Chapter 1

1507 Words
Chapter 1     Halos dalawang buwan na rin ang pagtatrabaho ko sa club. Nakakawala man ng dangal dahil para sa iba ay maruming trabaho ito, pero ang pagiging enterntainer ang nagpapakain sa amin ng nanay ko sa ngayon. Wala akong choice kung hindi ang magpatuloy.   Hindi naman ganun kahirap ang trabaho. Basta magaling gumiling, madaling umakyat ang pera.   Ang hindi ko lang kayang sikmurain ay ang pakikipagtalik sa mga customers. Hinding-hindi ko iyon gagawin. Ayos na sa akin ang ihantad ang katawan, ‘wag lang ang mahawakan ng mga kalalakihang pumupunta sa club na halos lahat ay pulos matatanda na.   “Shey! You’re next!” tawag ni Aifa.   Mabilis kong isinuot ang aking sapatos na may napakataas na heels at saka lumabas ng dressing room papunta sa stage.   Dalawang beses akong huminga ng malalim bago hinawi ang nakatabing na makapal na kurtina. At gaya ng nakagawian ay nagsayaw ako, gumiling at pinag-init ang bawat customers na nanonood.   Sa bawat pagkembot na gawin ko, sa bawat pagtitig sa mga mata nila na ay hindi nila mapigilang maglabas ng pera mula sa makakapal nilang pitaka saka iiipit iyon sa damit ko. At habang tumatagal, lalong nagiging mainit ang klase ng pagsasayaw ko na lalo namang kinababaliwan ng mga manonood.   Nang matapos ang session ko at papalakad na papunta ng backstage, makikita ang mga pinagpapawisang customers, ang ilan ay hindi mapakali, ang ilan na may ka-table ay biglang susunggaban ang prostitute na katabi nila dahil siguro sa nag-iinit na katawan. Ang iba naman, naghihiyawan para hindi ako umalis.   Tuloy-tuloy akong lumakad papunta sa dressing room para magpalit ng damit, nang may marinig akong katok sa pintuan. Nang buksan ko iyon, nakita ko si Mrs. J.   “Shey, mamaya ka na magbihis. Sumunod ka sa’kin.” Utos n’ya. Gusto ko na sanang magpahinga pero wala akong magagawa.   Sinundan ko si Mrs. J sa VIP area. Sa una’y hindi ko nakuha ang ibig nang pagpunta ko dito. Pero kinabahan na at halos umalsa ang galit nang mahinuha ang maaaring dahilan bakit niya ako dinala dito.   “M-Mrs. J, bakit po ako nandito?”   Maliwanag sa akin ang trabaho ko dito. Entertainer ako. Tiga-aliw lang. Pero hindi ako kasali sa mga babae n’ya na ipinapagalaw sa mga customers. Hindi! Ayokong pumayag.   Hindi niya ako sinagot, bagkus ay itinulak ang pinto ng isa sa mga VIP rooms. Ayoko man ay hindi ko naiwasang tapunan ng tingin kung sino man ang nasa loob.   Nakatalikod ang lalaki at sa lamesa ay nakapatong ang isa sa pinakamamahalin naming wine.   Pumasok si Mrs. J sa loob kaya naman napalingon sa amin ang lalaki.   Halos malaglag ang panga ko nang mamataan ang mukha niya. Hindi ang tulad ng lalaking ito ang inaasahan kong pupunta sa ganitong klaseng lugar.   Ang lalaking nasa harap namin ngayon ay may kabataan pa kung ikukumpara sa malimit na customers namin na puro matatanda na. Siguro’y nasa late 20s siya. At wala akong masabi sa bista ng kanyang mukha. Napakagwapo. Bawat parte ng mukha niya’y parang nililok. Ang hugis ng mukha, lalim ng mga mata, tangos ng ilong at hugis ng labi.   “Shey, this is Roy.” Pagpapakilala ni Mrs. J sa lalaki na siyang ikinapitlag ko. “Roy, this is Shey, the one I was telling you about.”   Tumayo ang lalaki na nagngangalan daw na Roy at akala ko’y tapos na akong mamangha sa kanya. Pero hindi. Dahil halos hindi ko napigilan ang pag-awang ng labi nang halos malula ako sa kanyang tangkad. Kinailangan ko pang tumingala para lang mamasdan ng maayos ang kanyang mukha. Buti nalang ay nakamaskara ako kung hindi ay pihadong nagmukha akong tanga.   Hindi nagsalita ang lalaki. Hindi ko rin namalayan na nakalabas na pala si Mrs. J ng kwarto. Kung nag-usap sila bago ito umalis ay hindi ko alam.   Wala kaming imikan pero maigi ang ginagawa niyang pagmamasid sa akin. Nakailang lunok na ako dahil pilit kong tinatanggal ang kaba na unti-unting bumabalot sa dibdib ko.   Siguro... kaya hindi ako kahit kailan pinahawakan ni Mrs. J sa kahit sinong customer ay dahil nire-reserve niya ako para sa isang partikular na tao. And knowing na siya pa mismo ang nagdala sa akin sa kwarto na ito at pormal na ipinakilala pa sa lalaking kaharap ko ngayon… hindi ko maiwasang isipin na baka ito ang dahilan.   Pero kahit ganoon ay parang gusto ko pa ring tumakbo palayo. Pero paano? Ano ang gagawin ko kapag nawala sa akin ang trabahong ito? Saan ako kukuha ng pera para sa amin ng nanay ko?   Halos naluluha akong tumalikod sa kaharap ko at saka inabot ang lock ng aking damit sa likod. Nagawa kong kalasin iyon sa kabila ng panginginig ng mga kamay. Ang sabihing ninenerbyos ako ay hindi sapat.   Sisimulan ko na sanang hubarin ang damit ko nang maramdaman kong may humawak sa mga kamay ko at marahan iyong pinisil. Nangilabot ako. Para akong dinaluyan ng kuryente sa katawan, hindi ko maintindihan ang pakiramdam nang dumampi ang mainit niyang palad sa balat ko.   Nilingon ko siya at bakas sa aking mukha ang kaguluhan.   “H-hindi ba…ito ang gusto mo?” tanong ko na hindi naikubli ang kaba. Ngumiti siya at parang gustong malaglag ng puso ko.   Bakit ba ako nagkakaganito?   “Not exactly, this could wait.” Sabi niya at siya na mismo ang nag-ayos ng damit ko.   Humarap ako sa kanya at naghihintay ng kung ano mang sasabihin. Nang mainip ay ako na mismo ang unang nagsalita.   “Kung wala tayong gagawin, pwede na ba akong umalis?” tanong ko. Nananalangin na um-oo siya pero syempre ay imposible iyong mangyari. Umiling siya at saka ipinamulsa ang isang kamay.   “I need you to do something for me.”   Naguluhan ako. Hindi ba’t iyon na nga ang gagawin ko dapat kanina? Ang maghubad para matapos na kung ano mang gagawin niya?   “Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong ko.   “I need you to get inside J’s office and get a red box from her desk.” Pagkarinig noon ay nanlaki ang mga mata ko. A wave of shock ran through me. Bakit niya ako papapasukin sa office ni Mrs. J? Bawal na bawal sa amin na pumasok doon, pwede lang kaming pumunta doon kapag ipinapatawag kami para kausapin, but other than that? Hindi na pwede.   “P-pero nakasarado ang office ni Mrs. J. At saka hindi kami--”   “100,000 pesos.” Putol niya agad sa pagpoprotesta ko, “P100,000 for that red box.”   Lalong nanlaki ang mga mata ko.   T-teka… napakalaking halaga naman yata nung sinabi niya. Ilang buwan ko ring pagtatrabahuhan ang perang iyon, pero kapag nagawa ko ang sinabi niya, talaga bang ibibigay niya iyon sa akin? Paano ko malalaman na hindi niya ako niloloko?   Saglit akong nasilaw sa offer niyang iyon, pero agad ding natauhan. Para saan ang red box na iyon na handa siyang magbigay ng ganun kalaking halaga para lang mapasakamay niya?   “P-para saan? Bakit kailangan mo ‘yong box na iyon?”    “It’s none of your business. All you need to do is bring that box to me and you’ll get your cash.”   “Pero – “   “Take it or leave it.” Aniya.   Litong-lito ako. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nalulula sa alok niya.   “P-paano ko malalaman na hindi mo ako tatakbuhan at m-may pera ka talaga?” tanong ko. Naniniguro. Umismid siya bago ako tinalikuran. Tumungo siya sa lamesa kung saan nakapatong ang kanyang attache case. Binuksan iyon at saka ipinakita ang kumpol na pera.   “Here.” Maikli niyang sabi. Namimilog ang mga mata ko at namamawis ang mga kamay. “I can offer you a better job, you know? That is, once we’re done with this deal.”   “Ano naman iyon?” Hindi ko napigilang usal. Napakaraming tanong ang naglalaro sa utak ko pero hindi ko magawang isatinig dahil sa takot. Alam ko kanina pa lang na hindi siya basta-basta pero hindi ko inakalang mapupunta sa ganitong negosasyon ang pagpasok ko sa kwartong ito.   “You ask too many questions. If you’re not willing to do this…” aniya, at sadyang binitin ang sinasabi bago isinara ang kanyang attache case at saka tumingin sa akin, “then you may go now.”   Napalunok ako. Ano bang gagawin ko? Kailangan ko ng pera. Pero kaya ko ba ang hinihingi niya? Paano kung mahuli ako, ano’ng mangyayari sa akin? Sa dalawang buwan na ipinagtrabaho ko dito ay nakilala ko na rin si Mrs. J, matindi siyang magalit. At alam kong hindi maganda ang kalalagyan ko kapag nalaman niyang pinasok ko ng walang permiso ang opisina niya.   Pero s**t, kailangan ko ng pera… para sa nanay ko. Para makaalis na ako sa lugar na ito.   Mariin akong pumikit bago huminga ng malalim.   “Papano ako makakapasok sa office ni Mrs. J kung ganon?” tanong ko at pilit na inaalis ang kaba.   Sa ngayon ay dalawa na lang ang umiikot sa isip ko- ang maipagamot ang nanay ko at umuwi na sa probinsya namin.   Ngumisi siya at naglakad palapit sa akin. May kinuha siya sa aking buhok.   “Here. Use this to get in her office.” aniya sabay abot sa akin nung bagay na hawak niya. Pagtingin ko, hairpin?   Agad kong nahulaan ang ibig niyang sabihin dahil minsan ko na ring ginamit ang hairpin para magsilbing susi nang minsang ma-lock ako sa banyo ng school na pinapasukan ko noon.   Tumango ako at kinuha iyon.   “Saan tayo magkikita para m-makuha ko ang pera at para maabot ko rin iyong b-box?”   Nagbigay siya ng instruction sa akin na s’ya ko namang tinanguan. Matapos noon at tinalikuran ko na siya bago pa magbago ang isip ko.   Sa oras na iyon ay nagsimula ang pinakauna kong misyon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD