Page 6
*****
"I can't believe he left me there," wika ko habang kausap si Seri na nasa passenger seat nang sasakyan ko. Papasok na ako noon sa opisina pero maagang tumawag si Seri at nakiusap na daanan ko daw siya sa condo nila ni Rian at isabay papasok sa trabaho nito.
"Iniwan ka ba talaga?"
"Hindi ko na siya nakita hanggang makauwi ako."
"Maaga kang umalis. Hindi mo nakita ang nakita ko," aniya. Inilahad ni Seri ang cellphone niya para makita ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa ipinakita niyang picture. Si Sir Jared iyon at si Janine Almonte. Magkalapit at mukhang enjoy sa kung anoman ang pinag uusapan nila.
He did actually approached her?! The hell!!!
Pero anong ikinaiinis ko. Eh iyon nga ang dahilan ng pagpunta namin roon? Ang makilala niya ang mga Almonte.
"He just acted as usual," sabi ko.
I know the Escaner bachelors. They can hook up to any girls without putting much effort. I just can't believe Jared did it. Sabagay, sabi n'ya rin naman na pwede na ito. Mataas talaga ang standard niya, pero para sa mission na bigay ni Don Marteo, gagawin niya rin ang lahat.
Did they really...??
Lihim akong napailing.
Whatever! They can do whatever they want as long na sa ikakatagumpay ng mission ang gagawin niya, wala akong pakealam.
"Mukhang nag enjoy naman sila sa company ng isa't isa," ani Seri.
"Yeah...." tango ko, "Birds with the same feather, flocks together."
"Atleast you're one step ahead to your goal."
Tama.
It doesn't matter.
It doesn't matter as long that it won't compromise my work.
Tahimik si Sir Jared at abala sa kanyang mga office works. Halos hindi nga ako tinapunan ng tingin. Hindi ko alam kung galit ba s'ya o ano.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa mga trabahong ibinilin sa akin ni Don Marteo. Yes, I still report to my original boss.
"Miss Soledad?"
Agad akong napa-angat ng tingin ng tawagin niya ako. Mabilis akong tumayo at lumapit sa kanyang desk.
"Sir?"
Tumingin siya sa akin. Wala naman siyang sinabi kaagad, basta nakatitig lang siya na parang may sasabihin pero wala naman.
Bahadya akong naasiwa sa paraan ng kanyang pagtitig pero sinubukan kong paalisin ang nararamdamang iyon.
Bumuntong hininga siya ng malalim, "I want you to look for a good restaurant. I'll have a very important meeting later."
"Shall I book it at your usual place?" Madalas i-meet ni Don Marteo ang mga ka-meeting niya sa isang kilalang restaurant na affiliated din sa MEGC.
"No. Hindi ko alam kung saan ba? I thought you made your research about her."
Bahadya akong napakunot noo, "You are referring to?"
"Miss Janine Almonte."
May date sila!
Lihim akong napabuga ng hangin, "Is that so Sir. Hmmm.... As I know, Miss Almonte fancy elite and known restaurants. She is also a party-goer. Madalas siyang makita sa mga exclusive bars and restaurants."
"I want it to be something special and memorable," wika ni Sir Jared.
Napa-isip ako. Special and memorable?
"You know what I mean right?" mataman niya akong tinitigan.
"I... guess ... so..." I've never been on date. Yung proper date na intimate.
"Have you ever been on a date?" He asked suddenly.
"Of course yes."
"Mga ilan?"
"Hindi ko na mabilang," sagot ko na tila nag-iisip pa.
"Liar," He chuckled a little. "You sound like you haven't gone on one."
Mabigat akong napabuga ng hangin, "At kayo ba? Have you ever date someone special?"
"Of course," mabilis niyang sagot.
"Then why don't you plan your special and memorable date with Miss Almonte? Why ask me?"
Bahadya naman itong natigilan sa sinabi ko.
See that. He's so conceited. Duh.
"Tss." Napapiksi siya. "Gawin mo na lang ang sinasabi ko."
Nagkibit balikat ako, "Alright."
Umakma na akong aalis sa harap niya pero bigla akong may naalala. Hinarap ko siya uli. "Syangapala..."
"Ano?"
Inilahad ko ang aking kanang kamay, "I need budget. Hindi mo naman ini-expect na aabonohan ko ang mga ihahanda ko, right?"
Marahas siyang napabuga ng hangin at napasandal ng upo sa kanyang swivel chair. Titig na titig siya sa akin na parang hindi alam kung tatawa ba o magagalit, "You know what?"
Napataas ang isa kong kilay.
"Having you here in my office give me the chance to know you better. I didn't know you have such... character."
"Lahat naman may character. I get to see who you are also."
"Really? Does your first impression of me changes?"
"Hmmm... not really."
Natawa siya ng pagak. "Maybe if you'll get rid of those thick eyeglasses you might see me on different light." Habang sinsasabi iyon ay kinuha na niya ang mamahali niyang wallet na nasa drawer ng kanyang mesa at binuklat iyon. Nakita kong naglabas siya ng isang black card.
Napatawa ako ng pagak sa sarili, "Maybe. But I'm not sure though."
Tumango siya, "I intend to change that," sabay abot sa akin ng card. "You can buy yourself a dress that would fit a party next time. Hindi ko alam kung binigyan ka ba ni Lolo ng ganun pero ayoko ng aattend ka uli nang party na ganuna ang ayos. You downgrade my expectations."
"I don't intend to please anyone there but I'll take note of your concern," saka ko kinuha yung card at tumalikod.
Having no idea of what to do, nag-search muna ako sa internet. Syempre, almost everything was on the web na this days. Kaya lang sa sobrang dami, hindi ko naman malaman ang pipiliin. So I called Seri for suggestions. We met afterward sa isang mall.
"Wow. He advances very well," natatawang wika ni Seri.
"Yeah."
I sip a little from my ordered hot coffee.
"So ano nang naisip mo?"
"I already booked them at the Maple Hotel. I'm going to talk to the chefs for the menu. Dapat ba may balloons and roses petals pa? Haist. Nakaka-stress naman."
"Na-stress ka bigla," She laugh.
"Ah, na search ko na pwede mag-hire ng musicians. A violinist perhaps. Maganda ba 'yun?"
"Napaka-classic naman."
"Sa tingin mo?"
"Pwede naman. Anyway, Janine is a well known 'it-girl'. So she's more on the modern type of things. I don't know if she'll appreciate the classic type of dates."
"Iniisip ko rin yan. Tapos iniisip ko rin na magre-reflect kay Sir Jared ang ihahanda ko na date. What if she'll think he is way too out-dated. Mapapasama pa siya tapos kasalanan ko."
"Sa tingin mo. Kung si Jared ang mag-hahanda ng date, ano ang gagawin niya?"
Sandali akong tumitig kay Seri, "Yung totoo?"
Tumango siya.
"I'll book the grand suite of the hotel 'coz I think they'll enjoy more the f*cking than the date."
Ang lakas ng tawa ni Seri pagkasabi ko noon, nagtinginan yung ibang customers na nasa malapit sa amin.
"Huy!" saway ko sa kanya pero natatawa na rin.
"Ituloy mo na lang yang plano mo. Baka kung ano pa ang masabi mo."
"Sus! Ako pa ngayon ang madumi isip. Totoo naman ang sinabi ko."
So when the night came, tamang bantay lang ako sa kung ano ang mangyayari sa date nina Sir Jared at Janine Almonte. I didn't dare to show my face. No, not this time yet. Siniguro ko na maayos ang lahat, from the flowers, to the table set up, the foods and the musician.
The night went on quitely. Tumawag lang si Sir Jared para tanungin kung ano-ano ang inihanda ko. Then he didn't call me after or during the date. Baka it went out well. Nagustuhan kaya ni Janine ang date?
Tsk. Sana naman. Performance ko pa rin ang nakasalalay dito ah.
I'll know the result tomorrow.