Habang tumatakbo ang sasakyan, iniisip ko ang mga dapat gawin o ang mga magiging reaction pagdating sa venue. Umaasa nalang ako na sana'y kakayanin ko lahat.
"Ma'am andito na po tayu.." Magalang na sabi ng Driver saka ito bumaba ng kotse upang buksan ang pinto para sakin.
"Ehhrrrg....." Napangiwi nalang ako ng masilayan ang napakaraming panauhin na naka-abang habang nagpalakpakan.
"Ma'am Ok lang po ba kayo?" Pagtatakang tanong ng driver sakin ng mapansin ang kakaibang expression ng aking mukha.
"Ah..eh.. O-OK lang po.." Saka pilit akong ngumiti.
Sa aking pagdating ay agad sinimulan ang seremonya. Nanginginig akong lumakad papuntang Altar kung saan naghihintay si Mark Campilan na naniniwalang ang Nobya nito ang papakasalan sapagkat nabulag ang dalawa nitong mata.
"Mayla...ikaw dapat ang nandito...." Ito nalang ang naibulong ko sa sarili.
Nasilayan ko ang matamis na ngiti ni Mark kahit hindi ito nakakakita. Ramdam ko rin ang masayang nagpapalakpan na mga angkan nito at Lahat sila'y walang kaalam-alam saking pag-papanggap.
Nang mahawakan niya ang aking kamay..."Babe... nanginginig ka ata...Ok kalang ba?" Pagtataka niyang tanong.
"K-kinabahan lang kunti.." Pagsisinungaling ko.
Sa pagkakataong ito ay mas lalong lumakas ang t***k ng aking puso. Ito'y t***k ng konsensya at hindi pagmamahal. Hindi ko ma-imagine ang sarili at para akong dahon na sumasabay nalang sa agos ng ilog. Maya-maya lang ay tila pinitik ng maraming beses ang aking tenga ng sabihin ng Pari ang salitang.."You May now kiss the bride.."
God!! Parang gusto ko ng isigaw na hindi ako si Mayla Berguin at tumakbo papalayo pero alam kung hindi ganun kadali ang lahat.
Nang kapkapin...at mahawakan niya na ang aking mukha ay pilit kong pinaubaya sa kanya ang sandaling mahalikan ang aking labi. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata habang sinasabi ng aking isipan na..."Waiiiiiitt...it's Jemarie Cuevas and not Mayla Berguin!!" Pero hanggang sa isipan ko nalang yun dahil wala akong lakas ng loob na isigaw.
Dagdag pa sa konsensya ko ang pagpirma sa marriage contract, pati ang paggamit ko sa Pangalang Mayla Berguin na hindi naman talaga sakin.
Nang matapos ang seremonya, masaya kaming binati ng mga panauhin habang ang iba'y nakikipag-kwentuhan, nagtatawanan, at nagsayawan. At syempre...wala na akong magawa kundi ang panindigan ang pagpapanggap para sa baliw kung kaibigan.
"Welcome to our family..!" Sabi ng ina ni Mark sabay yakap sa akin.
"Thank you po Tit...."
"Mommy...mommy na ang itawag mo sakin simula ngayon." Agad na Pagtatama nito.
"Ok po..M-mommy.." Nahihiya kong sambit.
"Alam mo bang noon pa'y gusto na namin kunin dito sa Pilipinas itong anak ko at dalhin nalang sa France... pero ayaw niya...at kaya pala dahil May balak na siyang pakasalan ka." Ito yung masaya niyang kwento sakin na hindi ko alam kung paano mag-react dito.
Tumango nalang ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot.
"Kampante na kaming bumalik sa France dahil andito Kana iha na makakasama ng anak ko.." Dagdag pa niya.
"Mom... I told you diba na kahit bulag ako dapat lang na maging kampanti kayo dahil noon paman ay kaya kona ang sarili ko... atsaka sinabi naman ng Doktor na malaki ang chance na gagaling pa tung mata ko.''
Matapos kung marinig ang sinabi ni Mark ay mas lalo akong kinabahan. Paano kung darating ang time na magiging Ok na ang mata niya? Siguradong magagalit ito hindi lang kay Mayla kundi pati narin sakin.
"D-Dont worry po... hindi ko naman siya p-pababayaan.." Wala ako sa sarili ng sabihin yun. Ang importante lang sakin ay may ma-idugtong sa mga sinabi nila at hindi mag mukhang tanga.
Nang umalis ang ina ni Mark ay naiwan na kaming dalawa sa iisang mesa habang pinapanood ko nalang ang mga nagsisiyahan, samantalang siya ay nakikiramdam lang sa paligid.
"Babe...ahm.. matutuloy ba yung usapan natin dati.." Ito yung malambing na tanong ni Mark sakin habang nakahawak parin ito sa kanan kung kamay.
"M-may usapan ba tayo dati..?" Wala na akong alam sa mga sinasabi niya.
Napansin ko nalang ang pangungunot ng kanyang noo.
"Nakalimotan mo? Diba napag-usapan natin na 2 days after the wedding ay pupunta tayo ng Palawan?" Pag-papaalala niya.
"Ahhh...Oo nga pala...natatandaan ko na.." Pagkukunwari ko upang hindi na sya magduda " Ah...B-Babe...baka pweding hindi nalang Mona natin ituloy yun...kase...i realize na mas gusto kung s-stay home nalang tayo.."
Napansin ko agad ang pagbabago ng expression sa mukha nito. "Are you sure?" Paniniguro niya.
"Y-yes...I am." Mabilis kung sagot habang tinitigan ko ito sa mukha.
"Well..it's your choice.." Sabi niya.
Gwapo naman si Mark. Katunayan ay may Katamtamang puti ang kanyang balat, matangos ang ilong, at medjo singkit ang mga mata nito na kahit may dipirensya ay dumagdag ito sa kagwapuhan niya. Matangkad at matipuno rin ang pangangatawan niya. Naramdaman ko ring napaka bait niyang tao kaya para sakin ay isang malaking pagkakamali ang pagsama ni Mayla sa ibang lalaki papuntang Korea.
Matapos ang kasal namin, namaalam na ang lahat at nag sipag-uwian na. Ang ina at mga kapatid ni Mark ay bumalik narin sa France kinabukasan dahil sa negosyong hindi nila pwedeng iiwan ng matagal.
Sandali rin akong nagpaalam kay Mark upang kunin ang mga gamit ko sa bahay at naisipan ko ring dumaan muna sa bahay ni Mayla sapagkat gusto kung makiusap dito na tigilan kona ang pag papanggap dahil nakokonsensya na ako.