Y A N A
PAGKATAPOS ko silang pakawalan sa pagkakatali, ilang minuto na rin kaming apat nagtitigan dito at pinagmasdan ang isa't isa.
Sila nakaupo, ako naman, nakatayo sa harapan nila—nasa magkabilang baywang ang dalawang kamay at bahagyang nakataas ang kilay. Ang babaeng kaninang nag-iinarte ay abala sa pagpapaganda. Ang babaeng natumba ay abala naman sa paglalaro ng buhok niya at ang babaeng sinupladahan ako ay abala sa pakikipagsukatan ng tingin sa 'kin—nakakunot pa ang noo niya.
Hindi ko rin maitatangging ang gaganda nila, lalo na 'yong maarte. Hayy, talbog ang beauty ko.
Wala bang thank you diyan? Kanina pa 'ko nakatayo rito para marinig ang dalawang salita na 'yan galing sa kanila. Psh. Wala yatang balak, e.
Wala akong planong dumalo sa Royal Hall kanina, pero mukhang pupunta na lang ako ro'n kaysa habang-buhay na lang maghihintay dito.
Halatang matataas ang pride.
"You're welcome, ha?" sarkastikong sabi ko sa kanila at malawak na ngumiti. Yumoko ako biglang hudyat na aalis na ako nang nagsalita ang isa sa kanila.
"Are you willing?" Nagtataka kong nilingon ang maarteng babae. "Are you willing to join us?
Tinasaan ko siya ng kilay at nagcross-arms. "Saan?"
Nagkatininginan muna sila bago tumayo ng sabay.
"In our group," sagot ng maarte.
Oh, group?
"Group? Anong group?"
Magsasalita na sana ang maarte nang sumabat ang suplada.
"Are you serious, Danna? She's just new here! Wala siyang alam sa sitwasyon dito! At kung malaman niya, I'm sure, titiklop 'yan kagaya na lang ng iba," batikos ng suplada. Aba! Inirapan pa ako!
"Teka teka, mga sis," sabat ng natumba kanina at dahan-dahan lumapit sa 'kin. "Hindi niyo ba namumukhaan ang dilag na 'to?" Tapos hinawakan niya ang dalawang pisngi ko—no, hindi na hawak, ipit na!
Tinulak ko nga siya palayo at finlip ang buhok ko. "A-aray." Mukhang sumabit pa ang mga daliri ko sa mga buhol ng buhok ko! Talking about magulong buhok and wrong timing. Pahiya ako!
Tumawa silang tatlo kaya naiinis ko silang tinignan. Ayon tumahimik.
"So, my mother was right. Pag-aaralin ng mga Walton ang ampon nila rito," wika ng suplada. Ningiwian ko siya. Kailangan pang ipagdiin? Kailangan? Upakan ko 'to, e!
Tumahimik lang ako. Inirapan ko muna sila bago naglakad papuntang pinto nang may pumigil sa 'kin. Pangalawang beses na nila akong pinigilan, ah.
"Ikaw na lang ang pag-asa namin." Isang malungkot na boses ang narinig ko.
Huminga ako nang malalim. Okay, sasali ako sa kanila. Dapat malaman ko kung anong sitwasyon ang tinutukoy nila. Kapag isang walang kwentang grupo lang ito, aalis ako.
Pero, hindi naman biro kung bakit nakagapos sila, 'di ba? Paniguradong konektado ito sa tinutukoy nilang sitwasyon.
At saka, kailan naman ako tumanggi sa mga hamon o aya, ha? Wala ni isang beses. Ako pa!
Titiisin ko na lang ang masamang ugali ng isang 'to.
"Okay." Humarap ako sa kanila. "Pero sa isang kondisyon," seryosong wika ko.
"Sure!" excited na sagot ng natumba.
"Kailangan niyong i-kuwento sa 'kin lahat-lahat." Ilang segundo sila natahimik bago nagsalita ulit.
"Later," sabay sagot nila.
Ngumisi ang suplada at humakbang palapit sa 'min. "You need to prove yourself to us. That you really deserve to join our group," bulong niya sa tainga ko. "I don't care if you're the adopted of the wealthiest family in this country." Hindi ako umimik. "If you succeeded to do the task. Expect my respect on you, girl. I'll be good on you." Nang lumayo siya sa 'kin, hinarap ko siya—taas-noo.
"Deal," buong desisyong sagot ko.
Pumalakpak ang natumbang babae. "Yes, excited na ako!"
Inabot ng maarte ang kamay niya sa 'kin. "I'm—"
"Hep!" sabat ng suplada. "Ah-ah, mamaya na." Nilingon niya ako. "Kapag tapos na siya sa ipapagawa natin sa kaniya."
"Baka, ipapagawa mo sa kaniya, sis. Wala kaming alam na ipapagawa namin sa kaniya. Ikaw lang. Ikaw," hirit naman ng natumbang babae.
Inirapan naman siya ng suplada. "Hey, you. Here's your task."
Sinabihan nila ako tungkol sa task na ipapagawa nila sa 'kin. All I can say about that task is,
"Too easy," nakangising sabi ko sa kanila.
"Ganiyan nga, dapat ubod ng confidence!" sabi no'ng natumbang babae sabay palakpak. She's funny.
The bell rang, it means they're coming—tapos na ang opening remarks. Kailangan kong maghanda.
Tinignan ko ang suplada at binigyan siya ng nagdadalawang-isip na tingin. I don't think she's serious.
"Seryoso ka?" paninigurado ko.
Hindi siya nagsalita kung 'di ay ngumisi lang siya sa 'kin.
"You can do it, girl. Go! Aja! Fighting!" Ningitian ko ang maarteng babae. She cheered on me, so I guess it'll work.
I'm going to give these four boxes—i don't know know what's inside—to those what they called apat na ugok na unggoy. Do they even exist? But I'm not that dumb, I know they meant it to some guys. Sounds easy task, right? But that suplada said that it's not that easy to convinced those apat na ugok na unggoy to accept these boxes and to please. I wonder who they are.
May naramdaman akong isang kamay na nakapatong sa balikat ko kaya lumingon ako sa nagmamay-ari nito.
"You can do this, you're our only chance." Bakit ako? Sa dami ng estudyante rito, ako pa talaga? What's really going on? "I know you're wondering what's here in this place. If you want to ask it from someone else, no one will answer." Tinignan ko lang ang maarteng babae.
Ugh, parang kating-kati na akong gawin ang task na 'to para malaman ko lahat-lahat. Kinakain ako ng kuryosidad.
"Paparating na sila!" deklara ng babaeng natumba pagkatapos niyang sumilip mula sa labas.
Pagkalabas ko, pumuwesto agad ako sa gitna ng hallway. May apat na lalaki ang papunta sa direksyon ko. Maybe, it's them.
Pumikit ako at huminga ng malalim, t'saka tumakbo patungo sa direksyon ng target ko.
Muntik pa akong mapamura nang malakas ang pagkakabangga ko sa kung sino mang lalaking ito at ang pagkasalampak ng puwetan ko sa sementong sahig. Token, ang sakit ng puwetan ko. Mukhang nasobrahan ko!
Mabilis ko pinulot ang apat na kahon. Wala man lang umalalay sa 'kin upang makatayo! Sinikap ko na lang ang sarili kong makatayo habang umaaray at ngumingiwi sa sakit. Ang sakit talaga ng p***t ko, promise. Mukhang mamamaga pa ito.
Pag-angat ko ng ulo, nanlaki ang mga mata ko pagkakita ko sa apat na lalaking kaharap ko ngayon. Pati rin sila, gulat.
"It's you!" sigaw ng mukhang playboy.
Tama, ang nagmaalang model, ang mga maaangas, ang binatuhan ko ng football, ang naging mukhang toro at ang humabol sa 'kin kanina. Sila ang kaharap ko.
There's no doubt, sila nga ang tinutukoy nila. Ugali pa nga, e. Psh. Halata na. Mga ugok. But unggoy? Imposible! They're handsome!
Pero andito ako para sa task ko. Enough mesmerizing their handsomeness.
An idea flashed in my mind kaya nakayuko kong inabot ang apat na kahon sa kanila.
Even I don't want to say this precious word but I need to. For the sake of my pride. I have to prove myself to them!
"Sorry!" Napamura ako nang mahina habang nakayuko pa rin. Shocks, nakakainis naman oh! My one million dollar sorry has been wasted! My precious sorry!
Kumulo yata ang dugo sa ulo ko nang narinig ko ang nakakairitang tawa nila. Bigla lang ako pinagtawanan! Err.
"Nakokonsensya ka sa ginawa mo kanina?" natatawang ani no'ng bad boy.
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago sumagot. Be cool, Yana, be cool.
"Yes," walang ganang sagot ko.
"Sure ka? Ganiyang mukha? Makokonsensya?" Tinuro pa talaga niya ang mukha ko.
Muntik ko nang maibato sa kaniya ang dala kong kahon, mabuti na lang pinigilan ko ang sarili ko.
He's really getting on my nerves. Parang pumitik-pitik ang mga ugat sa noo ko sa lalaking 'to.
Pinagmasdan ko muli silang apat. It's time to do the task.
"Kay Joseph, mararamdaman mo sa kaniya ay inis. Kay Kevin, mararamdaman mo sa kaniya ay kilabot. Kay Dexter, mararamdaman mo sa kaniya ay kaseryosohan. At kay Andrew, mararamdan mo sa kaniya ay kalamigan."
"Sigurado ka ba talaga sa sinasabi mo?" hindi makapaniwalang sumbat ko sa suplada.
Ngumisi siya. "Trust me, napatunayan na namin."
Lumapit sa 'kin ang maarte at may inabot na apat na kahon.
"Para saan naman 'to?"
"Kailangan mong hulain kung sino sa kanila si Andrew, Dexter, Joseph at Kevin. Your clue is their auras. And when you're sure about your guess, give these boxes to them. Pink for Andrew, blue for Dexter, green for Joseph and orange for Kevin," paliwanag ng maarte.
"At diyan namin ibabasi kung pumasa ka sa task! Kung nasa tamang tao mo naibigay ang mga kahon! The best!" masayang wika ng natumbang babae kanina.
"Pa'no ko malaman kung sino mang 'yang apat na ugok na unggoy na tinutukoy niyo?" pasaring na tanong ko.
"Don't worry, kung sino man ang makakasalubong mo pagkalabas ng silid na 'to, sila 'yon," sagot ng suplada.
"Oh, okay." Parang kilalang-kilala nila talaga ang mga 'to ah? At prediktadong-prediktado.
"But remember this, they're not that easy to convince and to please," paalala pa niya sa 'kin.
Mukha ngang imposibleng pakinggan pero nang nasa harapan ko na sa kanila—sisiw na sisiw.
"Whoa, are these for us?" Medyo napagitla ako nang sobrang lapit ng mukha no'ng mukhang playboy. He must be Kevin. Nakaramdam ako ng kilabot. Akala ko nanakawan niya ako ng halik. So, tama sila. Grabe ang charm niya, instead na kilig—kinilabotan ako.
Kinuha niya sa 'kin ang mga kahon.
Awkward akong tumawa. "O-oo nga, para nga sa inyo 'yan." Binawi ko sa kaniya ang mga kahon. "Mas mabuti kung ako ang magbibigay sa inyo." Inabot ko kay Kevin ang orange na kahon, na tinanggap naman niya. Ngumisi siya sa 'kin at kumindat kaya iniripan ko siya.
Pagbaling ko sa bad boy, titig na titig siya sa mga hawak ko. "Ayaw mo nito?" tanong ko sa kaniya at inilapit sa mukha niya ang kahon.
Napaatras siya at inangat ang dalawang kamay niya. "B-baka may bomba 'yan." Pfft.
Tinuro ko ang mukha ko. "Sure ka? Ganitong mukha? Magbibigay ng kahon na may bomba?" panggagaya ko sa pagkakasalita niya kanina.
Kinuha naman agad niya sa 'kin ang kahon. "Sinasabi ko ngang gusto ko 'to. Tama, gusto ko 'to." Ganiyan nga. "Salamat na lang." Tapos ngumiti siya sa 'kin ng pilit. Mukha siyang natatae sa ngiting 'yan.
"Mine." Napalingon ako sa seryosong lalaki. Ang seryoso talaga ng mukha niya. Medyo nagdadalawang-isip ko pang ibinigay sa kaniya ang asul na kahon.
"T-teka!" awat ko nang aakmang buksan na niya ang kahon. "Mamaya na." Sabi kasi no'ng tatlong babae kanina na dapat mamaya pa bubuksan. Ano kaya ang laman no'n, 'no?
"Alright."
Paglingon ko sa huling taong bibigyan ko. Napatingala ako.
Nagtama ang mga tingin namin. Nang pinagmasdan ko ang mata niya, walang kaemosyon ito. Kung nanindig balihibo ko kanina dahil sa kilabot, ngayon naman dahil sa lamig.
Kinuha niya sa kamay ko ang kahon at hinagis-salo sa ere. Bahagyang tumama ang mga daliri niya sa palad ko at—shocks! Ang ginaw! Literal na ginaw!
"Still watch out, lady." Tinaasan ko siya ng kilay. "I know you have intentions but I don't really know what it is." Ang ginaw ng boses niya, halos walang kabuhay-buhay. "Even you gave us gifts, it doesn't mean your punishment will be void."
"P-punishment?" Oo nga pala, paparusahan daw nila ako. Okay fine.
"You'll regret what you did and what will you do to us."
"Ay grabe siya oh," biglang naibulas ko. "Madame Auring, ikaw ba 'yan?"
"What?" singhal niya.
Sigurado ako na tama ako sa pagbigay ng kahon. Hmm. Andrew, Dexter, Joseph at Kevin, humanda kayo.
"Teka teka," singit ng bad boy. Bahagya niya ako tinulak palayo sa higante at humarap sa 'kin. "Alam mo na ba kung sino kami?" takang wika niya sabay turo sa mukha niya.
Taas-noo akong tumango at ngumisi.
"Ikaw si Andrew the Kingkong." Turo ko sa higanteng unggoy. "Joseph the Ape." Turo ko sa bad boy na kaharap ko. "Kevin the Gorilla." Turo ko sa unggoy na ubod ng charisma at puro ngisi. "And lastly, Dexter the Chimpanzee." Turo ko sa unggoy na seryoso lang nakikinig sa 'kin.
Inabsorb pa ata nila 'yong sinabi ko dahil unti-unting lumaki ang mga mata nila. Ha! Tama nga ang binulong sa 'kin no'ng babaeng natumba kanina!
"...manggagalaiti sila sa inis 'pag tinawag mo sila ng gano'n. Hihihi," bulong sa 'kin ng babaeng natumba matapos ikuwento sa 'kin ang nicknames 'kuno' ng apat.
"I-ikaw!" gulat na sigaw ni Joseph habang duro ako at bahagyang umatras. "P-paano—"
"Sa amin muna siya, ha!" sigaw ng isang babae at nalaman ko na lang na sa suplada 'yon, kasama ang dalawa pa nang hinila nila ako palayo sa apat.
"T-teka! Saan niyo ko dadalhin?"
"Basta," matigas na sagot ng suplada.
Nagpadala na lang ako sa kanila. May nakasalubong din kaming mga ibang estudyante na nakatayo lang malapit sa elevator. Bakit gano'n?
Hila-hila nila ako hanggang sa nakapasok na kami sa Royal Comfort Room at nilock agad.
"I'm Danna Evangeline Yu," biglang pagpapakilala ng maarte.
"Lolly Ann Rollins," pagpapakilala naman ng suplada.
"Bella Rose Rivas! Just don't call me using my second name, ha?" masayang pagpapakilala ng babaeng natumba.
Napapikit ako at napasapo sa magkabilang sentido.
Sunod-sunod kasi ang pagpapakilala nila kaya medyo sumasakit ang ulo ko sa kanila—mas dumagdag sa nangyari kanina na 'di ko pa talaga na sink in masyado sa kokote ko.
"Hey, what's wrong?" nag-aalalang tanong ni Danna.
Nagmulat naman ako. "Hindi ko gets. Hinila niyo ko papunta rito tapos bigla-bigla lang kayo magpapakilala? Matino pa ba 'yon?"
Tumawa naman si Lolly. "Are you slow? Hello, the task thingy, remember?"
"Anong may'ron do'n?"
"You succeeded!" sigaw ni Danna.
Ano raw?!
"Kahit hindi kami makapaniwala kung bakit gano'n mo lang kadali naipamigay ang mga kahon at gaano mo katapang hinarap ang apat na ugok na unggoy. Pinahanga mo kami," wika ni Lolly at tinapik ang balikat ko ng ilang beses.
Wow. Sisiw lang kaya ng ginawa ko!
"Tapos na kaming magpakilala, ikaw naman," nakingiting wika ni Bella.
"Teka lang, pasado na ako?"
"Yup!" sabay sagot nila.
Napangiti ako. Yes! Nice one, Yana!
Tumikhim muna ako bago nagpakilala. "I'm Elliana May Walton, tawagin niyo na lang akong Yana."
"Yana." Ngumiti sila. "Well, congrats and welcome to our group! The Legendary Princesses!"
Ngumiti rin ako. "Thank you."
This is it. A new school with new friends and new journey to begin with.
Bigla lang nila ako yinakap kaya muntik na kaming matumba lahat.
"We hope that we can stop the clash together!" Nanlaki ang mga mata ko.
Clash?!
---