bc

The Four Mafia Girl's

book_age16+
1.0K
FOLLOW
3.0K
READ
revenge
mafia
heavy
mystery
like
intro-logo
Blurb

Four sisters.

One hidden identity.

A school filled with enemies.

And a world where the most dangerous weapon isn't a gun—

but betrayal

Krystal Valentine

Alex Valerie

Ace Valencia and Yra Victorina "The Villafuente Sibling's"

The Four Mafia Girl's.......

chap-preview
Free preview
The Four Mafia Girl's
The Four Mafia Girls Bumabagyo. Malakas ang buhos ng ulan ngunit hindi ito alintana ng apat na babaeng Villafuente. Apat na putok ng baril ang sunod-sunod na umalingawngaw sa buong paligid. Madilim man at nababasa man sila ay hindi ito dahilan para tumigil sila sa pagtira sa mga nakahilerang target. "Tama na muna iyan." Isang malalim na boses ang nagpahinto sa kanila. Napalingon ang apat sa nakatayong tao sa may puno, seryoso ang mukha habang pinagmamasdan sila. "Dad!" Mahinang sambit ni Krystal, ang pinakapanganay sa kanila. Agad niyang ibinaba ang baril at sinenyasan ang mga kapatid na sumunod sa kanilang Ama. "Bakit, Dad?" tanong ni Alex, nakakunot ang noo at tila naguguluhan kung bakit pinatigil sila. "May problema ba?" Hindi agad sumagot ang kanilang Ama. Tumingin muna ito sa paligid bago muling ibinaling ang tingin sa kanila. "Kailangan n'yo nang bumalik sa Pilipinas." Natahimik ang magkakapatid. "Pilipinas?" ulit ni Yra, ang bunso. Tumango ang kanilang Ama at seryosong sinabi, "Natunton na nila tayo." Biglang nag bago ang ekspresyon ng apat. Alam nila kung sino ang tinutukoy ng kanilang Ama. Ang mga kalaban ng grupo ng kanilang Ama. Mga taong matagal nang nag hihintay ng pagkakataong pabagsakin ang kanilang pamilya. "Alam kong gumagawa na sila ng paraan para makalapit sa atin," patuloy ng kanilang Ama. "At ayokong hintayin pa nating maging huli ang lahat." "Dad... " hindi alam ni Ace ang dapat na sabihin. "Kaya hangga't maaga pa, gusto kong makaalis na kayong apat." Napatingin ang tatlong magkakapatid kay Krystal, sa gantong mga desisyon kay Krystal sila kumukuha ng sagot. "Paano ka?" tanong nito sa Ama. "Kaya naman dito" sagot nito. "Kasama ko ang mga tauhan natin." "Pero-" nag-aalinlangan si Krystal, Matanda na ang kanilang Ama at wala din syang tiwala sa mga nakapaligid sa kanilang Ama. "Kayong apat ang gusto kong mailigtas kung sakali man na dumating sila." Natahimik sila. Alam ng magkakapatid kung gaano kalaki ang panganib na kinakaharap ng kanilang pamilya. Hindi ordinaryong pamilya ang Villafuente, mainit sila sa mga mata ng iba. Sila ang isa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa mundo ng Mafia. At balang araw, alam nilang dadating ang panahon na silang apat na ang hahawak sa kapangyarihang iyon. Hindi pa nila alam kung kaya ba nilang harapin yon. Kakayanin ba nila? "May isa pa." Ngumiti ito ng tipid. "Pag dating nyo sa Pilipinas, papasok kayo sa Mafia School." "What!? " sabay sabay nilang tanong. Bahagyang napangiti ang kanilang Ama. "Panahon na para matuto kayo." Napabuntong hiningi si Alex. "At kung ayaw namin?" "Then you'll learn the hard way, Tandaan nyong sa Mafia kayo papasok at hindi sa ordinaryong paaralan." Napairap si Yra. "Parang wala naman kaming choice, ikaw pa din masusunod. Dad." "At least may school uniform?.. " Sarkastikong sambit ni Alex. "That's not funny!" Kunot noong sabi ni Ace. Sinaway sila ng kanilang Ama. "Makinig kayong apat. Sa paaralang 'yon, hindi nyo maaaring gamitin ang pangalan ng Villafuente para makuha ang gusto nyo. Hindi nyo pwedeng sabihin na anak kayo ng Villafuente dahil wala namang nakakaalam patungkol sa inyo." Tumitig ito sa apat. "May mga estudyanteng gustong maging susunod na leader, may mga anak ng ibang makapangyarihang grupi na gagawin ang lahat para mapabagsak kayo. Hindi nila pwedeng malaman na anak namin kayo." Nagkatinginan nalang ang apat. "At tandaan nyo.. " huminto ang kanilang Ama sa sasabihin. Mas lalong kumunot ang noo ng apat. "Hindi lahat ng magiging kaibigan nyo ay kakampi nyo, wag kayo basta basta magtitiwala." Walang nagsalita. Tanging tunog ng ulan at kulog lang ang maririnig. "Sige, Dad." Pag basag ni Krystal sa katahimikan. "Kung anong gusto mo, ayon ang masusunod." At nang gabing yon, hindi nila alam na ang pagbabalik nila sa Pilipinas ang magiging simula ng pinakamahirap na bahagi ng kanilang buhay. Hindi lamang sila matututo kung paano lumaban. Matututo din silang mag tiwala... Ang magtaksil At higit sa lahat - Matutuhan nilang hindi lahat ng laban ay kayang tapusin ng isang bala.. Dahil sa kanilang papasukin, Ang pinakamahirap na kalaban ay maaaring sarili mo lang din.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
361.4K
bc

Sold To A Superior Vampire (SPG-TAGALOG)

read
231.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
197.7K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
602.3K
bc

Lucas Sebastian III - SPG

read
2.7M
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook