Page 9
*****
"NIELLE?"
Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Si Sir Jared na pala yun.
Mataman niya akong tinignan. Mula ulo hanggang paa then pabalik. Bahadya siyang napakamot ng batok pagkatapos.
"Is that really you?"
Bahadya akong nagtaas ng isang kilay.
"I almost didn't recognize you," then he chuckled a little.
"Good morning, Sir," napairap na lang ako sa hangin.
What's wrong with my looks today? Wala naman. Aaah.... maybe because of my hair.
Well I decided not to wear my wig. Pina-layer cut ko ang aking original hair at pinakulayan ng brown color, 'yung uso na kulay. I realized, mahihirapan akong magpanggap kung isusuot ko lagi ang wig ko. Mainit kasi 'yon, tapos pupunta kami ngayon sa probinsiya. Hindi angkop sa itsura ko.
Pero 'yon lang naman ang nabago. I still wore my black false lens and glasses. Then my mole. 'Yong suot ko, well, i was wearing a floral yellow sun dress na presko sa balat. Naiinitan nga kasi ako.
I looked at him while we are waiting for our flight to be called.
As usual, he looks good in his white polo shirt na nakatupi ang manggas hanggang siko, black fitted jeans and black shoes. He was wearing an expensive classic ray ban aviator.
Hindi naman siya naghahanap ng atensyon, kusang napupunta sa kanya ang atensyon.
"Iyan lang ba ang dala mo?" he asked.
"Huh?" napatingin ako sa nakasukbit na malaking traveling bag sa balikat ko. Then may medium size backpack din ako sa likod, "Bakit?"
"Five days tayo roon, 'yan lang ang gamit mo?" nagtataka niyang tanong.
"Yeah. Wala naman akong masyadong dala, more on clothes lang. Pwede naman akong magrecycle ng mga damit."
Bahadya siyang natawa, "Hindi ko in-expect. Iyong ibang kakilala kong girls almost dalhin na ang buong wardrobe nila sa mga outing. Pero ikaw...."
"Well, atleast you know that I am not like of all those girls you know."
Tinitigan niya ako saglit, "Yeah. You're right. You definitely are different."
Nagkibit-balikat ako at humakbang na. Narinig ko na kasi ang pagtawag sa flight namin.
*****
Mabilis lang ang naging b'yahe namin. Pagkalabas namin ng airport ay may naghihintay na sa amin na sundo mula sa hotel na tutuluyan namin.
Five days.
Habang patungo sa hotel ay nakatingin lang ako sa labas. Jared was busy taking and making calls. I tried to remember a place or two sa mga dinadaanan namin pero wala akong maalala. Until makarating kami sa hotel.
"Saan ang room mo?" he then asked habang lulan na kami ng elevator.
"5th floor," sagot ko.
"Bakit magkalayo pa 'yong room na kinuha mo?" gulat na wika niya.
"Bakit? 'Yan ang best room nila. Grand suite," which is at the 10th floor.
"Why?" hindi makapaniwalang react niya.
"Dahil boss kita," then the elevator opened at 5th floor, "See you later, Sir." Saka ako lumabas. He was left in awe.
Pagdating ko sa room ko ay nagpahinga muna ako bago naligo't nagpalit ng attire. Mostly sa dala kong damit ay dress. Yung mga casual naman na dress. Mas maganda kasi 'yong isang suotan lang tapos hindi masikip sa bag. I settled all my things at sandaling nagpahinga. We arrived before lunch time kaya medyo gutom na ako.
Nasa ibaba na ako nang tumawag si Sir Jared asking kung saan kami magla-lunch.
"Sir, nandito na po ako sa first floor, sa restaurant." Actually kapapasok ko lang sa restaurant. It was a buffet style restaurant.
Jared: "Hindi mo man lang ako hinintay, hah."
"Baka kasi nagpapahinga pa po kayo."
Jared: "Whatever, 'wag kang kakain hanggang wala pa ako."
Then he ended the call.
Tss. Napaka clingy. Feeling bf?! Hmf!
Pero habang wala pa siya, kumuha na ako ng plate ko at inikot na ang buong buffet para makapamili ng kakainin. I saw familiar cuisine at may ibang native sa lugar. Minsan may nagsabi sa akin na dapat kapag dadayo ka sa ibang lugar ay dapat i-try ko ang mga pagkaing doon lang makikita at matatagpuan. But i still crave for the familiar. That's the problem.
Halos hindi ko tuloy napansin si Jared na nasa tabi ko na pala.
"What are you going to eat?"
Muntik pa akong mapatalon kasi bigla s'yang nagsalita. At malapit pa talaga sa tenga ko!
Bigla tuloy bumilis ang pintig ng puso ko at nag-init ang mukha.
"Titikman ko po lahat," pataray kong sagot saka umiwas sa kanya.
"Wow. Big appetite," he laughed. "Napansin ko nga din 'yon sa 'yo. Ang lakas mong kumain. Tell me, saan ba napupunta ang mga kinakain mo?"
"Deretso sa kubeta," walang anumang sagot ko.
"Hoy!" mahinang suway niya sa akin.
Natawa ako ng lihim at nailing.
Medyo madami din ang tao sa restaurant ng oras na iyon pero nakahanap naman kami ng magandang pwesto para kumain.
"Ang laki pala nung grand suite na kinuha mo. Pwede tayo do'n pareho."
"Thanks but no thanks," seryoso? Feeling mo naman mapapasama mo ko sa suite mo?
"Minsan, hindi ko alam kung magkaibigan na ba tayo o magkaaway eh," may halong pagtatampo sa tono niya.
"You're my boss and I am your employee."
"Ang boring mong ka-bonding," he hissed.
Aba!
Tinitigan niya ako saglit tapos ay nagkibit-balikat. Binaling na lang niya pagkatapos ang pansin sa pagkain at ganun din ako. After lunch ay sabay kaming lumabas ng restaurant.
"May schedule ba tayo for today?" tanong niya sa akin.
Nag isip ako saglit, "Wala naman po for today."
"Good then," tango niya.
"Jared?!" May isang matinis at malambing na boses na biglang tumawag ng pansin namin kaya napahinto kami sa paglalakad.
Lihim akong nabigla nang makilala kung sino iyong papalapit sa amin ngayon.
Si Janine Almonte!
Bahadya akong umatras at pumuwesto sa likod ni Sir Jared para hindi ako mapansin agad ng bagong dating.
"I can't believe, you are really here na," wika nito sa napakalambing na boses. Halos abot tenga din ang ngiti nito kay Jared. Pagkalapit niya sa binata ay agad itong humalik sa pisngi nito at yumakap na parang kay tagal na nilang hindi nagkita.
Nakamata lang ako sa nangyayari gayon din ang kasama nitong babae na sa tingin ko ay kaibigan niya. They have the same aura.
"I told you I'll be here," nakangiting wika ni Jared habang nakatitig kay Janine.
"Oh my, I am so flattered," Janine held Jared's hand as if ayaw n'ya na itong bitiwan. "If I have known you'd be serious, sana sa mansion na kita pinatuloy. Alam mo, we have plenty of spare rooms to use."
"I don't wanna bother you, Janine. Alam kong busy kayo sa paghahanda para sa iyong birthday."
"I'll make time for you. You know that," humagikgik ito ng mahina.
Grabe ang kilig niya, ah.
"Oi friend, pakilala mo naman ako," singit bigla nung kasama ni Janine.
I think I've seen her before. Wait.....
"Ay, oo nga pala. By the way this is my best friend, Shaina. She's a well known commercial model," pakilala naman ni Janine sa kasama.
Ah, that's why she looks familiar.
Katulad ni Janine ay petite ito, mestisahin at matangkad. Well, some of her height came from her heels. Just like Janine.
Matangkad din naman ako. Sadyang mas matangkad lang si Sir Jared lalo na kapag nasa tabi niya ako.
"Did you have lunch already? We're here to have some sana," muling nginitian ni Janine si Jared.
"Actually, i did. Pero pwede ko naman kayong samahan." Pagpapaunlak ni Jared. Nilingon niya ako pagkatapos, "I'll just accompany them."
Marahan akong tumango, "Go ahead Sir."
"Sino sya?" Janine asked.
Nagkatinginan kaming dalawa.
"She's my personal secretary, Nielle Soledad," sagot ni Jared.
"Ohw! Hanggang dito ba naman ay dala mo ang pagiging workaholic mo," ani Janine.
"No wonder you're one of the most sought out bachelor in our country," wika ni Shaina.
"Hndi naman sa ganun," wika ni Jared.
"The most sought out bachelor for now. Right?" Janine play Jared's hand. Para siyang bata na naglalambing.
I can see that he already won her favor.
"I'll see you later then, Ms. Soledad," tinanguan ako ni Jared.
"Sige po Sir," sandali ko silang sinundan ng tingin habang naglalakad pabalik sa restaurant.
Then I was left alone.
Bumalik ako sa room ko at nag-ayos ng sarili. Jared will be busy until tonight, I'm so sure of that. So, I can do whatever I like.