"Ma'am, ito na po lahat ng inventory and sales na hinihingi nyo" "Salamat" isa isa ko nang binuklat ang mga files at pinag aralan. Nandito ako ngayon sa flower shop, ilang araw rin akong nawala kaya marami rami din akong aayusin. Mula nang ikasal ako ay halos ilang linggo kong iniwan ang negosyo ko kaya medyo natambakan ako ng gawain. Ilang oras din ang lumipas bago ko natapos ang lahat. Alas kwatro na ng hapon nang i-check ko ang oras. "Ma'am?" "Pasok" "Aah, ma'am pasensya na po ha? Pero ito po nag order kami ng pagkain. Kumain po muna kayo, mula pagdating nyo po eh hindi pa kayo tumatayo dyan wala pa po kayong kinakain." si Claire, ang secretary ko. "Thank you Claire, medyo gutom na nga ako. Ano yang inorder nyo?" Tumayo ako at nag unat ng katawan. "Rice,dinakdakan, and cordon

