Page 11

1178 Words
Page 11 ***** Halos magkasunod lamang na dumating kami ni Sir Jared sa restuarant. Pagkatapos kumuha ng breakfast ay naupo kami sa mesa na pangdalawahan at malayo sa karamihan. "The day after tomorrow pa ang party. Saan naman ang punta natin?" Curious na tanong ni Jared. "Bibisitahin natin ang isa sa major investor ng ASC. Isa siyang kilalang tao dito sa probinsya. Mahirap makakuha ng meeting sa kanya kaya ngayong araw lang pwede." "And you manage to get a schedule?" "Yeah." "How?" Nagkatinginan kaming dalawa, "I just did." He smirked a little, "You really suprised me." Nagkibit balikat naman. "Okay," He said. "Give me information about him." "She's a she." "Alright." Exactly 10 am ay umalis kami ng hotel ni Jared. We rented a car at siya ang nag volunteer na mag drive. Hindi na ako nakipagtalo pa. May halos limang oras din ang naging biyahe namin. Nasa malayong bahagi kasi ng province ang tahanan ng pupuntahan namin. Hindi naman kami nahirapan na hanapin ang lugar since kilala sa probinsya ang taong iyon. Kahit kanino kami magtanong, alam nila kung saan ang dapat naming puntahan. Hindi nagtagal, narating namin ang Hacienda Acosta. Isang napakalaking lupain na malapit lang sa dagat. "She must be very rich, huh," wika ni Jared habang nasa b****a kami ng entrance ng hacienda. Hinihintay namin na mag open ang gate. Tumango ako, "She is very popular sa buong probinsya. She's a philanthropist, pati na rin ang kanyang buong pamilya ay kilala. Kung iisipin mo, they are like your family." A small smile formed in his mouth, "Yeah. I guess you are right. " "Except that, hindi babaero ang mga anak niya." Natawa ng tuluyan si Jared, "At paano mo naman nasabi yan? Did you already meet her children?" Hindi ako umimik. Tinignan ko lang siya at nagkibit balikat. Nawala naman ng ngisi niya, "Hindi ko gusto yang reaksyon mo, ah." Hindi na ako nagsalita kasi nagbukas na yung gate at pinapasok na kami ng guard. Katulad ng inaasahan, bumungad sa aming paningin ang karangyaan ng Pamilya Acosta. The house is majestically big and modern yet makikita ang kasimplehan ng buhay sa isang probinsya. Pagpasok namin sa living area ng mansyon ay namataan ko kaagad ng tingin ang isang may katangkaran na lalaki. Formal na formal ang tindig at ayos niya. Nilingon niya kami kaagad at tumayo mula sa kinauupuang sofa. "Mr Jared Escaner?" Lumapit na ito upang salubungin kami. "Yes. Good morning," bati ni Jared dito. Inilahad ng lalaki ang kamay niya para makipag handshake kay Jared, "Good morning. I am Attorney Allen de Silva. I am the personal lawyer of the Acosta family." Bata pa si Attorney Allen. Actually, magkasing edaran lang sila ni Jared, ang pagkakaalam ko. "I see. I am Jared Escaner, as you may know." "Yes. Yes. I know," ngumiti ito tapos ay bumaling ng tingin sa akin, "Magandang araw, Nielle." "Good morning," matipid kong bati dito. "You look good. As usual," he said after. Napangiti naman ako. Isang mahinang tikhim ang ginawa ni Jared. "We came from the same school during college. Though not batchmate," nakangiting wika ni Allen. "We have common friends," sabi ko. "I see," malamig na sagot ni Jared. Syempre wala siyang pakealam tungkol roon. Lihim akong nagkibit balikat. "Anyway, nasa garden si Madame. Puntahan na lang natin," biglang wika ni Allen. "Mabuti pa nga," ani Jared. Iginiya kami ni Allen patungo sa garden kung saan naabutan nga namin ang punong maybahay nang napakagandang Hacienda Acosta. Si Donya Felicia Acosta. Hindi ko rin mapigilan ang paghanga sa Donya. She is around 5o and above years of age pero hindi ito bakas sa tindig, ayos at itsura. She was well dressed, radiant and still stunning at her age. Meztizahin siya at halata iyon sa medyo mamula-mula nitong balat dahil sa init. I was secretly happy and relieved that she was looking fine and healthy. "Good morning Donya Felicia," magalang na bati dito ni Jared. He extended his hand to her. "Hindi ko in-expect na dadalawin ako ng isang Escaner Heir. Jared, right?" nakangiting wika ni Donya Felicia atsaka tinanggap ang pakikipag-kamay ni Jared. "Yes po. It is my pleasure to meet you, Madame." "It is my pleasure," ani Donya Felicia na hindi nawawala ang magandang ngiti sa labi. Then napatingin siya sa gawi ko. "And who is this beautiful lady? Is she your girlfriend?" Bahadya akong napailing. "She is Annielle. My secretary," sagot ni Jared. "Oh, is that so," napatango si Donya Felicia at muli akong tinitigan sandali. She smiled. Marahang lumapit sa akin si Donya Felicia. Hindi ko in-expect na hahawakan niya ako sa magkabilang balikat at hihilahin ng magaan para makipagbeso-beso. I felt a tingling sensation in my veins pero pinilit ko iyong huwag ipahalata. "Annielle? A very unique name and you are so pretty," wika niya pagkaraan at habang nakatitig sa akin. "Hi-hindi naman po masyado pero, thank you po, Madame." Ngumiti siya bago ako binitiwan tapos ay bumaling na kay Jared, "Alam nyo bang tamang tama ang dating ninyo dito sa aming hacienda. Araw ng pag-harvest ngayon. Gusto niyo bang sumama para tumulong sa pag-harvest?" Syempre hindi iyon tinanggihan ni Jared bilang tawag na rin ng paggalang. Gusto ko sanang magpa-iwan na lang pero hindi ko naman magawang magpaalam. Kasama din naman namin si Allen. He accompanied me habang nakaalalay kay Donya Felicia si Jared. Pinanuod namin ang mga tauhan na mag-harvest sa kanilang malaking lupain. Iba't ibang klase ng prutas ang hin-harvest nila pero marami ang hinog na mangga. "Sa dulo nito ay may ipinatayo kami na mga maliliit na rest house. So kapag gusto naming makita ng aking asawa ang dagat, doon kami nagpapahinga. O kaya hinahayaan namin mag stay roon ang mga bisita namin to enjoy the place," wika ni Donya Felicia. "Pwede pala kayo doon mag-stay." Nilingon naman ako ni Jared. "Kaysa naman magb'yahe pa kayo mamaya ay mag-overnight na muna kayo dito. Kayo ni Annielle," saka ako nilingon ni Donya Felicia at ngumiti, "Pwede ba?" Hindi naman ako nakaimik. "Yeah, you can stay over night," segunda naman ni Allen sa tabi ko. "Allen was staying here sa isa sa mga resthouse namin. Mag-stay na rin muna kayo rito," ani Donya Felicia. Ngumiti si Jared at marahang tumango, "Nakakahiya naman po sa inyo pero nahihirapan din po ako na tumanggi sa alok ninyo." "Wag ka ng mahiya, Jared. Alam ko na mag-eenjoy kayo sa pag-stay ninyo dito kahit sandali lang," nakangiting wika naman ni Donya Felicia. "Tumanggi ka sana," bulong ko kay Jared ng mapag-isa kami pagkaraan. Nasa living area kami at katatapos lang na mag-dinner kasabay sina Donya Felicia at Allen. Nagkataon naman na hindi umuwi ang asawa nito na nasa factory daw kasama ang panganay nitong anak na lalaki. "I can't. She is just too nice," wika ni Jared. Bumuntong hininga ako. Hindi ko gustong mag-stay pero wala na akong choice. Natigil kami sa pag-uusap ng dumating ang isa sa katulong ng mansyon. "Miss, pinatatawag po kayo ni Donya Fely sa itaas," anito. Kinabahan na ako. Nagkatinginan kami ni Jared pero tinanguan niya lang ako. Tsk. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD