❀⊱Mattie's POV⊰❀ Ang sama ng pakiramdam ko ngayon. Hindi ko talaga kayang pumasok kaya maaga pa lang ay tinawagan ko na si Tatay Ige para sabihing hindi ako makakarating sa condo ngayong araw. Nilalagnat na kasi ako, at kanina nga ay sobrang init ng katawan ko, at mabuti na lang ay bumaba na. Kanina pa ako nakahiga sa lumang papag sa loob ng silid ko. May malamig na bimpo sa noo ko, pero parang wala rin iyong gaanong epekto dahil mabigat pa rin ang ulo ko. Medyo inuubo rin ako kaya hindi na ako lumalabas ng kuwarto para hindi makahawa sa iba. Tanging si Nanay lang ang pumapasok paminsan-minsan upang tingnan ang kalagayan ko, bigyan ng gamot, at punasan ang katawan ko ng bimpo. Hindi ko nga magawang kumain nang maayos. Nagluto pa si Nanay ng mainit na lugaw para sa akin, pero ilang kut

