Chapter 1

1444 Words
CHAPTER 1: Villafuente Nagbigay galang ang lahat ng makapasok ang apat na babae sa mansion. "Maligayang pagbabalik Villafuente sisters." Nabaling ang apat sa kauna unahang bumati sa kanila pagpasok. "Butler Kyro!" Namamanghang tawag ni Ace. "Ako nga. Mabuti at natatandaan nyo pa ako." Ngumiti ang apat sa sinabi ng kanilang Butler. Ito ang nagsilbing butler nila simula pa nung bata pa sila. Ibinaling ni Krystal ang tingin sa ibang mga kasambahay, may hinahanap nguni't hindi mahanap. "Brando,pakihatid ang mga gamit nila sa kwarto nila" Agad na sinunod ng inuutusan ni Kyro ang dapat gawin. "Mauna na muna kami sa taas, Butler." Paalam ni Alex, yumuko naman si Kyro ganun din ang iba. Malaki ang pinagbago sa mansion. Huling kita nila dito ay mga anim na taon pa ang pinakabunso, si Yra. "This mansion is creepy, huh? I wonder if may namatay na kaya dito?" Matalim ang ibinigay na tingin ni Krystal kay Ace. Akala mo naman ay ngayon pa lang nakatapak sa mansion nila. "Sa tingin mo? syempre meron!" Napailing na lamang ito kay Ace. Hindi nya mawarian kung bakit pa ito nagtanong ng ganun. Ang pamilya nila ang isa sa pinakakilalang mayaman sa Pilipinas. Nangunguna dahil sa nga business na itinaguyod ng kanilang Ama. Nguni't ngayun na wala ang kanilang Ama sa Pilipinas ay paniguradong sa kanilang apat malilipat ang pamamahala sa business. "San daw ba tayo mag-aaral?" tanong ni Yra. K R Y S T A L P O V Naibaling ko ang tuon kay Yra ng magtanong sya. "Remafia School" sagot ko. Kinuha ko ang laptop at agad itong itinype sa google. "Remafia School para sa mga taong may kinalaman sa mafia society at....." Namamangha yung tatlo matapos kong sabihin ang ibang impormasyon tungkol sa Yg School. "Bukas tayo pupunta, Ayus lang?" tanong ko, nagsitanguhan naman sila bilang pag sang-ayon. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tumingin sa may bintana. Kaming apat ay anak ni Vince Villafuente, ang aming Ina ay patay na. Anim na taon si Yra ng huli naming nakita ang mansion na medyo magulo. Ako ang panganay sa aming apat, Krystal Valentine. 20 yrs old. Si Alex Valerie naman ang pangalawa,19. Ang dalawa naman ay magkasing age din ngunit 17 yrs old palang. Si Valencia Ace at Yra Victorina. Kambal sila ngunit hindi halata dahil magkaibang magkaiba sila ng ugali at mukha. Simula bata palang kami ay sinanay na kami bilang susunod na tagapagmana ng Mafia na matagal ng hindi lumilitaw sa Mafia world, simula nung namatay si Mama at pagdating ng panahon na mag 18 na sila Ace at Yra ay muling lilitaw ang grupo na binuo nila Mama at Papa pero hindi na sila ang boss, kung hindi kami. Ngayun ay bali balita na baka patay na ang grupo nila Papa ngunit may ibang hindi naniniwala. Sa ngayun ay ibang grupo ang nangunguna sa ranking sa mafia world. "Krystal, sasama kaba? Mag swi-swimming kaming tatlo sa may dagat dyan." Pagkuha ni Alex sa atensyon ko. "Owkay" Inalis ko ang tingin sa may bintana at agad na inilabas ang swimsuit ko sa bagahe. "Sa swimming pool nalang kaya natin?" Suggest ni Ace. May swimming pool kasi sa may rooftop nitong mansion ngunit hindi naman nagagamit dahil nga sa America kami nanirahan. "Gusto ko sa dagat no! tara na. Sawa na ako sa puro swimming pool," reklamo ni Yra at hinila na kami matapos naming makapag palit ng swimsuit. "Butler Kyro. Dyan lang kami sa may Dagat." Paalam ko. Medyo malapit lang ang dagat sa may mansion at iyun ang nagustuhan ko dahil may galaan kami dati nung mga bata pa kami. "Mag-iingat kayong apat." Tumango nalang ako. Agad silang nagsakayan sa may kotse at iniwan ang driver seat. Napairap ako tyaka naupo dun. "I'm so excited." bulalas ni Ace. Ngumiti ako, excited rin ako. At least dito sa Pilipinas malaya kaming gawin ang gusto naming gawin kesa sa America, andun si Dad. Puro training ang nagagawa namin minsan lang makapag enjoy. Agad kong ipinark ang kotse at nagsibabaan din kaagad kami. Naamoy ko kaagad ang alat ng dagat. "Ang daming gwapo" for sure, sobrang saya ni Ace. Busog ang mga mata nya sa mga gwapo dito. "Dun muna tayo" Itinuro ko ang mini bar. "4 shot of vodka" Agarang sabi ni Ace at iginala ang mga mata. "I wonder if may mga mafia kaya ditong nag-e-enjoy," aniya at agad na nilagok ang alak. "Shut your mouth, Ace. Baka may makarinig," sita ko. Ayoko na may magtanong about sa amin, hindi naman kami kilala ng ibang kasali sa mafia dahil nga itinago kaming apat. "Nasan kaya si Ate Rien? I really miss that girl," biglang nag pop sa isip ko ang mukha ni Rien. "Baka busy. Di yata nya alam na darating tayo," sagot ni Alex. Si Rien ang isa pa sa pinagkakatiwalaan ng pamilya namin. Kaibigan siya ni Mama at ngayun ay kaibigan din namin. Tatayo na sana kami ng may pamilyar na mga mukha ang nakita namin. "Stupid ex." bulong ni Alex. Napailing na lang kami, for sure ay hindi na kami kilala ng ex nya na'yun. Well, 8 yrs old sya ng makilala nya yun at naging ka-close. Inaya sya maging girlfriend at pumayag naman sya. "Gosh! Gwapo lalo yang ex mo huh. What's his name again?" tanong ni Yra. "Harvey!" Nagtawanan kami sa iritadong boses ni Alex. Well, kilalang kilala pa rin nya yan. Syempre naiistalk nya sa f*******: but hindi nya friend. "Gwapo ng mga dalawang kasama oh. Mukang yummy." Humarurot na naman ang pagka malandi ni Ace. "Kelvin at Lei. Yan ang mga kasama nya" binalingan namin ng tingin si Alex. "Alam na alam ha? Well, si Ace na bahala dyan" Nang medyo malapit na yung tatlo ay agad kong itinulak si Ace. Masusubsob na sana kung hindi lang nahawakan nung isa. "Ace are you okay? Sorry napalakas," Nilakihan nya ako ng mata ngunit pinagsawalang bahala ko na lang. Play girl sya diba? Dapat gamitin nya charms na sinasabi nya kahit wala naman talaga sya non. "Hi, I'm Ace." Inilahad nya ang palad nya, tinanggap namin ito ng lalaki. "Kevin, Eto naman si Lei at Harvey. Mga kaibigan ko." Pagpapakilala nung Kelvin. Infairness! gwapings. "Hmm, si Yra. Krystal atyaka si Alex." Ngumiti ako. "Alex?," tinignan maigi ni Harvey si Alex. Kinukumpirma yata kung si Alex talaga ang kaharap nya. "Ako nga" simpleng sabi ni Alex. Nagsitawanan naman kami. "Yung ex mo pare?," tanong nung Lei. "Yup. Kailan kayo nakabalik?" ani Harvey. "Kanina lang. Laki ng pinagbago mo Harvey ah." Ngumisi ako. Hindi ko mapigilang alalahanin ang itsura nya nung bata pa. "Well, yeah." simpleng sabi nito. "Let's go na. Mauna na kami Harvey. Need na naming mag swimming." Paalam ko at tinignan yung tatlo. Agad din naman silang nagsitanguhan at sumunod na sakin. "May party daw dito mamaya." Nangingising sabi ni Ace. Binalingan nya ako ng tingin. Agad ko namang kinuha ang cellphone ko at tinext si Butler Kyro na mga 10 pm na kami makakauwi. Naalala ko ang madalas naming gawin sa America tuwing pauwi na kami galing school. Una naming pinupuntahan ang bar para makapag enjoy manlang sa buhay. Kung titignan kami para lang kaming ordinaryong mga babae, malayang makipagkaibigan sa school pero tuwing uuwi sa bahay puro training na. Nagpakawala ng buntong hininga si Alex na ikinatingin namin sa kanya. "Napapaisip lang ako, dapat ay hindi na'tin sinunod si Dad. Delikado ang lagay nya dun." "Wala naman tayong magagawa. Sya na mismo nag-utos na bumalik tayo dito at ayaw nyang mapahamak tayo," ani Yra. "Ayaw mapahamak? Kahit anong gawin nya mapapahamak tayo. Mafia boss sya dati, hindi lang nagpakita nung namatay si Mom. Tapos ano? Pag 18 na kayong dalawa. Bigla nalang magpapakita ang grupo'ng matagal ng hindi nagpakita." Ramdam ang pagkainis sa boses ni Alex. "Kalma lang naman, Alex. Hindi ka namin inaaway" ani Yra. "If nandito lang si Mommy," mahinang sabi ni Yra, halatang ayaw iparinig samin. "Oh s**t! What if mag-asawa si Dad ng bago?" Nanlalaking mata si Ace, tila nagugulat din sa iminungkahi nya. "What? Bat bigla mo namang naisip yan?" Inis na sabi ko. "Papayag ba kayo?" inis na binalingan ko ng tingin si Ace. Kung magkatotoo ngayung sinasabi nya, syempre gagalangin namin desisyon ni Papa. Pero hindi basta basta, kailangan naming icheck ang background nung babaeng papakasalanan nya. Napailing iling ako. Kung ano ano tuloy pumapasok sa isip ko dahil sa sinabi ni Ace. Wala pa namang babaeng dinala si Papa sa bahay dati. "Ace, manahimik ka na lang. Nalalason utak namin sa sinasabi mo," inis na sambit ni Alex. Ipinag-sawalang bahala ko nalang ang mga naiisip ko. Magsyadong madaming pumapasok sa isip ko para isipin pa ang mga naging tanong ni Ace.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD