Page 5
*****
The day after that mall incident ay naging maayos naman ang lahat sa amin ni Jared. He became very civil to me as if nothing happened and I think it's okay. Iyon din naman ang gusto kong mangyari.
Maybe he was really trying me. Kung kakagat ba ako. Pero nagbago ang isip ng sabihin kong may magagalit. Gumagana pa rin pala ang dahilan na iyon. Nice.
* message alert tone *
Napatingin kaagad ako sa cell phone ko na nasa gilid ng desk. I was busy doing paper works. Ini-open ko 'yong na-receive ko na text from Seri.
Seri:
Maple Red Hotel. 6pm. Tonight. Function Hall Rosette. They'll be there as art sponsors.
Malalim akong bumuntong hininga.
Tumingin ako after sa pwesto ng desk ni Jared. Wala ito doon ngayon dahil may pinuntahan na meeting. What shall I do then?
May number niya ba ako? Tinignan ko 'yong contact list ko pero na-realize kong wala akong contact number ni Jared. Nice one Nielle. Marahan akong tumayo at pinuntahan si Yvette. Sa kanya ko na lang kukunin ang contact number ni Jared. Pero nakakahiya naman na boss ko pero hindi ko alam ang number. Tsk. Hay naku.
"Yvette," tawag pansin ko sa secretary na agad naman akong nilingon.
"Yes?" nakangiting anito.
"Itatanong ko lang sana, hindi kasi ako sure sa number si Sir Jared. Pwede ko bang malaman?"
"Ah, okay lang. Hindi ka naman ibang tao. Pakilala ka na lang muna para alam ni Sir. Text mo muna. Hindi 'yon nagre-reply agad, ah," anito saka binigay 'yong kopya ng number ni Jared.
Bumalik ako sa mesa ko after.
Ngayon, ang problema ko naman ay paano ko sasabihin sa kanya.
Nag-isip yata ako ng may bente minuto bago ko napagpasyahan ang iti-text ko.
Ako:
"Good morning po, Sir. Si Annielle po ito. Pwede ko po ba kayong tawagan?"
Matagal daw magreply si Jared kaya maganda ng i-text ko siya ngayon kesa mamaya.
Muntik na akong mapatalon sa upuan ko nang mag-ring ang phone ko. Pagtingin ko ay tumatawag na nga siya.
Awtshet.
Napabuga muna ako ng hangin bago nagawang sagutin ang tawag.
"Hello."
*over the phone * "Hello, Anielle, what is it?"
"Ahm..." na mental block yata ako ng ilang segundo. "Hindi po ba kayo busy? 'Di ba nasa meeting po kayo?"
"That can wait."
Huh?
Anyways. Kailangan ko lang naman sabihin ang information.
"Ano.... Inform ko lang po kayo na magkakaroon ng Art Exhibition later tonight sa Maple Red Hotel. The Almonte's partly sponsored the event so they are expected to be there."
"Ngayon na ba ang panahon para makilala sila?"
"I think it is."
"Alright. I'll pick you up then at six?"
"Hindi na po. You can go there at susunod na lang po ako."
"Are you sure of that?" may himig pagtataka ang tono niya.
"Yes. I'll forward you the details."
"Alright then," tapos ay in-end na niya ang call.
Parang disappointed naman ako sa kanya. Pero hindi ako pwedeng magreklamo. Tsk. I forwarded him the details for tonight.
Malalim akong bumuntong hininga at napatingin sa kawalan.
The evening's weather was nice. Mataman kong tinitigan ang mga pumapasok sa main entrance ng Maple Hotel. I was in the lobby. Nakaupo ako sa isa sa mga single couch na naroon.
There was numbered of media waiting at the entrance as well. Kada dumarating ay pini-picturan nila. Game naman na nagpo-pose ang mga dumadating. From artists to business owners and tycoons, may mga models din at kilalang alta sa syudad akong nakita but none of them got my interest. It was past late na sa takdang oras na nakasaad sa invitation.
Mayamaya ay biglang nagkagulo ang mga media personnels at tumakbo patungo sa entrance. Sunod sunod na camera flashes ang narinig at nakita ko. Sinubukan kong tignan mula sa malayo kung ano ang nangyayari pero masyadong maraming nakaharang para makita. Tumayo ako at naghintay. May ilang minuto din yata ang lumipas bago lumakad papasok ng lobby iyong mga bagong dating. Tila bumilis ang pintig ng puso ko at lihim akong napasinghap.
I lowered my head. Pero ramdam ko ang aura nila habang dumadaan. Ramdam ko kahit malayo ako sa kanila.
Tsk.
Nag angat lang ako ng tingin ng alam kong nasa malayo na sila at tuluyan nang nakapasok sa venue ng event.
That was when my phone ring.
** Sir Jared calling **
Bahadya akong natigilan.
Oo nga pala. Nasaan na ba tong isang toh?
Sinagot ko naman yung tawag.
"Hello po?"
Jared: "Hello? Where are you?"
Naupo uli ako sa couch. "Dito na po sa hotel?"
Jared: "Nandyan ka na?"
"Oo."
Jared : "Sh*t. You should have told me."
"Bakit?" Problema nito? Napakunot noo na lang ako.
Jared: "Marami bang media? Mahihirapan ba akong pumasok?"
"Marami. Bakit?"
Jared: "Anong bakit? As if you don't know who I am."
May himig galit ang tono nya.
"Ah alright." Whatever. Alam kong Escaner ka at siguradong malaking scoop kung makikita ka sa event na ito. Yeah. Yeah.
Jared: "Anyways. Wait me at the lobby."
"What? Why?" Pero biglang in end nya na yung call.
WTH. Psychotic yata 'tong isang toh. Tsk.
May ilang minuto akong naghintay roon sa lobby. Almost lahat ng tao ay nasa loob na ng event hall kung nasaan ang art exhibition. Mayamaya'y nakita ko ng papasok ng entrance si Jared. Agad akong tumayo at lumapit para salubungin siya.
"Good evening Sir." Bati ko pagkalapit.
Dere deretso naman siya ng lakad na sinubukan ko na sabayan. Ilan sa mga media na naiwan roon ang nakapansin sa kanya at umakmang lalapit pero nilagpasan niya lahat. May mga tumawag sa pangalan niya pero tumango lang siya at deretso pa rin ang lakad. Ang bilis niya kayang maglakad.
Nang makarating kami sa entrance ng event hall ay saka lang siya huminto at lumingon sa akin. Natakasan na namin ang mga media. Napabuga ako ng hangin kasi hiningal ako sa bilis nya.
"What the hell!" Bulalas nito ng mahina pagkatingin sa akin.
Napakunot noo ako.
"Hanggang dito ba naman, ganyan ang itsura mo?" He looked at me from head to toe. I can see disappointment in his face.
"What?" Naguluhan naman ako sa sinabi niya.
I was wearing my usual office attire. Black slack, white top blouse na pinatungan ng black blazer, black flat shoes tapos nakapusod naman ng maayos ang black long hair ko. It was my usual look. At the office. Bahadya ko pang inayos ang suot kong reading glass.
"I thought we are attending an art exhibition? Bakit parang sa meeting ka pupunta?"
Lihim akong napangiwi. "I came here as part of my job. I didn't come for socialization."
"Atleast you should have dress accordingly. " pagalit nitong wika.
"Whatever." Mahinang ani ko.
"Did Lolo know this weird... act of yours?"
"Huh?! Don Marteo knows me better."
"Tsk." Umismid siya.
"Ano bang problema mo sa suot ko?"
Muli siyang napapiksi na lalo ko namang ikinainis.
"Tara na nga." Aniya tapos ay nagpatiuna na.
Problema nito?! Grabe siya lang yata ang namuroblema sa itsura ko ah. That is so..... nakakainis!
Minimal ang maririnig na ingay sa loob ng art exhibit. Everyone seems and looks so elegant and sophisticated. Hinayaan ko si Sir Jared na bumati sa mga nasasalubong na kakilala. Nasa likod niya lang ako most of the time, three steps away. Lihim kong iniikot ang tingin ko sa paligid hanggang sa ilang minuto pa ay nahagip ko ng tingin ang dalawang pamilyar na mukha.
Malalim akong bumuntong hininga.
"Nakakaantok naman dito." Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Sir Jared. Napakislot ako sa bigla nyang pagbulong sa tapat ng tenga ko.
Bahadya akong yumuko at pinakalma ang bumibilis na pintig ng puso ako. When composed. Sinulyapan ko si Sir Jared.
"You can see over there Miss and Mrs. Almonte of the Almonte Shipping Company."
Sinundan naman ng tingin ni Sir Jared anh tinitignan ko. His thick eyebrows arch a little. "Miss Almonte?"
"She's Janine Almonte. The only daughter of Mrs Josephine Almonte. 25 years old, a Marketing graduate, she is also the current Administrative Officer of Almonte Shipping."
"Did you have her investigated?"
Tinignan ko siya. "Haven't you met Google?"
Napasimangot siya. "Fox." Bulong niya pa.
Napaismid ako. "I just thought you should know."
"Let me see." Mataman niyang tinitigan ang mga Almonte. "Gusto mong makipaglapit ako sa kanila?"
"If the Miss approves you, the mother will do."
"Do you think so?" Ibinaling niya ang tingin sa ibang direksyon. "Should I go beyond that? She's not my type pero pwede na rin."
Bahadya akong natigilan. Beyond that? Anong ibig sabihin.... Aaaah.....
"Ikaw. Bahala ka," kibit balikat ko.
Narinig ko ang mahina niyang pagpiksi tapos ay umalis. Sinundan ko naman siya ng tingin habang papalayo hanggang mawala sa karamihan ng tao.
Hindi ko na nakita si Sir Jared hanggang sa mapasyahan ko na na umuwi. Halos two hours lang ang itinagal ko sa event. Hindi ako lumayo ng tanaw sa mag-inang Almonte. Kahit parang kumukulo ang dugo ko habang nakamasid sa kanila. I tried to stay composed and calm.
Pagdating ko sa condo ay agad akong napaupo sa ibabaw ng aking kama. Marahan kong hinubad ang itim na wig na suot ko at patihayang nahiga. Mariin akong napapikit.
Memories of the past suddenly flooded my thoughts. Lahat lahat ng masasakit na alaala. Lahat ng masaya ngunit panandaliang alaala. Mahina akong mapahikbi at hinayaan lahat ng iyon na manariwa sa isip ko.