"Babe.. are you awake?!" Ito yung malakas na sigaw ni Mark na gumising saking pagkatulog.
Nang idilat ko ang mata ay hindi ko siya mahagilap sa kama sapagkat nasa loob pala ito ng Bathroom.
"Yes..! Bakit..?" Ganti kung tanong habang dahan dahang bumangon.
"Nahulog ko kase yung sabon sa floor hindi ko makapkapan...paki kuha naman please..."Sigaw niya.
Wala ako sa sariling pumasok sa Bathroom and...Gush.. natulala nalang ako sa nakita.
"B-babe!! Tumalikod ka naman please!!" Napasigaw na ako dahil hindi man lang ito nagtapis ng tuwalya.
"I'm sorry...i forgot." Sabi niya sabay halakhak ng tawa. "I thought you like it!"
"Ewwww!!" Ganti ko na kunwari ay nandidiri pa.
Nang iniabot ko sa kanya ang sabon ay nagulat ako ng bigla nitong pina-andar ang shower at muli akong napasigaw dahil sa subrang ginaw. ''What are you doing?!! Nabasa na ako..! Gush Ang ginaw!"
Mabilis niya akong niyakap at naglapat ang aming katawan. Pakiramdam ko ayuko ng kumalas sa pagkakayakap niya sakin. Ni hindi ako makakilos. Hinayaan ko nalang ang dahan dahang paglapit ng kanyang mukha sakin at binigyan ko siya ng kalayaan na gawin ang nais niya. Sa sandaling yun ay pinaubaya ko na ang sarili sa kanya at sabay naming narating ang kasukdulan ng langit.
"Babe...? Are you Ok?" Tanong ni Mark ng napansin niyang hindi ako umimik habang nagbibihis.
"Yeah! I'm fine" Matipid kung sagot. Ang totoo, iniisip ko parin ang nangyayari samin dahil alam kong mas dinagdagan ko lang ang sariling problema.
Ilang sandali ay tumunog ang doorbell. "Bubuksan ko lang ang pinto." Sabi ko sa kanya matapos iayos ang sarili at iniwan ko na siya.
"H-Hi..! Sino po sila?" Tanong ko ng makita ang isang lalaki na Nakasoot ng salamin.
"I'm Mr. Jacob Vasquez, the Doctor of Mark Campilan... every month ko kase syang binibisita para i-check up yung mata niya and you are....the newly Mrs. Campilan?" Ganti nitong tanong.
"Y-yes..i...i am" saka ko siya nginitian at magalang na pinatuloy sa loob ng bahay.
Mabilis ko namang pinaalam kay Mark kung sino ang panauhin kaya inalalayan ko narin ito upang mabilis ang pagdating niya kung saan naghihintay ang Dr.
Nagtimpla ako ng juice na maiinom nila saka kuna sila iniwan pareho. Ayuko kaseng marinig ang sasabihin ng Dr. lalo na't takot akong malaman na baka gagaling na ito sa lalong madaling panahon at sa panahon na yun ay hindi pa ako handa na sabihin ang lahat.
Sa paglipas ng ilang segundo.. araw... Linggo.. at buwan, mas lalo kung naramdaman ang pagmamahal ni Mark, dahilan upang makalimutan ko na ang pangalang Jemarie Cuevas at tuluyan akong nabuhay sa piling nito bilang Mayla Berguin.
Nawala na saking isipan ang pagbabalak na ipagtapat sa kanya kung sino ako dahil pakiramdam ko hindi ko narin kakayanin ang mawala siya lalo na't ibinigay ko na sakanya ang sarili ng buong buo.
"I love you Babe.." Ito yung hindi ko mapigilang sabihin sa kanya habang ikinulong ang sarili sa mga bisig nito.
"I love you more.." Sagot naman niya habang mas hinigpitan ang pagkakayakap sakin.
"Babe...? Gaano mo ako kamahal..? Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko masukat babe." Sagot niya saka hinalikan ang aking noo.
Bawat sandali, pinaparamdam niya sakin kung paano siya magmahal, dahilan upang mas lumalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya. Pakiramdam ko minahal ko narin ang pangalang Mayla Berguin at hindi na ako makaalis sa katauhang yun.
"Babe...! Babe!!"
Naghuhugas ako ng pinggan at nasa kwarto siya ng marinig ko ang malakas niyang pagtawag sakin kaya nagmamadali ko syang pinuntahan. "May kailangan ka ba?" Agad kung tanong.
"Paki dial sa number ni Dr. Vasquez please..."
"May kailangan ka sa kanya..?"
"I just need him right now. Pakiramdam ko kase May kunti na akong naaaninag!" Nakangiti nitong sabi sakin na tila walang kalalagyan sa kaligayahan nito at excited ito na muling makakakita.
Nagsimulang manginig ang aking mga paa ng marinig ang sinabi niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya para sa kanya o matakot dahil malalaman na nito ang pag papanggap ko.
"B-babe... n-nakikita mo naba ako ngayon?" Paniniguro kong tanong habang kinabahan sa maisasagot nito.
"Medjo lang eh.. Hindi pa malinaw..pero subrang excited na ako na muli kang masilayan."
Hindi ko na magawang magtanong ulit dito. Sinunod ko nalang ang sinabi niya at ng mai-dial si DR. Vasquez ay iniwan ko na sya sa kwarto.
Ilang oras pa bago dumating ang Doctor at gaya ng nakasanayan ko ay hindi na ako nakinig sa usapan nila at agad akong pumasok ng kwarto. Nagkulong at nag-iisip ako kung paano mapakalma ang sarili hanggang sa diko namalayang nakatulog na pala ako.