Page 3 - The Lunch

2045 Words
Page 3 The Lunch ***** "HE PROBABLY doesn't like you." Bahadya akong nag angat ng tingin kay Seri. We are at my condo right now. Mag-overnight siya ngayon dito. Nanunuod kami ngayon nang isang movie sa habang nakaupo sa sahig kaharap ang isang box ng pizza at tig isang large na milk tea. Seryoso lang ang mukha ni Seri ng sabihin yun. Binaling ko uli ang tingin sa TV at nagkibit balikat. "Well, okay lang." He maybe doesn't like me. Pero kung ganun pala ay bakit nakipagtalo pa siya sa pagkuha ng mission kay Henry? Dapat hinayaan na lang niya ang huli, di ba? That confused me. "You like him?" Nagulat ako sa tanong na iyon. "Huh? Hindi ah." "So bakit ka naba-bother? Hindi ka naman ganyan. Professional ka at ang mga ganyang bagay ay hindi dapat pinapansin. Kung ayaw niya sa iyo e di wag. As long na magiging civil siya when it comes to work. Ikaw ang nagsabi sa akin niyan noon." Bahadya akong natigilan. That's true. It really didn't bother me if someone doesn't like me. Basta ako, ginagawa ko ang trabaho ko, that's it. "Hindi naman ako naba-bother. Nagtataka lang. Saka, I didn't like him either. Si Rian ang may gusto sa kanya." Naramdaman kong tinignan ako ni Seri which nervous me a little. Close naman kami ni Rian but i think Seri knows me better. Mas kilala pa nga nya yata ako kesa sa sarili ko. "Okay." Sabi ko in defeat. "I find him attractive. Who wouldn't? Sabi nga ni Rian he is. But that's it! You know me. Hindi ko pinaghahalo ang trabaho sa affection, right? Lalo na at kursunada na ng kaibigan ko." "I know. I'm just testing you. Umamin ka naman." aniya na may mahinang tawa. "Tsk." Napasimangot ako habang siya ay bahadyang natawa. "By the way, bakit hindi ka pa rin lumilipat ng condo? Ayaw mo ba sa mas malaki?" "Aanhin ko naman yun eh mag isa lang naman ako?" "Sabagay. Dapat pala ay naki share ka na lang sa unit namin ni Rian. Ay, wag na pala." Nagsuggest sabay bawi. Natawa tuloy ako. "Buti hindi ka naiinis?" "Hindi naman. Mas malaki naman binabayaran ni Rian sa unit kesa sa akin. Ayon nga lang, alam mo na." Nagkibit balikat siya. Napa ngiti na lang ako. Rian and Seri are sharing a condominium together. Pero kapag kinakailangan, nakikitulog siya sa akin. Rian sometimes brought his lover at their unit. Hindi naman sa ayaw iyon ni Seri. Okay lang naman dapat pero nagiging uncomfortable na daw siya minsan kasi iba ibang lalake yung nakikita niya. Knowing Seri, she is a bit introvert, though open minded naman siya sa ganyang mga bagay. Siguro kahit ako ang nasa kalagayan niya ay hindi din ako magiging komportable. "Do you think Rian will ever get serious in a relationship?" I asked. "I don't know." "Ikaw? Kelan ka uli magbo-boyfriend?" "Hindi na. Ikaw?" "Wala yan sa plano ko." "Goodluck. Sana makuha mo na goal mo na yan. It is so long overdue." "Yeah." Right. The time passed by too fast. Halos hindi ko na namalayan. It is sad. Sad na lumipas ang panahon na parang walang nangyari pero sa tingin ko ay hindi naman nasayang ang paghihintay ko. Malapit na. Malapit na malapit na. "Alam mong sinusuportahan kita bilang kaibigan but I must advise you to always guard your heart." "Parang hindi mo naman ako nakilala through all this years." "Kaya nga sinasabi ko sa yo yan kasi nga kilala kita." Bahadya akong natigilan. "Basta. Don't make decisions that you'll regret later on." "You know I never do that." "That's why I'm worried." ***** "GOOD morning." Binati ko kaagad ang secretary ni Jared na naka upo sa tabi ng kanyang opisina. Ito ang unang araw na magtatrabaho ako under his supervision. Hindi naman ako ganun kinakabahan. Slight lang pero hindi ko naman yun pwedeng ipaalam sa iba, di ba? "Good morning Nielle. Natutuwa naman ako na magkakasama tayo ngayon. Three months ba?" Masayang wika ng sekretarya ni Jared. Kilala ko siya, si Yvette. She is a petite woman. Mas payat pa sa akin. Matangkad at mestisa. Unang tingin, nerdy look, pero i found her sweet at times at friendly. "Natutuwa din ako." Matipid akong ngumiti sa kanya. "Nandyan na ba si Sir Jared?" "Ah, wala pa. Pero mayamaya ay nandito na yun." Nakangiting aniya. "Ah okay." Inilibot ko ang tingin sa paligid. "Saan pala ang magiging desk ko?" Napansin ko kasi na wala namang nakaset up na bagong desk o bakanteng desk doon. Ini-expect ko na sana meron na para makapagsimula na ako ng trabaho. "Ah!" Lumapit agad si Yvette. "Dito pala ang desk mo." Saka siya lumapit sa pinto ng office ni Sir Jared at pumasok roon. Alanganin akong sumunod pero pagdating ko sa loob, nagulat ako. Malaki at maluwang ang opisina ni Jared. Nasa punong gitna ang kanyang malaking office desk kung saan naka set din ang computer. May malaking book shelf sa likod nito na puno ng mga books. Siguro iyan ang mga published books ng business. Sa kaliwa ay may cozy sofa at coffee table samantalang sa kanan ay naka set ang isang desk, filing cabinet, computer at swivel chair. Don't tell me.......? "Ipinaayos na ni Sir ang desk mo Nielle. Yan ang magiging desk mo." Hindi ko mapigilan ang pag awang ng labi ko sa gulat. "Ta-talaga bang dapat dito ako?" "Oo naman." Tsk! Ano naman ang iniisip ng lalakeng iyon at bakit kailangan sa loob ng office niya ang desk ko? I don't get it! Mababaliw yata ako ng maaga. Ah wait! Is he pressuring me right now? Akala niya ba hindi ko kakayanin ang trabaho kaya babantayan niya ako? Wow! Just wow! "Si Sir Jared ang nagpa ayos ng mesa mo dito." "Ta-talaga." Lihim akong napangiwi. Sabay kaming natigilan at napalingon sa pinto ng dumating si Jared. He is in his usual suit na kulay itim. "Good morning Sir." Masiglang bati ni Yvette dito pero napansin ko rin agad ang biglang pagiging formal ng tindig niya. "Good morning Sir." Formal ko ding bati. "Good morning." mabilis na wika ni Jared saka lumakad deretso sa kanyang office desk. Pin-pat naman ako ni Yvette sa balikat at nginitian bago ito lumabas ng office. I feel a bit akward but i decided to hide it. Marahan akong lumapit sa harap ng desk ni Jared. "What is it?" malamig na wika niya sa akin. "Ahm.... since it's my first day under your supervision I would like to ask if there's anything you would like me to do or discuss to you." Bigla niya akong tinapunan ng masamang tingin. "You can sit down to your place Ms. Soledad. I'll call you if there's anything I need to know." Napaka-grumpy. "Okay. Then can I ask just one question?" "What?" "Bakit nandito ang desk ko?" Saglit niya akong tinitigan, blank deep stare. "Kasi gusto ko." HIndi naman ako nakapag salita. Ayos ah. Pagka-upo sa mesa ko ay agad kong in-on ang computer. Hindi ko pa sure kung saan ako mag uumpisa. Nakita ko sa gilid ang box ko na sadyang pinadala ko roon. Iyon na lamang ang inasikaso ko. Past 10am, nagsimulang dumating ang mga bisita kay Jared. Mga editors and writers niya sa Elite. I quitely listen to them and observe how and what are they doing. Para akong tanga roon at wala akong magawa sa sitwasyon ko. Hindi rin nagla lunch ng sakto sa oras si Jared, masyado siyang focus sa ginagawa niya para mapansin ang oras. It was 1:30 pm nang makaramdam na talaga ako ng gutom. No. Hindi ko na kaya. Marahan akong tumayo at lumapit sa kanyang desk. "Excuse me, Sir. Medyo late na, mag lunch lang sana ako." Saka lang siya nagtaas ng tingin para makita ang oras. I watched him inhale and exhale deeply. "Okay." "Thank you." Akmang tatalikod na ako ng bigla muli siyang magsalita. "Where are you going?" Ay pucha! Nagtataka ko siyang tinignan muli. "Maupo ka roon." aniya. Inabot niya ang intercom. "Lalabas muna ako para mag-lunch." "Hindi na." aniya. "Yvette pakipasok na yung pagkain." Segundo lang at gulat akong napatingin sa pinto ng magbukas iyon. Pumasok si Yvette dala ng tray na may laman na apat na puting