Page 1 - Preach

2279 Words
Page 1 Preach ***** MULI akong napabuntong hininga ng malalim pagkababa ko ng second floor. Bakit ba ako pumayag? Tsk. Bahala na nga. Naaala ko bigla si Manang Soling kaya imbes na sa pintuan papalabas ako nagpunta ay sa may kusina ako napadpad. Naabutan ko si Manang Soling at iyong katulong na nag open ng pinto para sa akin na abala sa pagluluto. "Busy kayo?" Tumayo ako sa punong dulo ng counter table. "O, Anielle, may kailangan ka?" Saglit lang akong nilingon ni Manang Soling. "Wala naman po. May maitutulong ba ako?" Nakikita ko kasi na na-aaburido sila sa paggawa. "Hay naku. Napaka demanding naman kasi ng mga bisita ni Sir." Reklamo ng mas batang katulong. Si Lina. "Ang dami daming pinapahanda." "Nasaan ba si Claudia?" Tanong ko tungkol sa isa pa na katulong roon. "Pina malengke ko." Sagot ni Manang. Tumingin ako sa tray na may lamang mga baso na may juice na nasa counter table. "Sa kanila ba toh? Ako na ang magdadala." Hindi ko na hinintay yung sasabihin ni Manang. Inilapag ko sa bakanteng upuan yung dala kong bag at folder saka ko kinuha yung tray. "Dahan dahan ka lang hija at baka matapunan ka." "Okay lang po. Pauwi na rin po after." Sagot ko pero nasa handa na ko ng pinto papalabas. Medyo mahaba yung nilakad ko bago makarating sa pool area. Nakita ko kaagad ang mga bisita na nasa swimming pool at nag eenjoy. They are laughing so hard at halos hindi ako pinansin na dumating. Lumapit ako sa nasa gilid na garden table at doon inilapag ng isa isa iyong mga baso ng juice. "Bakit ikaw ang may dala nyan?" Muntikan ko ng mabitiwan iyong huling baso nang may magsalita mula sa gilid ko. Lumingon naman ako. Si Jared Escaner iyon. Ren para sa mga ka close niya pero Sir Jared para sa akin. Inilapag ko muna ng maayos iyong baso bago humarap sa kanya. Nakatayo siya ilang dipa mula sa kinatatayuan ko. Nakasampay ang puting tuwalya sa kanyang kanang balikat at patuloy na pumapatak mula sa bagsak niyang buhok ang tubig. Yes. Topless sya at tanging suot nya lang ay ang kanyang swimwear. Kitang kita ko ang very tone muscles niya, ang malapad niyang kaha, six pack abs, maumbok na crotch at mabalahibo niyang mga binti. Matamang nakatitig sa akin ang mapupungay niyang mga mata. I appreciate his manly figure and also his manly face. Makapal na kilay, matangos na ilong, mapupungay na mga mata, mapulang manipis na labi. Isa siyang Adonis. Hindi ko iyon ipagkakaila. "Dinala ko ang inumin ninyo." Sabi ko sa pormal na tono. I was use to be like that. "That's the maid's work." Aniya sa kanyang matigas at baritonong tinig. "Busy kasi sila." Deretso kong sagot. Tumingin na lang ako sa mukha niya kasi baka kung saan nanatili ang titig ko. Damn! His so perfectly looking. "Hindi mo trabaho yan." Anito. Nagkibit balikat ako. "Okay lang. Wala naman akong ginagawa." Nailing naman siya. "Ren, halika na!" May boses ng babae na sumigaw mula sa likuran ko kung nasaan ang pool. Nakita ko ang bahadyang pagtiim bagang ni Sir Jared. Parang nainis. "Babalik na ako sa loob." Wika ko saka ako tumalikod at lumakad pabalik sa kaninang pinanggalingan ko. Nasalubong ko si Lina na dala ang isang tray na may pagkain na. Pagdating ko sa kusina, naroroon na si Claudia, kadarating lang din halos. "Kami na ang bahala dito Anielle. Nagtabi ako ng konti dyan kaya kumain ka muna." Wika ni Manang Soling. "Hindi na po. Uuwi na rin ako." "Hindi. Kumain ka muna." Pamimimilit pa sa akin. "Hindi na po talaga." Umiiling kong wika. Nilapitan ko na yung gamit ko para kunin pero natigilan ako nang may magsalita sa likod ko. Agad kong nalingunan si Sir Jared at nagtama ang aming mga tingin. "Are you going to leave now?" Bahadya akong natigilan. "Yes." I can't see why he' s asking me though. "You can stay here for dinner." aniya. "Oo nga. Dito ka na magdinner." Susol naman ni Manang Soling. Umiwas na ako ng tingin kay Sir Jared. "Hindi na po. Babyahe pa po ako pauwi." "Ganun ba?" may pagsukong wika ni Manang Soling. Hindi na naman na nagsalita si Sir Jared. I nodded to him once bilang pagpaalam and then umalis na ako. My car, a black sedan, was park just outside the gate of the mansion. Hindi ko iyon ipinapasok sa loob ng garahe ng mansion cause i just don't feel like it. And it is okay for me. I was working for Don Marteo Escaner for almost seven years now as his Secretary. Right. I am all used to seeing the old, big mansion and the Escaner families. Kilala ko naman sila halos lahat and i guess they are used to me too. Pero I spend of my time working for Don Marteo kaya hindi ko rin iyon sure. Siguro magaling lang din akong makisama. It was a two hours long drive bago ako nakarating sa tinutuluyan kong condominium unit. Sa akin ang condominium unit and I was still paying for it. Hindi naman mabigat sa akin dahil maganda naman ang pasahod ni Don Marteo that is why I stayed to him. Sabi nga nila, noong bago bago pa ako sa kumpanya, wala daw nagtatagal na Sekretarya sa mga Escaner. Hindi ako noon naniwala. Pero dumating ang pagkakataon na naranasan ko ang bagsik ng isang Escaner and I almost give up. Almost. But I didn't. Escaner's are known to be very strict when it comes to work. Lalo na kapag nasa direct contact ka sa kanila. They are intimidating, manipulative and tyrant. Kahit mataas pa ang natapos at pinag-aralan mo ay walang kwenta kapag nasa itaas mo sila. Minsan hindi ko na rin alam kung paano.... paano ko nga ba nagawang magtagal sa kumpanya? Paano ako nagtagal kay Don Marteo Escaner? May isang malinaw na dahilan. Isa lang at iyon lang. * beeping sound of my cellphone * Na distract ako sa pag iisip ng tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa kitchen counter. Naka upo lang ako roon at nagpapalipas ng ilang minuto bago mag-shower. Agad kong sinagot ang tawag ng makita sa screen ang pamilyar na pangalan. "Hello." (over the phone) "Babe, where are you?" The familiar voice excites me. Bahadya akong nangiti. "Sa bahay. Bakit?" Bigla itong naging high pitch. "Hoy! Papunta na kami sa pub. Bakit nandyan ka pa? Halika na." Nailing naman ako habang naka smile. Rian, one of my bestfriend is always like this. Laging mainit ang ulo. Tsk. tsk. "Kadarating ko lang. Grabe ka. Anong oras pa lang oh?" But when I gaze at the time briefly I found out na, late night na pala. It's almost 8 pm. Tumayo na ako at inilagay sa speaker mode ang phone para malayang makagalaw. "Over time ka na naman niyan?" "Galing akong mansion." Alam na niya agad ang ibig kong sabihin. "Ay, sige, kwento mo sa akin yan mamaya ah." tumawa ito sa matinis na boses. "Punta ka na!" I heard someone on her background. Malamang si Seri. "Okay. Okay. Sunod na lang ako sa inyo." As usual, in-end na ni Rian ang tawag tapos ay dumeretso na ako sa kwarto ko at naghanap ng masusuot sa aking cabinet. Actually, walang seperate na kwarto, my condo was a studio type area. Divider ang naghihiwalay sa kitchen na kadugtong ng living area then my bedroom. It was customized, naka-loft ang bedroom ko at sa ilalim ay ang aking clothes cabinet at personal space at ang aking mini book shelves. Mini kasi konti pa lang yung mga books ko. I bathe for half hour. I take my time in bathing, kapag hindi nagmamadali. Then half hour in drying my hair and putting slight make-up. Let me see..... I stared at myself in the mirror. It is not a special night but.... Yes? Why not? For tonight, I decided to put some red lipstick, black eyeliner, night out mascara and blush on. I wear my new croptop white dress, blue checkered skirt and black stilletos. Ipinusod ko din nang mataas ang lagpas balikat kong buhok. I expect na mainit sa pub ngayon because it's a Saturday night and it is gonna be packed. Siguro, almost one hour akong nag-ayos ng sarili bago umalis ng condo. Nakarating naman ako ng pub in just a half hour. The familiar pub sounds and smell welcome me. As expected, the place was packed but it's okay. I walked in like the usual. Madalas kami rito eh. Hindi na bago sa akin ang lahat. Even the DJ on the stage, the guards, bouncers and bartenders. Familiar na sila sa akin. Deretso ako sa itaas, upper loft, kung saan nakapwesto na sa paborito naming spot ang dalawa kong kaibigan. Sa tabi iyon ng railings, pang apatan na mesa na nakareserve na minsan para sa grupo namin. Gusto kasi namin na nakikita ang dance floor at tanaw ang stage. Though it is not the best spot pero masaya dito, marami kaming nakikita. Rian and Seri are also professionals. "Ayan na!!" React kaagad ni Rian makita akong papalapit. Napangiti tuloy ako. "Antagal mo." Bungad naman sa akin ni Seri pagka upo ko sa tabi niya. "Hindi naman ganun katagal ah." Pero pagtingin ko sa lamesa. Halos nakadalawang bucket na sila ng light alcohol drink. "Matagal ka. Kumain ka na ba?" Rian asked. Umiling ako. "Hindi pa." I had a light snack before I left the office but that was four to five hours ago. Gutom na ako. "Kakain muna ako." "Sige lang." Sang ayon ni Rian. I ordered burger and pineapple juice. "Galing ka sa Escaner's kanina? What happened?" Tanong sa akin ni Rian habang nagdi dinner ako. "Wala naman. As usual. " "Nandun ba si Jared? O si Vincent?" Kinikilig na tanong ni Rian. Naalala ko naman bigla yung nakita ko kanina at bahadya akong nailing sa sarili. "Si Jared lang. Why?" Maybe i tried to make it sound too casual. "Nag usap kayo?" Nagkibit balikat ako. "Konti lang. Kasama niya ang mga friends niya at nagsu-swimming." Tsk! Ayon na naman sa isip ko ang alaala ng itsura niya kanina. "Oh my God! You saw him topless?" Exagerated na react ni Rian. Nagulat ako habang natawa naman sa kanya si Seri. "What the hell! Ano naman?" Hindi ko alam kung matatawa na rin ba ako hindi. "Oh, I wish could see him topless too. Ah wait! Mas better kung naked and above me." Muntik ko ng mabuga yung isinubo kong burger, pucha! "The hell Rian, you are fantasizing him like that? Really?" Gulat na gulat din sa kanya si Seri. "Of course. Why not? Who wouldn't?" Sabay tingin sa akin. "Except for Nielle. Because she is straight. As in, straight." "Nang-iinsulto ka ba?" But of course I am not offended. Well, hindi naman na ako inosente. "Slight lang." saka humagikgik. "So tell me how was he?" "Hindi naman kami nag usap ng matagal." napa ismid ako. "And he has a girlfriend." "He didn't do girlfriends!" Biglang react ni Rian. "Paano mo nasabi?" Si Seri. "We have common friends and I heard rumors. Saka, naniniwala ka ba na naggi girlfriend ang isang yun? Kahit yata bata hindi maniniwala." Ani Rian may kasama pang irap sa hangin. "Pero may girlfriend na siya." Sabi ko. "Sino?" "Si Kiesha." Sagot ko. Sandaling napatitig sa akin ang dalawa. Natahimik sila, though napaka ingay sa loob ng bar. "Kiesha? As in Kiesha Gomez? The model?" Tumango ako. "Oo. Hindi mo alam? Akala ko ba may common friends kayo?" I slightly smirked at her. "Huh? Of course I heard rumors pero... totoo ba?" "Oo nga. Totoo ba?" Sabad ni Seri. Hindi kaagad ako nakasagot. Oh oh no. Me and my tactless mouth. "Wae? Hindi totoo noh." Napangisi si Rian dahil nabasa niya ang pagdadalawang isip ko. "Totoo." sumimangot ako. "Sila na matagal na. Bago pa umalis si Kiesha. Hindi lang nila sinasabi pero totoo yun. Ilang beses ko din siyang nakita sa mga family ocassions ng Escaner." "The f**k!" malutong na mura ni Rian. "Wow! That's a scoop." Ani Seri. "Oi! Wag mong isusulat yan! Mayayari ka sa kin!" babala ko kay Seri. Nginisian niya lang ako. "Pero ibang babae and kasama niya kanina noh?" Si Rian. Natigilan ako. "Hah. Tama ako. Sabi ko na nga. He's a womanizer. May girlfriend siya pero marami pa rin siyang side chic. Hindi na ako nagulat." Nagkibit balikat ako. "Well, you can't expect him to be loyal at one girl." Ani Seri. "Correct. And he is exactly my like." Rian said. "Bakit?" Medyo naguluhan ako roon. "Kasi, I can tell na same kami. We are not looking for commitment. Just fun. And I tell you, it is not wrong. Life is too short to sit around doing nothing. Kapag like mo ang guy, go ahead and try if like ka rin niya. Ganun din naman ang mga lalaki, di ba? Kahit may mga asawa na. Susubok at susubok pa rin yan ng iba." Natatawang wika ni Rian. "Para mo na ring sinasabing okay lang sa 'yong maging other woman ka?" Wika ni Seri. "Of course not. Pero kung isang gabi lang naman. Why not? Kung like na like ko talaga yung guy, bakit hindi, di ba?" "Sabagay." Napatango si Seri. "Makinig kayo. Ang mga lalaki. Kapag may natipuhan yan, susubok yan na makuha yung babae. Kapag kumagat, e di panalo, kapag hindi, wala lang. Okay lang. Ganun yun. Kaya dapat, ganun din tayo mag isip minsan. Bakit tayo magka-cry sa binalewala tayo, eh, marami pa naman dyang iba na mas yummy pa." Nagkatinginan kami ni Seri at sabay na napakibit balikat. Lasing na nga yata itong si Rian. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD