Episode 3

786 Words
"Mayla...!! Mayla...!!Mayla..!!" Nagsisigaw na ako ng Wala paring lumabas kahit naka-ilang pindot na ako sa door bell nila. Hindi na ako mapakali habang palakad lakad na naghihintay. "Ining.. wala ng tao dyan! Umalis kanina pa..!" Ito yung sigaw ng babaeng matanda na nagtatapon ng basura sa gilid ng kalsada. "Manang...May kasama po ba sya nung Umalis?" "Oo ining...May kasama siyang lalaki.. mukhang malayo nga yung pupuntahan nila kase maraming bagahe eh.." Matapos kung marinig ang sagot ng matanda ay alam kona agad na pupunta sila ng Korea. "S-sige po manang salamat po." Saka tumalikod na ako na parang nanghihina ang Paa. Nakaramdam ako ng labis na pagka-awa para kay Mark at galit para kay Mayla. Habang naglalakad ako, naisipan kong tawagan si Mayla at baka hindi pa ito nakalabas ng Bansa kasama ang lalaki niya. "Thanks God!! Nag ring ang phone niya!" Atleast nabuhayan din ako ng loob. "Hello..?" Boses niya. "Hello Mayla!! Asan Ka ba!?" Pagalit kong tanong sa kanya.  "S-sorry... paalis na kami ng bansa Jemarie.." "What about Mark? Gush!! Nakokonsensya na ako Mayla!! Kase pakiramdam ko pinagsamantalahan natin ang pagiging bulag niya!" "Jemarie... desidido na ako..." "Paano ako? H'wag ka namang selfish please..!! Pinasok mo ako sa problemang to! tapos ngayon sarili molang ang iniisip mo!!" Hindi ko na napigilang sumigaw at wala na akong paki-alam sa mga taong nakakarinig sakin. "Sumang-ayon ka sa gusto ko remember? And...don't worry pwedi mo naman siyang iwan nalang dahil tapos ng kasal diba?" Pakiramdam ko hindi na siya ang kaibigan na nakilala ko. Ngayon ko lang nalaman na napaka selfish niya at wala siyang paki-alam sa mga nararamdaman ng taong nagmahal sa kanya. "You have no idea how much he loves you! And Mark is so kind..'' Matapos kung sabihin yun ay ibinaba ko na ang cellphone at hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil alam kong malabo na siyang makonsensya sa mga sinabi ko. Gusto ko sanang hindi na bumalik kay Mark pero naaawa ako dito kaya kahit labag sa aking kalooban ay napilitan parin akong bumalik. Pagkabukas ko ng pinto nakita ko agad si Mark na nagpi-piano. Humanga rin ako sa kanya dahil kahit na bulag ay nagawa parin nitong magtugtog at halatang memoryado na niya ito. Alam narin niya kung ilang hakbang ang kailangan para makarating sa gusto nitong puntahan sa anong sulok ng bahay, pati mga gamit na gusto nitong kunin ay alam narin niya kung saan ito nakalagay. Matagal ako nakapagsalita dahil hindi ko maiwasang mapaluha sa kalagayan niya. Pakiramdam ko niloloko ko narin siya. Gusto kung ipaliwanag sa kanya na hindi ako ang babaeng minahal niya at nagpapanggap lang ako bilang si Mayla Berguin na alam kung minahal niya ng subra. "Babe..? Andyan kana ba?" Nagising nalang ako mula sa malalim na pag-iisip ng magsalita ito at huminto sa pagtugtog ng piano. "Ah..Yes! Paano mo nalaman..?" Saka lumapit ako sa kanya sabay yakap. "Naamoy ko lang ang pabango mo....kumustang lakad mo?" Tanong niya habang kinapkap ang dalawa kong kamay at mahigpit na hinawakan ang mga ito habang pinisil pisil. "O-OK naman nadala ko narin ang iba kung gamit." Sagot ko. Hindi ko maiwasang titigan ito sa mukha. Napakagwapo niya kaya hindi parin ako makapaniwala na pinagpalit siya ni Mayla sa ibang lalaki. Masyadong mababaw kase ang rason nito upang iiwan ang kagaya ni Mark.  "Ah..B-babe.. aayusin ko muna ang mga gamit ko sa loob.." Pagpapa-alam ko pero ang totoo hindi ko siya kayang titigan ng matagal. "Sure!" Marahan niyang sagot saka bumitaw sapag Kakahawak sakin. Nang makapasok ako sa kwarto nito ay hinampas-hampas ko ang kama ....yun ang paraan ko upang maibsan ang paninikip ng dibdib. Hindi ko kase alam kung hanggang kailan ako mag papanggap. Ramdam kong wala pa akong lakas ng loob na sabihin kay Mark kung sino talaga ako. Nagsimula narin akong umiyak. Sa gitna ng malalim na gabi, nagising nalang ako ng maramdaman ang mahigpit na pagkakayakap sa akin. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at agad kung nasilayan ang mahimbing na pagkatulog ni Mark habang nakadiin ang mukha nito sakin at amoy na amoy ko ang mabango nitong hininga. Ilang sandali rin ng napansin kong nakapatong pala sa hita nito ang isa ko ring hita. Muli kong ipinikit ang aking mga mata sa pag-aakalang panaginip lang lahat subalit ng muli ko itong ibinuka ay ganun parin ang posisyon namin sa isa't isa.  Hindi mahirap mahalin si Mark at alam ko na kahit sinong babae ay posibleng mahulog agad ang loob sa kanya dahil sa taglay nitong kagwapuhan at alindog ng katawan. Siguro panahon narin upang matakot narin ako na baka mahulog ang loob sa kanya at ma-in-love ng subra. Gush...baka hindi ko na magawang labanan ang sarili pag darating ang panahon na yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD