"Malay mo naman may nag text lang sa kanya na nakita ka sa Baguio diba? Kumalma ka muna. Andito nga tayo para mag relax ikaw naman kagabi pa praning dyan." "Ewan, iba pakiramdam ko eh" kagat kagat ko ang kuko ko habang nakikipag usap sa kanya. "Hay nako, eh kung nireplyan mo na at tinanong kesa naman overthink ka ng overthink. Lalo lang maiinis sayo yun dahil hindi mo binibigyan ng paliwanag" napabuntong hininga na lang ako. Taka naman talaga siya "Alam mo ikaw na lang kaya boss ko? Mas may common sense ka pa sa 'kin eh" biro ko at kinuha ang cellphone. [To: Elijah I'm with my secretary. I'm sorry I just want to unwind. Uuwi rin kami mamayang hapon] [From: Elijah ok] "Ang bilis mag reply ah? Yiiieee! Priority!" "Paanong hindi mabilis eh, ok lang ang reply. Akala mo mauubusan ng

