Chapter 41: Untitled Y R A ' S POV "Thank you, Kuya. Salamat sa paghatid." Niyakap namin sya kahit na pinagtitinginan na kami ng mga estudyante dito. "Blackjack." Sigaw nila Rendy, natigil sila ng makita si Kuya. Nanlaki pa mga mata nila. Ang El'mafia naman ay nakatingin lang kay Kuya, tinignan lang din sila ni Kuya bago bumaling ang tingin samin. Ngayun ko lang napansin ang pagtitinginan nila Kuya at Harvey. "Mag-iingat kayong apat dito, kung may problema. Tawagan nyo ako at wag kayong magsyadong magtiwala kung kani-kanino..." Bulong nito na sigurado kong kami lang ang makakarinig. Isa isa niya kaming hinalikan sa noo bago sya pumasok sa kotse nya. "Oh my! Ang sweet." Sabi ni Rendy, agad naman syang inakbayan ni Lei. "Sweet naman ako ah." May halong tampo sa boses nito. Nginitian

