Page 4
*****
I REALIZE na maaga pa para umuwi and wala naman din akong ibang pupuntahan so I decided to stroll sa malapit na mall sa condominium. I looked at the current movie to watch pero wala akong nagustuhan, so napunta ako sa bookstore.
Yah, I'm a bookworm, a book lover or whatever. I love to read fiction stories and romance. I feel like when I'm in the bookstore, my heart is content. Kaya nga gustong gusto ko ang personal office ni Don Marteo. He has a lot of books to read and they are all good books. I would love to have a house that has a personal library or the like. Pero wish ko lang yun kasi hindi pa afford ng sahod ko 'yon. Well, my bookshelf sa condo ay almost full na rin. I needed space na para sa mga bago kong babies.
It took me weeks bago ako nakabalik rito, ah. Buti na lang.
Habang nagtitingin ako nang books, nahagip, ng hindi sinasadya, ng mga mata ko ang isang pamliyar na tao sa labas ng store. Pamilyar yung guy pero yung kasama nito na babae, hindi. Tinitigan ko silang mabuti. They seemed oblivious of my presence naman. Ang sweet pa nila. PDA, hah.
The guy is Oliver, a suitor of mine. Yeah, he kinda said that he would court me just last week ago. Nag-date kami last week and it was okay. Atleast, that was what I thought until seconds earlier. Malamang sa malamang, that was the first and the last.
Ayos. Could this be a very lucky chance to ruin someone's day?
Parang biglang may bumbilyang umilaw sa ulo ko. Hehehe...
Wait. Bored na bored na ako eh.
Kinuha ko 'yong cellphone ko at din-dial ang number ni Oliver. I watched him afar until he answered my call.
"Hello?" I said in a very sweet tone.
"Hello. Nielle. How are you? Napatawag ka?" formal na wika nito sa phone. Masaya naman ang tono niya.
Duh. Parang totoo, ah. Manloloko ka! Masaya ka pala, hah.
Nakita ko siyang sumenyas sa kasama at lumayo. Bahadya akong napangisi.
"Nasaan ka? Miss na kita," malambing kong wika. Syempre fake lang yun. Hindi ko nga sya naiisip kung hindi ko lang siya nakita ngayon.
"Really, Nielle? Nami-miss mo ako?" Pero mula sa malayo ay nakita ko ang pag-ngisi niya.
"Na-miss kasi kita. Hindi mo ba ako na-miss?"
"You know I miss you everyday, Nielle," wika nito.
Hinayupak. Manloloko talaga!
"Hindi ka nga tumatawag, eh. Busy ka yata, " Busy sa iba. Kunwari nagtatampo ako.
"Medyo lang. Alam mo naman ang trabaho ko," bahadya siyang natawa. Akala naman nito, tsk.
"Nasaan ka ngayon?"
"Ano... nasa work pa kasi ako." Sinungaling!
"Come play with me then," pero yung ngisi ko naging ngiwi na.
"Huh? Ngayon na?"
"Sige na. Ayaw mo ba?" kunwari may himig pagtatampo na ako.
"Of course I want to."
"Then iwan mo na 'yang babaeng kasama mo."
Loading......
"Huh! What?" nagtaka siya.
Natawa naman ako ng tahimik.
"Hindi mo ba maiwan 'yang kasama mong chic? Mas maganda ba 'yan sa akin? I don't think so."
Nakita kong luminga-linga siya sa paligid. Eh, medyo tago 'yong pwesto ko kaya hindi niya ako makita.
"Sexy lang siyang manamit. But I bet I am more curvy that her. Maputi siya, naka-gluta? Oh, mukhang bata pa pala siya. Hindi ko in-expect na mahilig ka pala sa bata." Natatawa naman ako sa sarili ko pero mas naiinis ako.
"Nasa mall ka ba? Nasaan ka?" Patuloy pa rin sa paglinga sa paligid si Oliver. Nakakatawa na talaga 'yong itsura niya. Kitang kita na kinakabahan na at natataranta. Loko ka, ha.
"Wag mo na akong hanapin. You cheap liar," naiirita kong sabi.
"Nielle?" he pleaded.
"Don't call me by name. We're not that even close. Wag ka ng magpapakita sa akin, ah! Liar!" then gigil kong in-end 'yong call.
Wala akong balak na harapin pa siya. Doon pa lang, tapos na.
I hate it when someone do that to me. Tama. Hindi ito ang unang beses na nangyari sa akin ang ganito. Na-ghosting na rin ako, ah. Pero hindi ko 'yon pinanghihinayangan. Bakit? Babae ako, eh. Sila ang dapat manghinayang sa akin. Hindi sa sobrang peminista ako pero that is what I love to believe in.
Tsk. tsk. Another boy in my block list.
Mabigat akong napabuntonghininga.
"Why don't you play with me instead?"
Muntik na akong mapatalon sa pwesto ko nang biglang may magsalita sa tapat mismo ng kaliwang tenga ko. Nagtayuan yata lahat ng balahibo ko dahil sa kuryenteng dulot ng hininga niyang dumikit sa balat ko. Gulat na gulat kong nalingunan si Jared!
"The f*ck!" mahinang sambit ko nang makita ito.
Naka ngisi naman ito pero hindi nabawasan ang kagwapuhan. D*mn. Life is so unfair. Tumayo siya sa harap ko habang nakapamulsa ang mga kamay.
"I saw what you did there. You fox," nakangising aniya.
Bahadyang nanlaki ang mga mata ko sa narinig na sinabi niya, "Did you just call me... fox?"
"Yes. I didn't know you have that character. Very interesting."
"Huh?" Tinaasan ko siya ng isang kilay, "Why do you care?"
Nginisian uli niya ako, "Well, tama lang ang ginawa mo. A guy like that is sh*t."
"Ah talaga?" Disgusted ko siyang tinitigan, "Hindi ba ganyan ka din?"
"Huh? Hindi, ah. I'm not as stupid as he is," he chuckled.
Nagmamalinis pa ang isang ito. Tss.
"Hindi mo siguro naturuan ng maayos 'yon," ani ko.
"Sabihan mo na mag lecture muna siya sa akin, hah," inirapan niya ako after.
Ang weird. Bakit ang manly niya pa ring tignan kahit nakairap? Duh!
Sinilip ko kung nandoon pa 'yong Oliver pero wala na ito pati 'yong kasama na girl.
Tsk. Thank you talaga Lord God at iniligtas niyo ako sa ganoong klase ng tao.
Muli kong binalingan ng tingin si Jared.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Why are you talking to me casually? Boss mo ako, ah," tinaasan niya ako ng mga kilay.
"Excuse me," iniharap ko sa face niya 'yong phone ko, "It's past six pm na. Wala na tayo sa opisina."
"Wow!" His reaction was unexpected tapos ay napa-smirk siya uli, "Nice back."
Napakunot noo ako at tinignan 'yong phone ko. Naka-home screen pala iyon kung saan picture ko ang wallpaper. Picture ko iyon last year na naka-two piece bikini at naka-pose nang nakaupo patalikod habang nakaupo sa isang sun lounge. Nag-out of town swimming kami noon nina Rian at Seri.
Grabe, ang manyakis talaga, nakakalat.
Sinimangutan ko siya, "Bastos."
"What? Why? I just complimented you," nakatawang aniya.
"Ay, thank you. Bye," akmang aalis na ako pero agad niyang iniharang ang sariling katawan sa daraanan ko para hindi makaalis sa pwesto.
"Where are you going?" mataman niya akong tinitigan. Parang bigla ay naging seryoso siya.
"Bakit?" medyo na concious ako sa pwesto namin. Umatras ako ng konti kaya lang last na 'yon kasi may book shelve na sa likod ko.
"Hindi mo pa sinasagot 'yong tanong ko kanina."
"Anong tanong?" napakunot-noo naman ako.
"I asked if you wanna play with me instead?"
"No," madiin kong sagot.
"Okay." Gumilid siya at minuwestra na pwede na akong umalis.
Iniwas ko ang tingin sa kanya at humakbang.
He then let me pass through him. Lumakad na ako palayo pero nakasunod pala siya.
"Do you live near here?" tanong niya.
"Do I have to answer you?" naiirita na ako, ah.
"Pwedeng sumagot, pwedeng hindi."
Nanahimik ako.
"I'll assume that your silence is a yes," aniya.
D*mn. Hindi niya ba ako lulubayan? Nasaan na ba 'yong masungit at aloof kuno na Chief Editor ng Elite? D*mn! This is totally not him!
"Boyfriend mo ba 'yon?"
I picked a book na kanina ay binasa ko, "No."
"A suitor then."
Hindi ako sumagot.
"Nice. We're communicating well," he then chuckled.
"Why don't you just leave me alone?"
"It's a no from me."
Nilingon ko siya bigla kaya natigilan siya.
"What do you think you're doing?" naiirita kong tanong, "Kanina ka pa nang-iinis."
"Nainis ka sa 'kin kanina?" All of a sudden ay naging serious na naman ang face expression niya.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa titig niya. Parang bigla na lang naging tense and paligid. HIndi ko tuloy alam kung tama bang sagutin ko siya. After all, boss ko siya. Bukas malamang pagsisisihan ko ang sasabihin ko at ayokong mangyari iyon.
"Never mind," umiwas na ako at humakbang papunta sa cashier. Binayaran ko na agad 'yung book na napili ko kanina pa. Paglingon ko, nakita ko siya sa may labas na at nasa tapat lang ng exit. Nakatingin sa akin na tila naghihintay.
Tss. Nakakainis naman. Lihim akong napabuntong hininga.
Just stay calm, Nielle.
Linapitan ko siya.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko. Sinikap ko na gawing pormal ang tono ko.
"Uuwi ka na ba?" balik-tanong niya.
"Obviously."
"Kumain muna tayo."
"Hindi na. Sa bahay na ako kakain."
Sandali niya akong tinitigan, "Ihahatid na lang kita."
"Hindi pwede."
"Bakit hindi?" Mabilis din yung mga tanong niya.
"May sasakyan ako."
"Kahit hanggang sa kotse mo. Ihahatid kita. Or I can drive for you."
Bahadya akong natigilan. Napaka serious niya kasi. Seriously. Ano kayang iniisip niya?
"Hindi na. Nakakahiya sa'yo," wika ko.
"Okay lang naman," he insisted.
"No. Thank you."
"Ayaw mo bang ihatid kita? May magagalit ba?"
Na-gets ko naman agad ang tinutukoy niya, "Uhm, oo. Meron. Pasensya na."
"Okay," kita ko ang pagkabigo sa kanyang mga mata. I don't know if that is real though o baka ako lang ang nag-i-imagine noon. I don't know.
"Alis na ko. Thank you." Tinalikuran ko na siya at humakbang paalis.
Bahadya ko siyang nilingon ng medyo makalayo na ako. Hindi naman siya sumunod. Nakatanaw lang siya sa akin.
Lihim akong napakibit-balikat at nagpatuloy sa paglalakad.