahay, mabilis itong yumakap sakin sabay iyak ng malakas. "Thanks dahil andito ka..." Pabulong nitong sabi. "Ano ba kaseng problema mo?" Kumawala na ito sapag-kakayakap sakin ng tanungin ko. "Pumasok muna tayo sa loob.." Saka niya ako hinila papasok. Nang pareho kaming nakaupo sa Couch agad siyang nagsalita. "Sasama na ako kay Jerome sa Korea...mamaya kami aalis.." Matapos ko yung narinig ay tila hindi ako makapaniwala "Noooo... nababaliw Kana ba? Paano si Mark? Ikakasal na kayo ngayon!" Hindi ko na napigilan at nasigawan ko siya dahil sa hindi tama nitong desisyon. Hinawakan niya ang aking kamay.."Iniisip ko rin naman yan pero...i realize na hindi pa ako handa.." "Hindi ka handa pero pumayag ka naman sa kasal na inalok niya!! Hindi ka handa pero sasama ka naman dyan sa iba mong lalaki!!" Saka ko inilayo ang kamay sa kanya. Pakiramdam ko kase wala na siyang tamang nagawa. "L-Late na kase nung nalaman kung mas mahal ko si Jerome... please tulungan mo nalang ako..." Napataas ang isa kung kilay ng marinig ang sinabi niya. "Ano naman ang maitutulong ko abiiir?" Matagal siya bago nakapagsalita, na parang nagdadalawang isip sa sasabihin.. "Mayla paano nga!??" Pag-uulit ko. "M-magpanggap ka na ako..." Tila nahihiya ito dahil sa expression ng mukha. Gush... mababaliw ako kung lahat ng kaibigan ko ay katulad niya kung mag-isip. " Baliw Kana!" Sigaw ko sa kanya. "Jemarie... Please...kung hindi ka papayag ay mapapahiya ang buong angkan ni Mark sa mga bisitang nandun. Alam kung hinihintay na nila ako ngayon at nakaayos na ang lahat!" Pangungumbinsi niya. "My God Mayla.!!anung sasabihin ni Mark pag nakita niya na iba ang bride niya? Lalo na ng mga angkan niya..?" Seryuso ang pagkakatitig ko sa mukha nito. "Hey! Nakalimotan mo? Bulag ang dalawang mata ni Mark mula nung aksidenti itong natabuyan ng asido! At never pa akong nakita ng mga angkan nun dahil puro nasa malalayong lugar nakatira ang angkan nun! And besides, halos magkasing boses lang naman tayo kaya malabong mahalata ka ni Mark." Pagtatama niya na sandali pang natawa. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. "Idadamay mo pa talaga ako dyan noh?" Tumayo ito at agad lumuhod sa paanan ko sabay hawak saking mga kamay.. "Please... gawin mo na for me..aalis na kase kami ni Jerome mamaya papuntang Korea... Desidido na ako..." "God!!!" "Please...'' "Oo na!! Oo na!!" Nang marinig nito ang sagot ko ay napatalon ito sa subrang saya.."Thank you..." At napayakap ito sakin. Ilang sandali lang ay inihanda ko na ang sarili. Hindi ko alam kung kakayanin kung mag-panggap na bride pero nakapag- Oo na ako at hindi kona mababawi yun. "Gush! Ano ba tung napasukan ko..!" Sabi ko habang tinitingnan ang sarili sa salamin na nakasoot ng gown. "Jem... andyan na ang susundo sayo...nasa labas nag-aantay!" Sigaw ni Mayla habang tumatakbo itong pumasok sa dressing room. "Ok na ba tuh?'' Tanong ko habang ipinakita sa kanya ang kabuuan ng pagkakaayos ko sa sarili. "Oo Ok na yan.." Pagsang-ayon niya habang hinila nito ang aking kamay palabas ng dressing room. "Push kona ba talaga tuh?" Pag dadalawang isip kung sabi. "Push mo na yan! Please.. " Hindi ko alam kung nasa tamang pag-iisip ba ako nung sumang-ayon sa gusto ng kaibigan ko na mag panggap na bride bilang kapalit nito pero nasimulan ko na. "God help me.." Ito yung naibulong ko nang makasakay sa kotseng sumundo sakin. Nagsimula narin akong kabahan at nakaramdam ako ng pangangalay saking mga Paa. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili pero hindi ko magawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook