Page 10
*****
Bumalik muna ako sa room ko at nag ayos ng konti bago bumaba uli with my sling bag and everything necessary. I was actually thinking of renting a car pero paglabas ko ng hotel ay pinili ko na lang na mag-taxi which is a good choice kasi hindi ko na halos makilala ang mga dinaanan namin. Sabagay, ilang taon lang naman akong nag stay dito, atsaka, hindi ako pinapayagang lumabas.
Mahigit dalawang oras din ang biniyahe ko hanggang sa makarating ako sa pakay na lugar. May ilang minuto akong nanatiling nakatayo sa harapan ng mataas na steel gate. Nakatingin sa malayo. Niluma na ng panahon ang gate na iyon, makapal na rin ang mga halamang baging na nasa magkabilang pader na bakod ng property. Hindi ko alam kung may naninirahan pa roon pero siguro meron naman. Mukha na tuloy haunted house ang bahay sa loob.
Napatingin ako sa malaking karatula na nasa gate. Linapitan ko iyon.
"For Sale" iyon ang nakalagay sa gate. Mukhang bagong lagay lang kasi bago pa ang pintura.
Parang kinurot ng napaka-riin ang puso ko. May nabuhay na galit sa aking kalooban. How could they!
"May hinahanap ka ba, hija?"
Muntik na akong mapatalon sa p'westo ko ng may magsalita sa tabi ko. Hindi ko namalayang may tao na pala roon. Nalingunan ko ang isang may edad na babae. Purong puti na ang buhok nito pero matikas pa naman ang tindig at as mababa ang height kaysa sa akin.
"Ahm," kinabahan ako, "Ano, napadaan lang po ako at tinignan ko lang po 'yong karatula. For sale po pala."
"Ah oo. Kakalagay lang nila niyan kanina. Matagal na kasing walang nakatira sa bahay na iyan."
"Ganun po ba? Si-sino po ba ang may-ari ng lupa na 'yan?"
"Hindi ko alam eh. Binilinan lang kami na kung may interesadong bumili ay kausapin namin. Wala namang hindi magandang history ang bahay na iyan. Napabayaan lang talaga simula noong umalis ang anak ng may ari."
Napatango ako, "Ganun po ba."
"Interesado ka ba?"
"Ahm, magkano naman po nila binebenta ang bahay?"
"Ang banggit sa amin ay mga 120 million. Malaki ang bahay na iyan at maluwang ang bakuran," anito.
Tumango ako at pilit ngumiti, "Hindi ko pa po pala kaya. Ang mahal."
That night.
"You're going to acquire a property?" may halong pagdududa sa boses ni Seri habang magka video call kaming tatlo kasama si Rian.
"Yes. May kakilala ka na pwedeng mag-ayos ng papel, hindi ba?"
"Kausapin ko 'yong kakilala ko. Pero akala ko ba iba ang plano mo?"
"Tuloy pa rin ang plan ko. Gusto ko lang makuha ang property."
"Why would you pay such amount when originally it was yours?" deretsong wika ni Rian.
Napangiwi lang ako sa sinabi ni Rian.
"Hihingi ka ba ng tulong kay Don Marteo?" tanong ni Seri.
Natigilan ako, "Hindi ko pa alam."
"I'm sure he'll help you if you ask. Matagal ka ng nagwo-work sa kanya and he never doubted your actions," ani Seri.
"Hingin mo na lang. Mayaman naman si Don Marteo," nakatawang biro ni Rian.
"Sira! 'Di pwede. Nakakahiya 'yon," sagot ko na bahadyang natawa.
"Ay wag mo na kaming pakinggan, Nielle. Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin. It's your decision and choice," pinal na wika ni Seri.
"Boring talaga nito. Nagbibiro lang ako, hoy. Bahala ka na nga," wika ni Rian, "Anyways, okay ka lang ba dyan? Dapat nagpasama ka man lang sa isa sa amin. Alam naman namin na hindi maganda ang nangyari sa'yo sa lugar na yan."
"Okay lang ako," ngumiti ako sa kanila.
"Are you sure?" si Seri.
"Oo naman, " tango ko.
"Haist. Parang gusto ko din ng bakasyon," wika ni Rian, "Nabo-bored na rin ako dito eh. Marami bang cute boys dyan?"
"Hindi ko alam. Baka mga taken na sila," ganting biro ko. SInimangutan naman ako si Rian.
"Nasaan pala ang boss mo?" tanong ni Seri.
"I don't know," kibit-balikat kong sagot. Baka nga magkasama pa 'yun nang bago niyang girl.
"Enjoy mo lang dyan," ani Seri.
"I came for work, " wika ko.
"Then, goodluck," she smiled.
*****
KATATAPOS LANG naming mag-usap nina Seri at Rian sa cellphone nang may mag-doorbell sa room ko. Marahan akong kumilos para tignan kung sino iyon at nagtaka pa ako ng mapagbuksan si Jared.
Bahadya ko lang binuksan iyong pinto at isinilip lang ang ulo ko sa labas, "Sir?"
Alanganin siyang ngumiti, "Did I disturb you?"
"Hindi naman. Bakit po?" kunot-noo kong tanong.
He raised his hands. May hawak siyang isang bote ng mamahaling wine, "Wanna drink with me?"
Lalo akong kumunot-noo.
"I know. I know!" he chuckled a little, "You don't trust me that well. We can drink beside the pool or sa bar. Kung saan mo gusto. Promise I'll behave like a baby."
Pinanliitan ko siya ng mga mata.
Okay. It can be a hopeless case.
I asked him to wait me sa pool area. Nagpalit ako ng decent na dress. Nakapantulog na talaga ako no'ng kumatok s'ya eh. Pagdating ko sa kung nasaan siya, he already opened the bottle at may hawak na na wine glass. He smiled at me when I approach him.
The night was too quite and cold. Buti nagdala ako ng jacket.
Naupo ako sa katabi niyang sun lounge. Inabot niya sa akin ang isang nakahandang wine glass at sinalinan ng wine.
"I thought you'd never come," wika niya.
Nagkibit-balikat na lamang ako at tumingin sa malayo.
Ilang minuto ng katahimikan ang namayani sa amin hanggang sa dumating ang isang hotel staff na may dalang platter ng mga sliced fruits. Napatingin lang ako kay Jared but he just shrugged.
I guess in-order niya iyon habang wala pa ako.
"Hindi kayo nag-date ni Janine?" I finally asked. Kasi ang expected ko ay magkasama sila ngayong gabi. Well, parang miss na nila ang isa't isa eh.
"She has other plans. Nag-lunch lang talaga siya dito."
Talaga ba?
Pero hindi na ako nag side comment.
"We also had dinner together. Wala ka nga lang. Ikaw? Saan ka nagpunta kanina?"
Nagtataka ko siyang tinignan, "Bakit?"
"I saw you left. May acquaintance ka bang pinuntahan?"
Hindi kaagad ako nakasagot, "Yes. May binisita lang ako na lugar."
"So nanggaling ka na pala dito?"
"Hmmm.... Actually.... I was born here."
"Really?" Iyong tono niya ay halatang nabigla at excited sa nalaman.
Bahadya akong natigilan. Hindi ko in-expect na masasabi ko iyon. I never tell that to anyone, maliban na lang kina Seri at Rian s'yempre.
"So you are familiar to this place?"
"Hindi rin. Ipinanganak lang ako dito pero hindi ako dito lumaki."
"Ah, ganun ba? Atleast you feel a little of connection to this place, ha."
Hindi rin.
Isinusumpa ko nga ang lugar na ito eh.
"I see that you already won Janine's favor," Pag-iiba ko ng topic.
"Hindi naman siya mahirap i-please," ani Jared, "Or maybe we just share the same outlook in life."
Curious ko siyang tinitigan and he chuckled.
"But that is all."
"She likes you."
Napa-arko ang mga kilay niya habang nakatingin sa akin, "Paano mo nasabi?"
"Feeling ko lang. Hindi ba?"
Natawa siya, "I don't know. Paano mo ba malalaman kung gusto mo ang isang tao? I mean the opposite side?"
Umiwas ako ng tingin at nag-isip.
"Ewan ko. Depende siguro sa tao 'yon."
"Tama," he said, "Basta ako, alam ko kung gusto ko na talaga ang isang babae."
Ininom ko na lang yung wine ko at nagsalin ng panibago.
"Now that we're on the topic. Naisip kong wala pala akong masyadong alam tungkol sa background mo."
Bahadya akong natawa sa gulat, "What? Bakit mo naman kailangang malaman ang background ko?"
"Just so," nagkibit-balikat siya, "Matagal ka ng nagtatrabaho kay Lolo and yet hindi ko man lang alam ang birthday mo."
"Bakit mo naman gustong malaman ang birthday ko?" nagtataka ko siyang tinignan. Pero seryoso siya. Seryoso ang facial expression.
"Because I am curious of you. I am intrigue."
"The hell!" nakatawa kong react.
Bahadya siyang natawa sa naging reaction ko. I mean, that was ridiculous! But then, that sudden twinkle in his eyes makes me nervous. Hindi ko alam kung bakit, parang... parang may kiliti iyon sa puso ko. Agad akong umiwas ng tingin.
"Wala namang special sa buhay ko. It's just plain boring."
"I don't believe that."
"At bakit naman?"
"Nakalimutan mo yatang ako ang editor-in-chief ng Elite Magazine. I believe that every person has their own unique stories."
Hindi naman ako naka-imik.
"Your life might be boring and plain to your perspective but to others, it maybe not. It may inspire others."
Nailing lang ako bahadyang tumawa para mawala ang nararamdaman kong kaba.
"Masyado kang curious sa akin. Eh, kung sarili mo na lang i-kwento mo."
Natawa naman siya, "Ano pa bang dapat mong malaman sa akin? May gusto ka bang malaman tungkol sa akin?"
Mataman ko siyang tinitigan. May gusto ba akong malaman? Wait lang.
I emptied my glass and poured another.
"Do you like Janine Almonte?"
Muli siyang natawa, "Bakit ba laging siya ang tinatanong mo?"
"I'm just curious."
"I told you, she's not that bad."
"E 'di ba may girlfriend ka na. Nasa malayo?"
"Sino?" nagtataka nitong tanong.
"Iyong model?" sagot ko.
"Si Keisha?"
"Yes?"
"We are just good friends. Childhood friend to be exact. She was like a sister to me."
"Do you kiss random girls in the club?"
Nakita kong natigilan siya sa tanong ko. Nag-connect ang mga mata namin. Para tuloy gusto kong bawiin ang tanong. Why am I being talkative right now?
"No," he said.
No?
That rings to my head over and over for a few seconds. Then I smiled bitterly.
Wala na akong sinabi. Tumingin na lang ako sa ibang direksyon habang sinisimsim ang inuming hawak ko. May ilang minuto din ang namayaning katahimikan sa min.
"Wala ka na bang itatanong?"
"Wala na," sagot ko. Is it still me talking or the wine? I don't know.
"Pwede ba akong magtanong tungkol sa iyo?"
"No." mabilis kong sagot.
"Daya ah."
I don't care.
It was quite after. Hanggang sa naubos na iyong laman ng wine bottle. I was a bit tipsy. Magkasabay kaming sumakay ng elevator at hinatid niya ako sa tapat mismo ng aking room, as he insisted he will.
"Thank you." Sabi ko without looking. Akmang bubuksan ko na iyong pinto pero marahan niyang hinawakan ang kamay ko at hinila roon palayo. Tumingin ako sa kanya na may pagtataka. He slightly pinned me to the closed door. Our eyes connected in instance.
"You're hazel eyes."
Kumunot noo ako.
Oh God! I forgot to wear fake lens!
"Oh?" Speechless ako.
"I didn't know that you are hazel eyes." He slowly caressed my face.
"Yeah." Marahan ko siyang tinulak palayo. "Sobrang late na. We should call it a night. Maaga pa tayo bukas."
Mataman niya akong tinitigan then his seriousness came back in instance. "Maaga tayo bukas? May lakad ba tayo?"
"Yes." tango ko.