bc

Silver Bullet

book_age18+
212
FOLLOW
1K
READ
sex
kidnap
aloof
powerful
brave
first love
Writing Academy
love at the first sight
passionate
seductive
like
intro-logo
Blurb

Are you interested in a story that has...

.

- Never ending plot twists and thrilling scenes.

- A romantic and sultry story that covers life-and-death situations

- A story of family and friendship that triggers the question, "how much can you sacrifice for the sake of your loved ones?"

Then read this.

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue     Kasalukuyan akong nagbibihis para mag-apply ng trabaho. Kakatapos ko lang ding maglagay ng kolorete sa mukha na sadyang kinapalan para bumagay sa trabahong balak kong pasukan. Isinara ko ang zipper sa bandang likod ng aking pulang dress, na sa sobrang iksi ay halos makita na ang aking pang-upo. Kita rin ang aking buong likod at sa bandang harap naman ay halos iluwa na noon ang mayaman kong dibdib. Isinuot ko na ang sandals ko na ginamit ko pa noong gumraduate ako ng high school. Nakadalawang taon lamang ako sa College pero kinailangan kong huminto dahil sa hirap at malas ng buhay.   May sakit sa puso ang nanay ko at iyon ang dahilan ng biglaang pagluwas ko ng Maynila… para kumita ng pera. Pero dahil hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral ay wala akong alam na paraan para makakuha ng malaking pera sa mabilis na paraan.   At kahit na birthday ko ngayon ay hindi ko magawang magdiwang man lang, hindi tulad ng ibang ordinaryong teenager na nagse-celebrate kasama ang pamilya at mga kaibigan nila. Wala ako sa bahay para sana kahit papano ay ipaghanda ang sarili ko o kahit makasama man lang ang nanay ko.   Bagkus ay nandito ako ngayon at punong-puno ng problema. Ang tanging konsolasyon ko na lang siguro ay yung ligtas pa din ang nanay ko.   I’m Jhunie Shey Samonte, 17 years old sa araw na ito. Alam kong sobrang bata ko pa pero pakiramdam ko ay pasan ko na ang buong mundo.   Hindi ko maiwasang magbuntong-hininga, wala akong nagawa kung hindi ang isuot ang aking coat para matakpan ang katawan. Lumabas na ako ng boarding house na tinutuluyan at saka pumara na agad ng jeep.   Ilang minuto na ang itinatakbo nang lumiko ito sa isang kanto na puno ng mga gusali na may pulang ilaw. Palinga-linga lang ako sa daan hanggang sa maabot ng mga mata ko ang pakay ko. Wala pang masyadong tao doon sa labas dahil pasado alas-otso pa lang naman, maaga pa para dumugin ng mga customers ang lugar.   Pumara ako at bumaba na. Pumunta ako sa main entrance para lang harangin ng isang guard.   “Bawal ka dito, Miss.” Iniharang niya ang kamay para hindi ako makadaan.   “Manong, gusto ko lang sanang makausap ang manager niyo.”   “Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?”   Sasagot na sana ako nang may binati siya sa bandang likod ko.   “Good evening, Mrs. J.”   Lumingon ako sa babaeng binati ng guard. Isang maganda at sexy na babae ang nalingunan ko, pero hindi maikakaila ang katandaan, siguro nasa higit 40 na ang edad niya.   “Sino yan, Raniel?” tanong ng babae na nagngangalan daw na Mrs. J. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.   “Ahh Mrs. J, hinahanap daw po kayo.” Nakangiti ‘yung guard na akala mo mabait na tupa. Tss!   Saka pa lamang ako tiningnan nung babae mula ulo hanggang paa. Parang gusto kong ma-conscious sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. Mukha siyang mataray at parang nangmamata.   “Ano’ng kailangan mo?” tanong niya matapos akong obserbahan.   Kumabog ang dibdib ko pero hindi ako pwedeng magpadala sa kaba. Kailangan ko ito. Kailangan ng nanay ko.   “Gusto ko po sanang pumasok dito sa inyo.” Sagot ko habang pilit pinapatatag ang sarili.   Tumaas agad ang kilay niya.   “Bakit? May nakita ka ba na nagsasabing naghahanap kami ng bagong prostitute o entertainer dito?” sita niya. Tumungo ako, nakakapahiya kasi ang pagsasasalita niya. Marahan akong huminga ng malalim para kumuha ng lakas ng loob.   “Wala po. Pero kailangan ko po ng trabaho… para sa nanay ko.” Sagot ko at nanghina nang sabihin ang dahilan kung bakit ako nandito.   Saglit akong tinitigan ng babae pero kalaunan ay tumango din.   “Sumunod ka sa akin.” Aniya at saka dire-diretsong naglakad papasok ng club. Agad naman akong sumunod sa kanya.   Pagkapasok ay lumakad kami papunta sa tapat ng stage. Ipinatong niya ang bag niya sa isang lamesa bago siya umupo sa isang stool.   “Akyat.” Utos niya sa akin. Sa una’y nalito ako, pero nakuha din naman ang ibig niyang sabihin. Pinapaakyat niya ako sa stage. Sumunod naman ako at pagkatayo palang sa gitna ay sumigaw ulit siya. “Hubad!”   Natigagal ako at nanlaki ang mga mata. Nangilabot ako dahil sa kabulgaran ng bibig niya. No wonder ay manager siya dito dahil sa sobrang lakas ng personalidad niya.   Pero nandito na ako. Hindi ko man ito gusto ay wala ng ibang paraan. At kahit hindi rin ito magugustuhan ng nanay pero wala na ring atrasan. Dahil basta para sa nanay ko, lahat kaya kong gawin, kahit pa ang kumapit sa patalim, wag lang siyang mawala sa akin.   Nanginginig kong ibinaba ang bag ko sa isang parte ng stage at saka isa-isang tinanggal ang pagkaka-butones ng coat na suot ko.   Nakita kong ngumisi ang babae nang makita niya kung ano lang ang suot ko sa loob nito.   “You’re really prepared for this, huh?” she asked. Napalunok ako. “Dahil mukhang handa ka naman pala sa pagpunta dito, siguro naman ay may hinanda kang specialty para makuha ka sa club na ‘to?”   Dahan-dahan akong tumango, not sure if I have enough courage sa susunod na gagawin ko.   “O! Ano pa bang hinihintay mo?!” iritableng reklamo ng babae nang hindi pa ako tumitinag sa kinatatayuan. Halos isang minuto na rin ang nakakaraan.   Huminga ako ng malalim at saka lumakad papunta sa kinalalagyan ng stripper pole. Nanginginig ang mga kamay ko nang dahan-dahan ko iyong itinaas at maiging inihawak sa pole. Kahit walang background music ay gumiling ako habang pahawak-hawak sa aking katawan na animo nang-aakit. Ikinembot ko ang aking bewang habang idinidikit ang maseselang parte ng katawan sa pole sabay ang patuloy na pagsasayaw.   And all the while, I was only thinking about my mother. Para hindi ako tuluyang tumakbo at lumayo sa lugar na ito.   I kept telling myself that I had to do this, because if not… I could lose my mother.   Matapos ang ilang sandali ay nakarinig ako ng mala-dramatic na pagpalakpak sa akin ni Mrs. J.   “Magaling ka.” Puri niya at doon ako tumigil sa pagsasayaw. Tumayo ako ng tuwid at saka tumingin sa kanya. “l like your guts. Pwede ka nang magsimula bukas. And don’t you dare be late! Walang lugar dito ang mga babaeng makukupad!” Sabi niya at saka ako tinalikuran. May tinawag siyang isang bakla na sa hula ko ay assisstant niya. May sinabi ang babae na tinanguan naman noong bakla bago ito lumakad papunta sa akin.   Agad niya akong in-orient sa mga patakaran dito sa club, at kung ano ang dapat kong gawin.   Entertainer. ‘Yun ang trabaho ko. Pero hindi tulad ng ibang entertainer sa mga bar na nagpapatawa o kumakanta, ang trabaho ko ay ang pagsasayaw sa mapang-akit at malaswang paraan.   Dahil hindi comedy bar o sing-along bar ang pinasukan ko, kung hindi isang club na halos lahat ng mga customers ay lalaki na naghahanap ng aliw.   Magsasayaw ako sa stage na ang suot lang ay manipis at kakarampot na damit na halos iluwa na ang aking kaluluwa.   Pero kahit ganon ay hindi naman makikita ng mga customers ang aking mukha. Lahat ng entertainer sa club ay may suot na maskara.   Ipinaliwanag sa akin ni Aifa, ang baklang assistant ni Mrs. J, na strategy daw ito ng club para baliwin ang kanilang mga customers at mas ma-curious sa kung ano’ng itsura ng mga babaeng nagsasayaw sa stage.   Isa lamang ang naisip ko doon. Advantage. Pinagpapasalamat ko na kahit lumabas ako at wala na sa club na ito ay walang makakakilala sa akin, dahil wala akong planong magtagal sa lugar na ito. Pera lang ang kailangan ko at wala ng iba.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Be Mine Again

read
99.0K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
171.4K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.4K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
608.8K
bc

I Married A Stranger (Tagalog)

read
1.5M
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook