Chapter 1

5130 Words
Y A N A "YOUNG Mistress, sa tingin niyo po, anong klaseng paaralan ang papasukan mo?" Napaisip ako sa tanong ni Manong Edi at pinagmasdan ang mga nadadaanan naming mga gusali. "Halatang-halata sa pangalan, Manong. Isang bonggang paaralan ang papasukan ko." Naramdaman ko na naman ulit ang excitement. Like shocks! I can't wait to see this school! Tumawa si Manong Edi. "Oo nga, Young Mistress. Hindi nga ako naniniwala na may ganito pala rito sa Pinas, e, kung hindi lang sana pinakita sa 'kin ni Master at Mistress ang kanilang class picture bago mag-graduate doon at saka yearbook." Napasimangot ako nang binanggit ni Manong Edi sina Mommy at Daddy. Psh. Nagtatampo ako sa kanila, ni ayaw nga nilang ikuwento sa 'kin ang paaralang papasukin ko. Kung ano bang klase roon, rito, chu-chu. Ginawa pang misteryoso ang paaralan? "Kinuwento nila sa 'yo about sa school?" "Oo naman, Young Mistress," nakangiting sagot ni Manong Edi. "Share naman, Manong," sabi ko at dinungaw ang ulo sa driver's seat. "Please?" sabi ko with beautiful eyes. Ang ganda ko na 'yan, ha? Syaro kung hindi pa madadala si Manong Edi. "Naku, Young Mistress, pinagbilin sa 'kin ni Mistress na hindi ko raw sasabihin." Napasimangot ulit ako at pasalampak bumalik sa pagkakaupo. Kaasar naman si Mommy, o! Nakukuryos tuloy ako masyado! Parusa ba nila 'to sa 'kin dahil sa pagtataray ko sa isang reporter no'ng isang araw? Hindi naman big deal 'yon, e! Nakakairita kasi ang reporter na 'yon na paulit-ulit magtanong! Psh. Anyway, I'm Elliana May Walton, call me Yana, adopted of Mr. and Mrs. Walton. Walton is the wealthiest family in the Philippines. Ako na ang maswerte, and yes, I'm proud to be lucky. Hindi rin ako mabait na tipong mukhang anghel, ako ay isang Mal-Ma—half maldita, half mabait. Ang kasama ko ngayon na si Manong Edi ay matagal nang naninilbihan sa mga Walton. Dalaga at binata pa sina Daddy at Mommy no'ng nagsimula siyang makipagsilbihan sa mga Walton. Siya ang pinakapinagkatiwalaan ng mga magulang ko. And I can tell that he is. Personal driver nina Daddy si Manong Edi dati, at ngayon personal driver ko na siya. Kahit 1 week pa kami magkakilala, close na kami niyan. Ang saya nga niyang pakisamahan dahil sumasabay siya sa trip ko. Minsan nga lang, sinasaway niya ako sa pagtataray ko sa ibang katulong. E 'di ako na ang mataray. Psh. "Andito na tayo, Young Mistress." Sa hindi kalayuan, may naaaninagan na akong gintong gate na may karatulang, Welcome to Royal University Naiimagine ko ang sarili ko na kumikinang ang mga mata at napapa-wow. Kumikinang pa ang gate dahil sa sinag ng araw. Baka gate 'to sa langit na kinuha lang, e! This is unbelievable! Kahit walang katao-tao malapit sa gate, bumukas ito na walang humihila at tumutulak. At na-imagine ko ulit na dumoble ang pagkamangha ko, pati siguro ngipin ko kumikinang na rin. May ganito rin pa lang paaralan sa Pilipinas! Bakit ngayon ko pa nakita 'to at nasaksihan? Sabagay, hanggang doon lang naman ako. Nang nakapasok na kami nang tuloyan, tumambad sa amin ang napakagandang palasyo na akala mong sa ibang bansa lang makikita. Hindi lang 'yon, kasi ang nagsisilbing bakod ng paaralan mula sa gate ay halaman. Ang taas nito ay times five sa tangkad ko. Para ka ring nasa kapatagan dahil sa lupa nito, may parang tinrim na halaman dahil kulay berde siya—Bermuda grasses. At saka ang pathway na ginagamit namin ngayon patungo sa malaking pintuan ng paaralan ay naiiba, may pagkaputi 'to at pagkakinis. "Whoa," namamanghang turan ko pagkababa ko ng kotse. "Magpakabait ka, Young Mistress, ha? Maiwan na kita rito." Ningitian ko si Manong Edi at kumaway. "Sure naman, Manong! Uso ang pretender ngayon at mga plastik." Sabay ngisi ko nang nakakaloko. "Young Mistress naman." Natawa ako. "I'll try, Manong." I saw him sighed from relief. "Sige na, Manong. See 'ya later!" "See 'ya later din, Young Mistress!" Pagkalaho ni Manong Edi sa paningin ko, hinarap ko na ang malaking pintuan. May dalawa pang kawal sa magkabilang gilid nito. Sayang, nakatakip ang mga mukha nila. Baka kasi gwapo para makapagselfie ako sa kanila. Haha! Huminga ako nang malalim. This is it, Royal University. Wait for me, here I come! Dinaloy ko muna ang tingin sa malaking pinto hanggang sa mapatingala na ako (ang taas niya, as in), bago ako humakbang. Pinagmasdan ko ang mga kawal na gumalaw at pinagbuksan ako. At tumambad sa 'kin ang naghihilerang mga kawal sa magkabilang gilid. Sa gitna nito ay may red carpet. Shocks, feel ko talaga palasyo ko 'to at andito naghihintay ang prince charming ko! Okay, waley. Ngayon ko pa lang napansin, hindi nakatakip ang mukha nila ng helmet. Shocks, ang gaguwapo nila! Heavens gracious! Pawang mga pinoy at ang iba mukhang half pa basi sa features nila. Gusto ko man makipagselfie sa kanila, huwag na dahil marami sila, mahigit forty. Tinago ko ang kilig ko at tumayo nang maayos bago nagsimula ng hakbang. Poise, Yana, ang poise. "Welcome and good morning, Elliana May," they greeted me in unison. Shocks, muntik na akong mapatalon at mapatili dahil sa pagbiglang bati nila sa 'kin. Nakakagulat kaya! Dahil nga mga gwapo sila, bumati rin ako pabalik. "Thank you and good morning." Huwag ka, may ngiti pa! Kada lampas ko sa kanila, yumuyuko sila. Feel na feel ko ang pagiging isang reyna ng palasyong ito. Dati, hanggang drawing lang ako, ngayon nasa loob na ako ng isang palasyo. Aakalain mo talagang dugong-bughaw ang nakatira rito. Pero nagkakamali ka, isa itong palasyong paaralan. Imposible? Well, pinatunayan ko na ngayon. Ang sarap nga i-untog ang ulo ko sa pader sakaling nanaginip lang ako. Napakaimposible naman kasi. Sa dulo ng red carpet, may nakatayong babae na nakasuot ng black formal suit, na parang sa mga businesswoman. May ribbon siya na kulay peach. Binasa ko ang nameplate niya. Nalaman ko na siya ang principal or dean ng Royal University. Mrs. Tolentino University's Principal/Dean "Welcome to the Royal University, Elliana May Walton," bati niya t'saka yumuko. Yumuko rin ako. "Did your parents told you that you're going to be a princess once you enrolled here?" Natulala ako saglit sa sinabi niya. P-princess? Ako? Umiling-iling ako. Walang sinabi ni isa sina Mommy, except lang na dito ako mag-aaral. "Ugh, as I predicted. Well, you're going to be—tomorrow. It's the policy of Royal University. First day here means you're just an ordinary student, and tomorrow you're going to be crowned as princess. Don't worry, you're not the only one." "So?" sagot ko habang hinihila pababa ang palda ko. Si Mommy kasi. Dapat daw magskirt muna ako, palagi lang daw kasi ako nakapants. E, ano naman masama ro'n, 'di ba? Maikli pa naman 'tong pinasuot sa 'kin. Psh. "Just saying." Pinagmasdan niya ang ginagawa ko na hinila pababa ang palda. "Are you comfortable with your skirt?" "No." "I suggest, you're going to wear your uniform today." Napaangat naman ako ng ulo. "Talaga?" "Yes, that's required." Thank God, hindi na ako magpakahirap sa paghila pababa ng skirt. Nakakairita. "Wala ba tayong plano pumasok?" mataray na tanong ko sa kaniya. Napaawang ang bibig niya saglit at tumikhim. "Sorry. Let's go?" Tumango ako sa kaniya. Susunod na sana ako nang bigla lang bumukas ang pinto na papasukan sana namin at iniluwa iyon ang isang tumatakbong babae. Pagkatigil niya sa harapan ni Mrs. Tolentino ay humihingal siya. "Poise please," maawtoridad na sabi ni Mrs. Tolentino kaya napatayo nang maayos ang babae, pati na rin ako. Nakakadala kasi ang boses ni Mrs. Tolentino. No doubt she's the principal. May nameplate ang babae at ang nakalagay ay, Mrs. Diliman Grade C10's Class Adviser "There's a commotion, Mrs. Tolentino!" natatarantang sagot ni Mrs. Diliman. Commotion? Dumungaw ako sa loob nang nakabukas na pinto. Wala naman ata, ah? "Where?" "At the office!" Ahh, sa office pala. "Madaming parents ang nagpipilit na ipatransfer ang kanilang mga anak na babae sa ibang school kahit kaka-enrol lang ng mga ito! They want a refund immediately!" sagot ni Mrs. Diliman. "What?!" gulat na turan ni Mrs. Tolentino. Oh, babae. Why bother to enrol them in the first place if they're going to transfer them in another school anyway? Hindi kaya—it can't be, Yana, it can't be. There's no terror teacher here. 'Di naman gaano kalala ang pagtataray mo sa reporter para itapon ka rito nina Daddy na puro terror, 'di ba? "Gusto ka nilang makausap, dahil kung hindi, magfafile sila ng reklamo." "Crap." Lumingon si Mrs. Tolentino sa 'kin. "Elliana?" nag-aalalang tawag niya. "Don't worry, I can manage. I can tour myself," medyo mataray na sagot ko. She sighed. "Are you sure?" Tinaasan ko siya ng kilay. Ano ako? Bata para alalayan pa? Psh. "Here." May inabot siya sa 'king mapa at pataray ko namang kinuha 'yon sa kaniya. I'm sorry, Principal, but I don't have a mood to be polite right now, maybe later. "A10 is your section, but I suggest, you have to go in your locker first to get your uniform and stuff. Here's your key." "Mrs. Tolentino, we have to hurry!" natatarantang wika ni Mrs. Diliman. "I'm sorry." "Teka—!" And they left me here standing while holding a map and a key. Ha-ha-ha, very funny. Kung pinasabay na lang kaya nila ako sa kanila? Tutal papasok din pala sila diyan. Psh. Nagsimula ako sa paglalakad. This time, busy na ako sa pagbabasa ng mapa. This university is really huge. I don't know what is the exact square meters of this, but I can say it's huge and wide. Itong palasyo pa nga lang, malaki na. Ang pinakamalaki rito sa loob ay ang Royal Hall, na malapit sa kalahati ng buong laki ng RU ang lawak nito at ang taas ay from first to fourth floor. The Royal University has six floors. Base sa mapa na hawak ko ngayon, ang kabilang parte ng palasyo ay nahahati sa dalawang departamento: Royal High School Department and Royal College Department. And they're symmetrical in the first floor. Parehong may Royal Cafeteria ('yon ang tawag sa cafeteria rito), Royal Clinic, Royal Comfort Room, Royal Locker Room and six classrooms—puro malalawak. In the second floor, symmetrical pa rin. Parehong may Royal Comfort Room, Royal Locker Room and ten classrooms. In the third floor, hindi na symmetrical. Sa RHSD ay may Royal Comfort Room, Royal Locker Room and ten classrooms. Ang pagkaiba nila sa RCD ay twelve classrooms ang ando'n. In the fourth floor, it's not symmetrical too. In RHSD, it has twelve classrooms, Royal Locker Room and Royal Comfort Room. In RCD, it has fifteen classrooms, Royal Locker Room and Royal Comfort Room. 'Di bale, madaming classroom sa floor, lumiliit ang laki nito. For the fifth floor, they're symmetrical again, and both of them has ten rooms in every hallway. This floor has four hallways. Sa palagay ko, ito ay mga ekstrang mga kuwarto kung sakali kinakailangan. And the spaces are huge kasi nga hanggang fourth floor lang ang taas ng Royal Hall—hindi apektado ang floor na 'to at sixth floor kaya malawak ang dalawa. And lastly, sixth floor, the two departments are connected this time. The floor has the office of the principal, faculties, faciliies, etc. At tulad sa fifth floor, malawak din dito. Both departments has three elevators, at isa sa mga elevator nila ay exclusive only for staffs. Then also, there's a staircase. Hindi rin mawawala ang emergency fire exit. Shocks. Ang astig naman 'to! Mukhang kompleto! Sa likod ng palasyo ay may malaking Royal Court, Royal Garden, Royal Field and Royal Pool. Cool! Mukhang magugustohan ko ang pag-aaral dito! Pagkapasok ko sa isang pinto, bigla lang may sumulpot na nilukot na papel papunta sa direksyon ko kaya agad ako umilag. Sinamaan ko ng tingin ang kung sino man ang may gawa no'n pero hindi yata ako napansin dahil may pinagkaabalahan siya. Seriously?! I think I entered the wrong door! Pero imposible, kasi ito lang ang pintuan ang maaaring papasukan. There's a bunch of brats messing around here. All of them were boys with crowns in their heads or should I say, prinsepe raw. Shocks. I felt a little empathy as I saw the girls bowed their heads while heading inside the door with a sign of, Royal Hall Nakaramdam ako ng inis dahil tila nasisiyahan ang mga kalalakihan sa ginagawa nila. The other girls were crying and others were a bit gloomy. I want to punch these guys one by one. Nakakakulo ng dugo ang eksenang pinapanood ko ngayon. I hate seeing peole getting bullied and treated like that, especially girls. I can see myself, I can relate. It's like they're destroying your life, little by little. Pero ayaw kong gumawa ng eksena kaya pinapakalma ko ang sarili ko. Kung hindi ko lang sana first day dito, makakatikim talaga sila ng sapak sa 'kin. And whatever is in this school, I won't let it drag me down. The princes made this small quadrangle as a playground. May nagtatakbuhan, nag-i-skateboard, nagsusuntakan kunwari at nanggugulo ng mga babae. Iniwas ko ang tingin sa kanila at nagpatuloy sa paglalakad. Doon ako pumasok sa isang pinto na may karatulang, Royal High School Department. They're heading to the right while me, heading to the left. Gusto ko man sumabay sa kanila, but I should change my clothes into a uniform first. Habang naglalakad, may nagsasadya talagang lalaki na banggain ako at muntik ko na siyang masipa mula sa likod. Kainis. "Catch!" Pagkarinig ko ng sigaw, awtomatiko namang gumalaw ang kamay ko at sinalo ang isang bola. Shocks! Tinatawag na nila 'yon ng catch kung binato na nila sa 'yo? They should have yelled dodge! Stupids. "Nice one," sabi no'ng lalaking nagbato sa 'kin ng bola sabay apir sa mga kasamahan niya. Ningisihan ko siya at malakas binato pabalik ang bola. Ayon sapul! That's what you called headshot! "Ohhh, that pretty hurts," sabi ng isa sa mga kasamahan sa lalaking sapo na ngayon ang may bukol na noo niya. Buti nga! Inirapan ko ang mga lalaki nang natuon ang mga atensyon nila sa 'kin. 'Yong mga mukha nila, priceless. Psh. Ngayon lang ba sila nakasaksi nang ganitong kaangas na babae? Pinagmasdan ko muli ang mapa habang naglalakad. I need to make sure. Nang naibaba ko na ang mapa, pakiramdam ko napahinto ako saglit sa paglalakad sa mga taong nakikita kong makakasalubong ko. Like whoa, starstruck! Ano 'to? Fashion show? Parang bigla lang nagslow-motion ang paligid, kumikinang ang nakapalibot sa kanila at kunwari may nag-faflash na camera. Alam niyo ba kung bakit? May apat lang naman na mga lalaki ang rumarampa sa gitna ng hallway or let's call them prinsepe raw because they're wearing crowns. Papasalubong na kaming lima. Malayo pa naman ang distansiya namin, 'di bale nasa dulo pa sila. Kada salubong nila sa mga lalaki bigla lang ang mga ito yumuyuko. Wait wait wait, why? Who are they? Ang unang nakaagaw ng atensyon ko ay ang lalaking nasa bandang gilid, left side. Lahat yata ng mga babaeng nilalampasan niya ay hinihila palapit sa kaniya. Hinawaan niya ang nakaharang na buhok sa mukha at inilagay sa likod ng tainga—iiwan 'yong babaeng tulala. Minsan, nagnakaw pa siya ng halik sa pisngi. Kinilabutan naman ako sa nasaksihan ko. Shocks! That guy! Don't he dare do that to me! And a conclusive idea, pop out in my mind. He's somewhat playboy or casanova! By his smiles, looks and what he did, he really is! Lumingon ako sa kabilang gilid, left side. Nakapamulsa ang isang lalaking todo naman ang ngisi. Maangas ang dating niya at kahit sa malayo, ramdam ko ang awra niyang bad boy. I've known many bad boys there, at masasabi kong mahahalata ko ang mga katulad nila. Nakipag-apiran siya sa mga lalaki habang sa mga babae naman ay bigla-bigla lang niya iniwakli pataas ang palda! Shocks! Ang resulta, napapatili 'yong mga babae at mapapaupo na lang sa sahig. Pakiramdam ko, kumukulo ang dugo ko sa ginawa niya. He's really a bad boy, no doubt! Sa tabi ng bad boy ay ang isang lalaking may seryosong mukha. Pasimple lang ito naglalakad pero may naisip ako na mahirap makisabayan ang lalaking ito. May nagtangkang makipag-apir sa kaniya na kapwang lalaki pero hindi niya pinansin. Kitang-kita ko pa mula rito na tumaas ang kilay niya. Ang chaka! Nakakakilabot naman kung magiging kaklase ko 'yan. Mukhang hindi ako makakapagbiro kung magkataon, baka seseryosohin niya! Nang bumaling ako sa lalaki na pinakamatangkad sa kanila, nagtama ang mga tingin namin. Parang naging yelo ang buong katawan ko dahil bigla lang ako nanigas at nakaramdam ng kaunting ginaw sa tingin niya. OA man pakinggang pero nanindig talaga ang balihibo ko. Walang ka-emosyon ang mukha niya at ang isang kamay niya ay nasa loob ng bulsa. Siya ang medyo nangunguna sa kanila kaya naisip ko, siya ang leader ng tatlo. 'Yong mga tingin niya, parang hinihigop ako. Obito, ikaw ba 'yan? At hindi ko maitatangging ang gaguwapo nila! Handsome, good-looking, cute—whatever! I don't care! Lumakas ng kaunti ang t***k ng puso ko nang papalapit na pala kami sa isa't isa. Shocks! Kinakabahan ba ako? Ugh, no way! I won't be intimidated by these guys! Never! Kung inisip mo namang napahinto ako sa paglalakad, puwes nagkakamali ka! Nagpatuloy yata ako sa paglalakad habang pinagmasdan sila, 'no. Baka isipin pa nila na pinagpapantasyahan ko sila. Ew lang. Ang akala ko na magbibigay daan sila, bigla lang sumalampak ang mukha ko sa isang dibdib nang huminto sila sa harapan ko. May slow-motion effect pa! At sa dibdib pa talaga ng matangkad na lalaking ito dumikit ang mukha ko! Nasa balikat lang niya ang tangkad ko kaya inangat ko ng todo-todo ang ulo ko para magtama ulit ang mga tingin namin. Hindi tao 'to. Higante! Isa siyang higante! Lulusot na sana ako sa kanila nang bigla lang nila ako hinarangan. Err. May plano yata ang mga ito na ilabas ko ang powers ko! Pinakalma ko muna ang sarili ko bago nagsalita sa kanila. "Makikiraan ho," mahinang sabi ko. Pero hindi man lang natinag! "Makikiraan ho." Sinubukan ko lumusot sa kanila pero hinarangan lang ulit ako! "Makikiraan ho." May halong irita na sa boses ko. Iwas tapos haharangan naman nila. Timpi lang, Yana, timpi. "Makikiraan ho," nagtitimping wika ko. Nang hinarangan ulit nila ako, hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw sa kanila. "I SAID, EXCUSE ME!" bulyaw ko sa kanila at napahingal pa talaga ako. Nakakaasar ang mga 'to! Kalurkey! Nagulat naman ang dalawa—casanova at bad boy—sa sigaw ko at ang dalawa pa ay hindi nagpatinag! Seryoso ang isa at ang matangkad, pokerface. Leading man ni Lady Gaga, ikaw ba 'yan? "How many times do I have to tell all of you that excuse me?" magalang kunwaring tanong ko. Ayaw na ayaw ko sa lahat ang harangin ako ng walang dahilan. Ano 'to? Naglalaro kami ng patentero? Wow, grabe, dapat sinabi nila agad sa simula para makalusot agad ako bago nila ako maharangan, 'di ba? Psh. "You should be the one who'll give a way, not us," maginaw na sabi ng higante. Aba! Magpapasuntok yata sa 'kin 'to sa panga, e! "Ikaw ba ang may-ari ng hallway?" painosente kunwaring tanong ko. Best in kaplastikan si Akemi ngayon, ayoko kasing masira ang first impression ng paaralang 'to sa 'kin. T'saka I need to disguise my power dahil kung hindi, end of the world na. "Aray!" Bigla ba naman ako iniwakli! Ang resulta nadaganan ko ang isang babae. Tinulongan ko ang babae makatayo. "Okay ka lang?" Hindi siya sumagot at tumakbo na lang palayo. Napa'no 'yon? "Huwag kasing pakalat-kalat." Nagpintig ang tainga ko sa sinabi ng bad boy nang narinig ko 'yon. Ano raw? Ako? Pakalat-kalat? Ako na isang dyosa ay pakalat-kalat dito? Walang hiya yata ang mga 'to, ah! Wala silang karapatang ganitohin ang isang Yana! Nagkakamali sila ng piniling taong iinisin ang unang araw niya! Grr. Sinusuwerte ka naman, o! Paglingon ko sa likuran, may mama ang nagtutulak ng isang cart na may mga football. Kumuha ako ng apat. Sinaway ako ng mama pero hindi ko siya pinansin. Nilagay ko ang dalawang daliri ko sa bibig ko at pumito. "HOY, SALUHIN NIYO 'TO!" sigaw ko at hinagis papunta sa direksyon nila. Medyo malayo-layo na sila kaya nilakasan ko ang pagbato para malakas ang tama. Nang nilingon nila ako, ayon! Bull's-eye! Napaatras sila at sinubukang balansehin ang katawan pero natumba pa rin sila. Wahahaha! Huwag kasing subukan inisin ang isang diyosa. Patikim lang ang ginamit kong powers. Mas malala pa ito kung gagalitin na nila ako, hindi lang ito ang magagawa ko sa kanila! Napaatras ako nang bigla lang sila tumayo habang sapo ang mga ulo. Lagot na. Kunot na noo plus magkasalubong na kilay plus masama na tingin plus umuusok na ilong at tainga—equals to galit na galit na turo! Kulang na lang mga sungay, piercing sa ilong at kinagod-kagod sa lupa na paa. Timing na timing! May pulang panyo akong dala! "HOW DARE YOU!" Bago nila isigaw 'yon, kumaripas agad ako ng takbo habang iniwagayway ang pulang panyo. Akala nila, ah. Feeling girl scout ata 'to. Laging handa. Kailangan kong bilisan ang pagtakbo dahil ang lalaki ng mga hakbang nila at isa pa, nasa dulo pa ng hallway ang elevator! Nang makalapit na ako sa isang elevator, kamao na ang ginamit ko sa pagpindot ng up button. Mabuti na lang bumukas agad ang elevator kaya bago pa nila ako maabotan, nakapasok na ako at papasara na ang pinto. Binelatan ko pa sila bago tuloyan sumara ang pintuan. Pagkarating ko ng second floor, pinindot ko muna ang number five button bago mabilis mabuksan. I know may isang elevator pero nagbabaka sakali lang, 'no. Dumiretso agad ako ng Royal Locker Room na katabi lang ng elevator. Napaawang ang bibig ko dahil sa mangha pagkapasok ko pa lang. Simula ngayon, hindi na ako aasa na may simpleng bagay dito sa paaralang 'to. Akala ko simpleng locker room lang ang papasukan ko pero nagkakamali ako. Organisado ang mga locker dito. Ang mga locker kasi dito ay pintado ng kulay asul at kulay fuchsia. Blue sa mga lalaki at fuchsia sa mga babae. Ang sahig dito ay sobrang kintab, pakiramdam ko nga madudulas ako rito. 'Yong mga dingding ay ang astig, royal na royal ang tema. Sa kisame ay may mga malilit na chandelier na nagsisilbing ilaw. Wala ring bintana rito, pero may air condition. Siguro, nasa tatlong daan ang mga locker sa pagkakaobserba ko. Gano'n siya kalawak. Hinanap ko ang locker ko, B48. Nang nakita ko na, sabik na sabik ko binuksan iyon at tumambad sa 'kin ang mga gamit na kakailanganin talaga ng isang typical na babae at estudyante. May extra notebook, ballpen, liquid correction, lapis, eraser, crayons, bond papers, papel, etc. 'Di bale kung nabasa ka, natagusan, pinagpawisan, nangalay, nasugatan, at kailangan magpaganda—lahat ng kakailanganin mo ay andito na. May extra uniforms, PE uniforms, bags, t-shirts, shoes, tsinelas, sanitary napkins, make-up kits, first aid kits, towels and many to mention. Kasing laki kasi ang locker na ito ang isang refrigerator—basta! Kompleto na ang lahat na kakailanganin mo. This is so awesome. Kinuha ko ang mga bagay na kakailanganin ko at pumunta ng Royal Comfort Room para makapagpalit ng damit. Humarap ako sa salamin pagkatapos at pinagmasdan ang suot-suot ko ngayon. Maganda ang white blouse na long-sleeve na may peach na kuwelyo, bagay sa 'kin, tapos ang ganda tignan ng kulay dilaw na bow. Naramdaman ko ang ginaw sa bandang hita ko kaya hinila-hila ko pababa ang palda ko. Teka— "Shocks!" singhal ko nang namalayang kasing baba lang ito ng paldang suot ko kanina. "Ugh, seryoso?!" Akala ko—! Okay, she didn't told me that I would be comfortable after wearing this skirt, she said required. Psh. Pero okay lang, naka puting kneesocks naman ako, kaunting balat lang ang bumabalandara. 'Di 'ko ata namalayan ang haba ng palda ng mga prinsesang nakasalubong ko. Lalabas na sana ako ng banyo, nang narinig ko ang tunog ng elevator at ang malalakas na yabag ng mga paa. Agad ko sinara ang pinto ng banyo. It's them! "Asa'n na ang babaeng 'yon?!" rinig kong asik ng bad boy. "She's cool, dude. Newbie, no crown," rinig kong namamanghang wika ng lalaking mukhang playboy or whatsoever. "Darn, my head hurts. That girl. She needs to be punished." Napalunok ako nang narinig ko ang sinabi ng higante. P-punished? Ha! Hindi ko hahayaang mangyari 'yon! "Dude, chill, spare her. She's just new here. She doesn't know anything," ani ng seryosong lalaki. Anong wala akong alam? Ano ba dapat ang malaman ko? "Tss," the cold guy hissed. "Wala siya rito, walang tao e. Tara na nga, punta na tayo ng Royal Hall," aya ng bad boy. Napahinga ako ng maluwag nang narinig ko ulit ang tunog ng elevator. Teka teka teka, parang may mali yata rito e. Bakit nagtatago ako? Aist! Sana hinarap ko ang mga maaangas na 'yon! Mga hambog, akala mo naman kung sino! Dahan-dahan ko binuksan ang pinto at sumilip. Pinihit ko ang ulo ko, left and right. Clear. Napapunas-pawis pa ako sa noo. Token, malamig naman sa loob, ba't pinagpawisan pa 'ko? Nagsimula na ako sa paglalakad nang may narinig akong ingay. Parang may sumipa sa isang pader o pinto, pero ang mga pader dito ay semento. Ahh, baka sa pinto. Hindi ako gumawa ng ingay sa bawat hakbang. Hanggang sa papalakas nang papalakas ang ingay, ibig-sabihin, papalapit nang papalapit na ako sa kinaroroonan nito. Lumakas ang ingay at bigla lang may tumunog na hindi gaya kanina, parang may nahulog o natumba. Napansin ko, sa isang silid nanggaling ang ingay 'yon. Sa A10! Ang magiging classroom ko! Pinihit ko ang doorknob at dahan-dahan binuksan, hanggang sa tumambad sa 'kin ang dalawang babaeng nakagapos ang mga kamay sa likod ng kanilang inuupan at paa sa paanan. Nakatakip din ang bibig nila ng masking tape. What the—?! a*******n?! Gumagalaw-galaw ang dalawang babae at may parang itinutuon silang direksyon. Sinundan ko naman at nakita ko ang isang babaeng kagaya nilang nakagapos na natumba naman sa sahig. Siya siguro ang gumagawa ng ingay dahil nasa likod siya ng pinto. Kung ano man ang nangyari sa kanila, sigurado akong konektado 'to sa kung ano mang mayroon sa paaralang ito—sa Royal University. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD