"Please naman sumagot ka" I've been calling him non-stop pero walang sumasagot. Nanggaling na 'ko sa bahay at sa office nya pero wala siya. "Saan ba kita hahanapin?" introverted si Kenji kaya iilang mga lugar lang ang alam kong posible nyang puntahan. Makailang beses ko pa siya sinubukang tawagan pero wala talagang sumasagot. Nag U-turn ako at nagpasyang hintayin na lang siya sa bahay. Ipinasok ko lang sa gaeahe ang kotse ko at lumabas ako ulit. Para hindi nya kaagad mapansing nandito ako at hindi na siya makaiwas. Kilalang kilala ko si Kenji. Hindi siya confrontational at 'yon mismo ang ayaw ko sa kanya. Alas onse na ng gabi at tawag na din ng tawag si Elijah pero hindi ko na 'yon pinansin. Bahala na siya, bukas ko na siya aalalahanin. Ang importante maayos ko ang sa 'min ni Kenji. Hin