malalaking food styro at dalawang mataas na baso na may kulay ice tea. Deretso niyang inillapag iyon sa coffee table tapos ay lumabas na uli. Napatingin ako kay Jared na nakatayo na pala. "Let's have lunch here." Nagtataka ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa makaupo siya sa sofa kaharap ng table. Inayos na rin niya yung mga styro at in-open bago ako tinignan. "Halika na." Alanganin akong lumapit at naupo sa katapat niya na sofa. There were two pack lunch na may kanin at ulam na tapos ay dalawang separate na ulam pa. "Hindi ko alam kung ano ang gusto mong ulam. Just pick what you want." Hindi naman ako kaagad nakakilos. "Wala ka bang gusto sa pagkain?" Natigilan ako at napatitig sa kanyang mukha. He was all serious. "Ikaw ang nag order nitong lahat?" "Yeah." "Why?" Tinitigan niya lang ako at hindi nagsalita. "Pwede naman akong kumain sa labas." His jaw clenched. Dumeretso siya ng upo at mataman akong tinitigan. "If you don't like it. You can go ahead outside and eat by yourself." What the f**k! "Galit ka ba?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Hindi." Sagot niya na hindi nag aalis ng tingin sa akin. "You should have asked me first kung gusto kong kumain dito or hindi. I didn't ask you for this." "I know. That's why I'm saying that if you don't like it you get out." "Ano bang problema mo? You don't like me working with you?" HIndi naman siya umimik kundi napatiim bagang muli. Mabigat akong napabuga ng hangin. "Kung may personal issues ka sa akin you can set that aside. We are going to work for a project, and you are like this?" Napabuntong hininga siya ng malalim. "I just wanna eat lunch peacefully with you. And if work is all that you're thinking, yeah, let's talk about that, later." He is so conflicated! duh! Nakasimangot. Kinuha ko yung disposable utensils at binalingan na yung pagkaing nakahain. Gutom na ako at mainit ang ulo ko kapag gutom. Right! Tahimik na rin siyang kumain. There were still akwardness pero gutom ako, mamaya ko na iintindihin ang inis ko. After our lunch, I decided to go outside at magpahangin sa roof top ng building. Mayroong open garden roon na pwedeng magsigarilyo ang may gusto. Tumayo ako sa may tapat ng railings at tinignan ang paligid. There were tall skyscrapers around the view. Mabuti na lang at cloudy ngayon, hindi ganun kainit, hindi rin ganun kalamig. Just fair. Maybe I lost my temper earlier. Nakakainis naman kasi na may nakahanda na pala na lunch ay hindi niya pa ipinadala sa loob at hinintay pa talaga na magutom ako. Duh! Hindi ko talaga gustong nagugutom ako. Talaga! Hindi ko siya maintindihan ah. Mukhang maaga akong maloloka. Nang bumalik ako sa office niya ay wala akong naabutan nan Jared doon. Tinanong ko naman si Yvette kung nasaan ito pero sabi lumabas lang daw at may pinuntahan na hindi binanggit. Waw! At ano naman ang gagawin ko rito ngayon? May ilang minuto akong nakatitig sa computer monitor nang mapatingin ako sa may bookshelf na naroon. I needed my mind to be distracted kaya tumayo ako at lumapit roon. I scanned and checked the books that's there. Nakaayos naman ang mga ito depende sa tema. I hardly can't pick what to read. Kaya lang..... pwede ko bang pakialaman ang mga books na ito? Baka mamaya ay mapagalitan pa ako ni Jared. Duh, wag na lang. Bumalik ako sa desk ko at yung book na dala ko na lang ang binasa ko. Hindi ko na namalayan ang oras. Natapos ko yung book na binabasa ko. Malapit na rin mag uwian noon. Hindi na rin talaga bumalik si Jared. Bakit kaya? Na-disappoint ko ba siya o na-annoy ko siya sa kanina? Duh! Ang arte niya naman. Bukas na nga lang uli. Baka hindi pa siya interested na asikasuhin ang mission na ibinigay ni Don Marteo. Wala pala akong mai-re report kay Don Marteo ngayong araw. Very productive Anielle. Very productive ka ngayon. ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD