Page 8
*****
MAAGA akong dumating sa office at wala pa noon si Yvette. Usually, kapag dumadating ako ay naroon na ito, eh. Masyadong napaaga 'yung jogging namin ni Seri kaya maaga din ako ngayon.
Hays. Napabuga na lang ako ng hangin.
Naupo na muna ako sa chair na nasa harap ng desk ni Yvette saka inilapag sa mesa ang tin-take out ko na kape. Hindi muna ako papasok sa office ni Sir Jared kasi hindi ko pa feel. Nag scroll muna ako ng news feed sa social media. Ilang sandali pa ay may dumating na isang lalaki.
"Good morning po Ma'm," magalang naman na bati nito sa akin.
"Yes po?" mataman ko itong tinignan. Mukhang decent naman at harmless.
"Papa-receive ko lang po sana itong invitation para po kay Mr. Jared Escaner." Sabay lahad sa harap ko ng isang puting envelope na medyo may kalakihan. Halatang invitation card nga.
Kinuha ko iyon at ni-receive, "Kanino galing?"
"Sa Almonte Shipping Company po," sagot naman agad ng lalaki.
Bahadya akong natigilan pero agad ding ngumiti, "Ah ok. Sige. Bigay ko na lang kay Sir Jared."
"Okay po, Ma'm. Thank you," Saka umalis 'yong lalaki.
Curious kong tinitigan 'yong envelope. Mabango iyon at mamahaling papel. Sa harap ay naka-emboss ang initials ng Almonte Shipping Company, ASC, sa napaka-eleganteng font.
*****
Minasdan ko si Sir Jared habang matiim na nakatitig sa invitation na iniabot ko kanikanina lang. Tila malalim ang iniisip niya.
Bigla itong lumingon sa pwesto ko kaya agad akong napaiwas ng tingin. Parang tumalon sa pwesto 'yong puso ko sa sobrang gulat. I didn't want him to caught me staring, pero huli na.
Malalim akong bumuntonghininga at hinawakan ang folder na nasa mesa ko. Marahan akong tumayo at humakbang papalapit sa mesa ni Jared. Napatingin naman siya sa akin kaagad.
"Sir," panimula ko saka ko inilapag sa mesa niya ang folder, "Hinanda ko po 'yan just in case na kailanganin niyo."
"Ano ito?" Marahan niyang kinuha ang folder at binuklat.
"That is the copy of all the personal profile of each major share holders of Almonte Shipping Company. Nakalagay na rin po d'yan kung gaano kalaki ang share nila and what role they do for the company."
Napakunot-noo si Sir Jared habang binabasa iyong file, "When did you have the time to search all this?"
"I have ways, Sir," tangi kong naisagot na ikinapatingin niya sa akin.
"Are they all gonna come to the Almonte party?"
"I'm pretty sure most of them will."
Napatango siya.
"Right now, the company holds a 20% of the Almonte share. If we could have atleast 70% of the voting board. You can be the next President."
"I asure you 99% that I will get the Almonte Shipping Company," saka niya ako tinignan ng masama.
Hindi ako umimik. Naniniwala naman ako na kaya niya pero I don't wanna say it. Baka lumaki ang ulo nito at maging confident, ayokong mangyari iyon. "As you say it is."
Akmang tatalikod na ako ng muli niya akong tawagin.
"Annielle," tawag niya sa akin. Napatingin naman ako kaagad. "Will you come with me to this event?"
Natigilan ako at hindi nakapagsalita. I wasn't expecting that. "I don't know if I have business to do there, though."
"You seemed to know all sort of things about the Almonte. I think you should accompany me."
*****
"SO you're going on a trip with your boss?" wika ni Seri ng magkita kaming tatlo sa paborito naming pub that night.
"Yeah," iniisip ko na kung ano ang mga dapat kong gawin pagdating namin sa pagdarausan ng event ng Almonte. It was a private event na gaganapin sa hometown mismo ng mga Almonte which happens to be my hometown also.
It's not coincidence.
"Hindi ka ba kinakabahan man lang?" tanong ni Rian.
Bahadya akong natigilan, "Bakit naman ako kakabahan?"
Nagkibit balikat siya. "Wala lang. You know. Ilang araw kayong magkakasama ni Jared. Let's say, sa iisang hotel. He might find out who you really are."
"I don't think so," confident kong sabi. "Sa tagal ko ng nagtatrabaho sa mga Escaner, hindi naman sila nagbigay ng masyadong atensyon sa mga ginagawa ko."
"That is because you are under Don Marteo. And he knows you. Pero sa iba, hindi."
"Well..." napa-isip ako.
"Rian has a point," ani Seri, "You work under Don Marteo at lahat ng ginagawa mo ay may basbas mula sa kanya. But now, you don't know Jared. Maaaring mabuking ka n'ya pero kung ano ang magiging reaksyon n'ya, iyon ang nakakabahala."
"Should I back out? Mas mahahalata niya na may something kung magba-back-out ako ngayon." Naintindihan ko naman ang pinanggagalingan nila but i still think, it's too late now.
"Kung sabagay. Tama ka din," napatango si Rian.
"Then I shall keep myself distance from him para wala siyang malaman."
"Basta mag-iingat ka," wika ni Seri.
"Maingat naman ako. Kita nyo nga hanggang ngayon ay 'di pa rin ako nabubuking," nakangiting wika ko sa kanila.
"We're just worried you know," si Rian. Tumingin siya sa paligid then biglang napaderetso ng upo. "And just as we are talking of the devil. Look, there they are."
Sabay kaming napatingin sa pwestong tinitignan ni Rian. Dahil nasa second floor kami ng pub kaya kita namin ang malaking bahagi ng unang floor. There we saw Jared at may mga kasama siyang alam kong kaibigan niya. Hindi naman ito ang unang beses na nangyaring nakita namin sila dito sa pub, actually, I know that they are frequent here, nagagawa ko lang na iwasan na magtagpo ang mga landas namin.
Atsaka, hindi naman niya ako makikilala. For sure.
Malayong malayo ang ayos ko ngayon sa ayos ko sa office.
Sa office, I was kinda nerdy, old fashion style secretary. Samantalang ngayon, iba ang pananamit ko. For tonight, I let my hair down. Hanggang lampas balikat na iyon at nilagyan ko ng big curls para may weigth. Sa office, I was wearing a wig. Yung straight wig na may bangs at walang nakakapansin na wig yun. Wala akong suot na eye glasses and false lens. My eyes were originally hazel brown pero sa office nagsusuot ako ng contact lens na kulay black. Tapos papatungan ko pa ng glasses na wala namang grado. Then the last and final touch of my office look, the small mole under my eyelids. Originally, wala iyon. So my office look was the total opposite of tonight. Who would have thought that I am the naive Escaner secretary?
"Wow. He look dashing," tila nagpapantasya na naman si Rian habang nakasunod ang tingin kay Jared.
"Tigilan mo nga 'yan Rian," naiiling na ani Seri.
Binalingan ko na lang ng pansin ang iniinom kong whiskey.
"Bakit ba? I should try to hook with him tonight. Masyado na akong nag-iinit kapag nakikita ko s'ya." Sabay tingin sa akin, "Okay lang naman Nielle di ba? You won't mind?"
"Huh? Bakit naman? Just go ahead," sagot ko.
"Ayan! May consent na ako mula sa secretary, hah," in full smile naman si Rian. Ininom niya 'yong laman ng kopita niya, isang lagok lang then tumayo at bahadyang hinila pababa ang suot na skirt, "How do I look?"
"Amazing!" sagot ko na nakangiti.
"Bahala ka sa buhay mo," sagot naman ni Seri.
"Whatever!" Saka ito umalis.
"Will she be okay?" nag-aalalang tanong ni Seri.
Tumango ako, "Yes. "
Nawala na sa radar namin si Rian. I guess she's having a good time with Jared right now. Alam ko naman na ang mga tulad ni Rian ang tipo ni Jared. He likes girls who are sexy, hot and aggressive. Nagtagal pa kami roon sa pub ni Seri pero nasa table lang kami at umiinom. Siguro dahil dalawa na lang kaming umiinom kaya medyo tumama ang epekto ng alak sa utak ko. Naubos namin ang isang bote, ah. Buti na lang walang pasok bukas.
Pagewang-gewang akong lumabas ng CR. Naghilamos ako ng konti para mahimasmasan pero parang nagsu-sway pa rin ang paningin ko. Napasandal ako sa pader pagkalabas ko pa lang kasi kailangan ko ng suporta para makatayo. D*mn alcohol. D*mn life.
Nanatili ako ng ilang segundo roon na nakatayo't nakasandal sa pader. Nanliliit na ang mga mata ko dahil sa hilo.
"Do you need help?" narinig kong boses ng isang lalake na hindi pamilyar.
Nagtaas ako ng tingin pero hindi ko nakilala kung sino iyon. Hindi rin maganda ang datingan nito sa akin. Mukhang mananamantala lang.
"I'm fine," sabi ko. Tumayo ako ng deretso kahit nakasandal pa rin sa pader.
"Lasing ka na. Gusto mong ihatid na kita?" anito saka bahadya pang lumapit.
"No thank you. May kasama ako. Can you just leave me alone?"
"Ang ganda mo pa naman. Baka gusto mong sumama na lang sa akin? Mukhang iniwan ka na ng kasama mo, eh," ngising aso na wika nito. Umakma itong hahawakan ako sa braso pero agad ko iyong sinuway.
"Bobo ka ba o ano?! I said, leave me alone!" madiin kong wika.
"Wow, pa hard to get. Halika na. May kotse naman ako." Tuluyan na nitong hinawakan ang kanan kong palapulsuhan at sinubukang hilahin pero agad akong nagpumiglas.
"Bitiwan mo ko! I swear I'm gonna scream," pagbabanta ko sa kanya.
"Choosy ka pa. Halika na," muli niya akong hinila pero this time ay may isang kamay na pumigil sa kanya.
Napatingin kami sa kung sino ang pumigil sa kanya.
Mabuti na lang at napigilan ko ang gulat ko, si Jared kasi iyon!
"She said let go," mariin at galit na wika ni Jared sa lalake.
Binitiwan ako noong lalake at patapon na binitiwan din ni Jared ang braso nito.
"Magkasama ba kayo?" naiiritang sabi nang bastos na lalake.
"Yes she is with me. May problema ka ba?" sagot ni Jared.
"Tss," napapiksi na lang 'yong lalaki at umalis.
Saka lang ako nakahinga ng malalim. Thank God at nakaligtas ako sa isang iyon.
"Okay ka lang?" binalingan naman ako ni Jared.
"Yeah. Thank you," mahinahon kong sagot.
"May kasama ka pa ba?"
Tumango ako.
Humakbang ako ng isang beses pero agad umikot ang paligid ko. Muntik na akong matumba kung hindi lang ako nasalo ni Jared. Inalalayan niya akong makatayo at marahang isinandal sa pader uli.
"Woah. Mukhang di ka okay," anito sa mahinang boses. Ang lapit na kasi ng mukha nito sa mukha ko. Halos maglapat na ang mga labi namin.
Wow. He smells so nice. Kahit nasa pub kami at halo-halo na ang amoy dito, ang lakas ng kapit ng men's scent n'ya. Hindi masakit sa ilong.
"Ang bango mo," wala sa huwisyong nasabi ko.
He chuckled gently, "Thanks. You smell nice too." Lalo pa siyang lumapit sa akin. Inilapat niya rin ang katawan niya sa akin. Now I can feel his body releasing extreme heat. Napasinghap ako ng marahas.
"Your voice seems familiar," anas nito sa tapat ng tenga ko. Mariin akong napapikit.
Napatawa ako ng mahina, "Bagong linyahan 'yan, ah." Napakapit ako sa kaliwang braso niyang nasa beywang ko.
"You think so?" Umangat ang isa niyang kamay at hinawi ang ilang takas na buhok na nasa aking mukha, "Beautiful eyes."
Hindi na ako naka-imik. Nagkonekta ang mga mata namin at namalayan ko na lang na hinahalikan na niya ako. Dahan-dahan akong nagpikit ng mga mata.
He kiss me very gently but passionately. Lalong nag-init ang aking pakiramdam. Naramdaman kong humaplos sa tagilaran ko ang kamay niya at pumunta sa likod upang lalo akong hapitin palapit sa katawan niya. I kissed him back softly.
Lalong lumalim ang halik niya at lalong nag-init.
"Get some room!" May boses ng babae na biglang nagsalita kung saan kaya bumalik sa huwisyo ang utak ko. Napamulat ako ng mga mata at kumalas sa aming halik.
Muli akong napasinghap ng marahas. Hindi ko akalaing madadala ako ng sitwasyon at mukhang hindi pa rin siya malahuma.
"Do you wanna go with me?" mahina pero sapat na boses na wika niya.
Yes, I already know where is this going. But....
"No. I should go," marahan ko siyang tinulak sa dibdib palayo at hinayaan naman niya akong makawala.
Walang lingon likod ko siyang iniwan. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para maka-akyat ng hagdan pero pagkadating ko sa mesa namin nina Seri ay agad ko silang inaya pauwi.
"Why? Maaga pa ah," nagmamaktol na wika ni Rian habang papalabas na kami.
"Inaantok na ako," sagot ko.
"Nakatawag na ako ng sasakyan," seryosong wika ni Seri.
"Hindi ko man lang siya nahalikan. B'wisit talaga," bulong ni Rian.
Tinignan ko lang siya at hindi na nagsalita.
Hindi na ako iinom ng whiskey. Promise.
*****