Page 2
Problem
*****
MAAGA akong dumating sa office. Pagdating ko ay pinalinis ko na agad ang conference hall kung saan gaganapin ang monthly Officers meeting. Sa ngayon, nakaupo sa pwesto bilang COO si Andrew Escaner. At sa tingin ko ay mananatili pa siya sa pwesto ng may ilang buwan o taon. He is good. I might consider transferring to his office if ever.
Or not.
May plano na nga pala ako.
Isa isang dumating sa takdang oras ang mga officers. Halos kalahati niyon ay ang magpipinsan na Escaners. Bawat isa din kasi sa kanila ay may hawak na kumpanya at ang iba ay nasa mataas na posisyon sa MEGC. Dahil alam kong hindi darating si Don Marteo, nanatili ako sa gilid ng silid para makinig sa kanilang mga mapag uusapan.
"Isa sa agenda natin ngayon ay ang mababakanteng position ni Mr. Dennis Escaner." Wika ng Secretary ni Sir Andrew.
Napatingin ako sa kanilang mga naroroon. Kahit alam kong wala akong papel sa magaganap ay kailangan kong maging attentive.
Bababa sa kanyang pwesto si Dennis Escaner bilang Administrative Head ng MEGC, isa sa mataas na posisyon sa kumpanya. Siya na kasi ang mamahala sa Isla Catalina at doon na mananatili kaya mababakante ang kanyang posisyon.
"Ngayon na ba natin dapat pag-botohan kung sino ang papalit sa posisyon ni Dennis? " Wika nang isa sa mga matatandang Head na kabilang din sa Board of Directors ng kumpanya.
"Dennis had decided to take full charge of Isla Catalina." wika ni Andrew Escaner.
"Wala dito si Lolo para magdecide." Wika ng isa sa Escaner na si Henry saka lumingon sa gawi ko. He smiled at me.
Ngumiti lang din ako pabalik tapos ay nagsalita ang Ama ni Sir Andrew.
I've known Henry for so long. He's just that playfull.
"Nagbigay na sa akin ng instruction si Don Marteo." Anito.
Natahimik ang lahat.
"And as you know my Dad......., he doesn't give a position that easy."
"Syempre may mission siya na dapat magawa." Wika ni Henry in a playfull tone answered. He was always like that, parang wala siyang pressure na nararamdaman. Pero.... tama naman siya.
"Yes." Sang ayon ni Mr. Escaner saka ako binalingan ng tingin at tumango.
Tumayo ako at pinindot ang remote control na kanina ko pa hawak sabay nang pag-dim ng ilaw sa paligid ay nag-umpisa ang slide presentation na inihanda ni Don Marteo.
Isang two minute video ang pin-play ko. Video presentation nang isang kumpanya. Nang matapos ang presentation ay tumayo si Mr. Escaner at pumunta sa gitna.
"As you saw in the presentation, that is the Almonte Shipping Company. One of the biggest shipping company in Asia. Recently, the company loss their President Mr. Almario Almonte Jr. leaving the company to his second wife Josephine Almonte. The company is in call of a new owner because of the issue of legality and ownership."
"So where is the first wife's whereabouts?" Tanong ni Sir Andrew in monotone.
"She died, matagal na." Sagot ni Mr. Luis Escaner.
"So gusto ni Lolo na makuha ang Almonte Shipping Company? Right?" Wika ni Henry.
"Yes. And also to save the company from closing. That's it. "
"Why are they questioning the legality of the second wife? Hindi ba sila kasal?" Tanong muli ni Henry.
"That is what I cannot confirm. Since his first wife died in a chronic disease, they say that she left an only heir. But that heir is missing and no one actually knows where he or she is."
"Conspiracy." Wika ni Henry sa mababang tono.
"The company will be out on sale three months from now. You know all the drills." Ani Mr. Escaner at isa isang tinignan ang mga Escaner Heirs na naroroon.
"I'll be at the deal for a condition." Wika ni Henry matapos magtaas ng isang kamay.
"Ano naman yan?" Tanong ni Mariel. Isa din sa Escaner Heirs.
Nakangiting lumingon sa akin si Henry. "I'll have Nielle as my assistant."
Bahadya akong natigilan sa kanyang sinabi. Seryoso?
Lihim kong tinignan ang mga naroroon. Biglang bigla ay natuon ang paningin nila sa akin.
"That would be unfair." Anang isang pamilyar na boses ang bumasag sa biglang katahimikan sa paligid. Si Jared. Napatingin ako sa kanya.
"And why so?" si Henry. "Gusto ko siyang maging assistant kasi magaling siya saka pinagkakatiwalaan siya ni Lolo."
"You have to ask Lolo Marteo if he'll agree to that." Wika ni Andrew.
"Kung papayag si Nielle, okay lang naman yun kay Lolo." Wika ni Henry. Muli niya akong tinitigan na para bang nakikiusap.
Alanganin akong napapilig ng ulo.
"Isa lang ang pwedeng makipag deal sa Almonte." Wika ni Mr. Escaner.
"Ang totoo." wika ko na ikinapatingin sa akin ng lahat. "Don Marteo advise me to assist who ever will take the mission."
"Yes!" React ni Henry. "See! If I had Nielle on my side. Siguradong magagawa ko ang mission."
"I'll take the challenge." Biglang wika ni Jared.
Natigilan ako pati na rin ang ibang naroroon. Bigla ba namang nagsalita si Jared nang ganun, nakakgulat naman talaga.
"Huh? What?" Hindi makapaniwalang react ni Henry.
"I also want to participate in the mission. Paano ba yun?" Tumingin sa akin si Sir Jared at agad na nag connect ang mga paningin namin. Nagtaka ako sa kinikilos niya..
"That's not right. Nauna na ako eh!" Si Henry.
"Then you have to decide, Nielle." Wika sa akin ni Sir Jared.
Hindi kaagad ako nakasagot. This is so unexpected. Paano ako makakapag decide?
"I think you should let Jared try it Henry." wika ni Andrew para basagin ang namuong confusion sa paligid. "It is not Annielle's job to decide about it. Pasensya ka na Annielle."
Mahina akong napatango. Yeah. It is not me to decide. Salamat President.
"Then let's decide it fair and square." wika ni Henry.
LATER that day, natagpuan ko ang sarili na nasa golf course. Naroon din sina Sir Andrew, Ms. Mariel, Jared, Henry and Marcus.
This is how they decide. The Escaner way. Sa isang duel. Duwelo. Maaring sa ibang game pero napagkasunduan nila na sa golf paglabanan ang usapin.
Pakiramdam ko, buhay ko ang nakasalalay sa larong ito. Well, of course kung sino man ang manalo sa laro ay ang magiging boss ko sa loob ng tatlong buwan.
I hope it is not Jared though. Hindi ko alam kung kaya ko ba siyang i handle pero in some ways inaasahan ko rin na isa siya sa mga magiging kandidato sa misyong ibinigay ni Don Marteo.
Jared currently manages the Elite Magazine and Publication. He is a Business Economic graduate with Master in Business Administration. Sa America siya nag-Masteral. Si Henry naman ay tapos din ng Business Administration mula sa isang kilalang kolehiyo sa bansa. Nag Masteral din siya at bukod dun ay may mahigit limampung branches nang sikat na coffee shop sa buong bansa. Mukha lang siyang hindi seryoso pero actually, very competitive siya.
Ms. Mariel, was the Senior HR Head of MEGC at si Sir Marcus ay ang current Vice President.
At ako.
Hamak na sekretarya.
It really doesn't matter to me who wins. Bakit ba ako nandito?
"Haist. Hindi na lang magbigay ang isa. Kailangan bang maglaban pa?" Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ms. Mariel.
Nasa tabi ko lang siya at pareho kaming nakatanaw sa malayo. Mataas pa ang araw nang mga oras na iyon at maalinsangan masyado ang paligid.
"Tell me. Alam mo na kung sino talaga ang gusto ni Lolo na gumawa ng mission di ba?"
Nilingon ko si Ms. Mariel at umiling. "Hindi. Walang sinabi si Don Marteo."
"Talaga?" Nagkibit balikat siya after. "Sabagay, kahit sino naman ang manalo sa kanila ay siguradong magtatrabaho para makuha ang gusto ni Lolo. Everyone wants to please Lolo. Ewan." She dismissed the idea quickly.
One thing that I know. Don Marteo is fond of all his grand children. To the edge na pati ang mga napupusuan ng kanyang mga apo ay pinipili niya. Pero wala din naman siyang magawa kapag may gusto na ang mga ito. He supports them all the way. He's supportive and in someways manipulative.
"Na bo bored ako." Kinalabit ako ni Mariel sa balikat. "Tara, mag swim muna tayo sa hotel."
Medyo natigilan ako. "Huh?"
"Wag mo na silang isipin. Matagal pa yan matatapos. Tara na."
Wala akong nagawa kundi sumunod sa kagustuhan ni Mariel. Hindi naman masama.
Mabilis lang na nag check in si Mariel sa hotel at kumuha ng isang suite. VIP sila sa hotel na iyon eh. Pumunta muna kami sa store na naroon sa first floor para bumili ng swim suit. Siya lang ang bumili ng para sa kanya dahil ayokong mag-swimming. HIndi naman niya ako napilit roon pagkatapos ay saka kami umakyat sa suite para makapag palit siya.
"Hintayin na lang natin silang tumawag." Ani Mariel habang papunta na kami sa swimming pool area.
Naupo lang ako sa isa mga sun lounge na naroon habang si Mariel ay tumambog na sa tubig. Hindi ako nababahala sa kung anong nangyayari kina Jared at Henry. Inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa. Mabuti na lang at dala ko lagi ang bagong bili ko na book kundi, bored na bored na rin ako ngayon.
Halos hindi ko na namalayan ang tumakbong oras. Mahaba haba na rin ang nababasa ko nang tumawag si Sir Marcus kay Mariel at sinabing tapos na ang laban. Hindi na nila kami pinabalik sa golf course at inutusan na lang na maghintay sa suite.
Buti naman kung ganun.
"Sino kaya ang nanalo? Ayaw pa kasing sabihin ni Kuya Marcus." Naka pout na wika ni Mariell habang pabalik kami ng suite.
Habang nagsa-shower si Mariel ay binuksan ko ang aking cellphone. Hindi ko kasi yun nadala kanina sa swimming pool. Nakita ko na mayroon akong limang missed call mula sa iisang unknown number. SIno kaya toh?
Balak ko sanang i-call back yung number pero naisip kong wag na lang. Magti text naman kasi yun kung sadyang mahalaga. In-open ko na lang social media account ko at nag browse roon. Mayamay'y nag pop out ang isang message mula kay Raina.
Notification: Rian sent an image.
Kasunod noon ay ang message ni Rian.
Message: Nakita mo tong post ng mahadera mong step sister?! nakakagigil. *angry emoticon*
In open ko yung file na sinend niya.
Bahadya akong napangisi ng sarcastic.
Oo nga. Nakakagigil nga.
Napaderetso ako ng upo nang biglang tumunog iyong lock ng pinto at bumukas iyon. Unang pumasok si Sir Marcus tapos ay sina Henry at Jared.
Marahan akong tumayo.
"Anong nangyari?" Sakto naman na lumabas na mula sa room si Mariel.
"I loss."
*****
"DISAPPOINTED ka ba?" he asked while I was driving us back to the office.
Umiling ako ng isang beses. "No." Kasi hindi naman talaga mahalaga sa akin kung sino ang mananalo sa kanila.
"You didn't seem happy either." Aniya.
Hindi na ako sumagot.
"It doesn't matter if you don't like me. You'll still have to assist me."
Maayos kong ipinark ang sasakyan. Kanina pa kami tahimik pagkaalis ng hotel at ngayon niya naisipang magsalita kung kelan malapit na kaming bumaba. Nice.
"It didn't really matter Sir." Wika ko saka ko siya tinignan. "Gagawin ko pa rin ang trabaho ko as instructed by Don Marteo."
A sudden grimace in his face. "Si Lolo pa rin pala ang iniisip mo."
I'll just assist him for three months. I need to make him succeed no matter what.
"I'll assist you to the best of my ability Sir."
Mataman niya akong tinignan tapos ay marahas na napabuga ng hangin. "Whatever." In-open na niya ang pinto at bumaba.
Bumaba na rin ako. Pagpunta ko sa harap ay sinalubong niya ako at agad inilahad ang kanyang kamay. Inabot ko naman sa kanya ang kanyang car keys. Lumakad siya papunta sa driver seat. Sinundan ko siya ng tingin.
"Uuwi na kayo?" Tanong ko bago pa siya makapasok uli sa sasakyan.
"Oo. May reklamo ka ba?" Masungit niyang sagot.
Napakunot noo ako. Problema nito?
Hindi na lang ako sumagot. Gumilid ako para huwag makaharang sa sasakyan.
In start na niya iyong sasakyan at umabante ng konti tapos ay nagbaba ng windshield sa tapat ko. Napatitig ako sa kanyang mukha.
"Report to me early tomorrow."
"Yes Sir. Tawagan niyo lang ako kung may question kayo. Yung number ko po ----"
"Alam ko na."
Natigilan ako.
Inirapan niya ako at isinara na ang bintana. Pinasibad niya agad ang sasakyan paalis.
Seriously, anong problema niya?
Tsk. Hindi ako mahihirapan sa trabaho eh. Mahihirapan ako sa pakikisama. Lalo na at kay Si Jared Escaner.
Tsk.
*****